is there someone out there?

6.2K 75 0
                                    

eto na oh..ung party!

============================

is there someone out there?

SABAY-SABAY silang pumunta sa venue ng party. Bukod sa mag-asawa ni Anton at Au, pati si Crystal ay kasama din nila ang mga magulang nila na sina Don Anastacio at Donya Marcia.

Dumating ang mag-asawa noong nakaraang araw. Ayon sa mga ito ay umuwi talaga sila para maka-attend sa birthday celebration ni Ninang Danita.

May kasama silang driver.

Ng dumating sila sa venue ay agad dilang humanap ng maaari nilaang mapwestuhan. Ang mga magulang nila ay humiwalay sa kanila. Nagtungo ito sa isang table kung saan naroroon ang mga kakilala ng mga ito.

Sila namang apat ay pumwesto sa may bandang likod. Iniikot niya ang kaanyang paningin sa paligid. Baka sakaling may makita siyang kakilala. May nakita naman siya pero hindi niya ka-close ang mga ito.

"Oh! Isn't that Amara Clarks?" manghang sabi ni Crystal.

"Who?" tanong niya.

"That one blonde haired lady, in red dress. Isn't she beautiful?"

"She's out of the possible choices, Crystal. Ayaw ni Marco sa blonde," sabi naman ni Anton.

Tama ang kapatid niya. Walang appeal sa kanya ang mga blonde. Tanging ang mga babaeng itim ang buhok lamang ang napapansin niya.

"Okay! Let's look for another one!" natatawang sabi ni Crystal.

Alam na ng mga ito ang sitwasyon niya.

Madami ng mga bisita ang nagsidatingan. Maya't maya ang turo ni Crystal sa kung sino mang sikat na nakikita nito pero kahit isa sa mga itinuro nito ay wala siyan matipuhan.

Hindi nagtagal ay biglang namatay ang mga ilaw. Tanging ang ilaw sa harapan ang natirang buhay pero medyo dim pa din iyon.

Grand entrance pala ang ninang niya.

Ng tawagin ito ng emcee ay saka lamang ito lumabas. Escort nito ang anak. Tumayo ang lahat ng mga bisita habang kumakanta ng happy birthday at palakpak.

Maluha-luha ang celebrant pagkatapos ng kanta. Saka ito nagsalita

"I want to thank Almighty God for this day, for giving me a healthy and happy life which is the reason why I reach this age. Thank you every for coming, for celeebrating with me my very special day."

Lumapit dito ang isang waiter tulak-tulak ang isang table na kung saan nakapatong ang six-layered cake nito, bawat usang layer ay may isang kandila.

"Before I blow my candles, I would like to ask myself, is there anything else I could wish for? I have a happy family, thpugh I am a widow already, I am happpy to be with my only son and his family. I am a proud grandma to his two kids. I have a successful business. I have so many friends. I think I am still healthy. Maybe, all I can wish for is to have a longer, healthier, and happy life together with my love ones," saka nito hinipan ang mga birthday candles nito.

Palakpakan ang mga bisita at muli silang umawit nbg happy birthday. Pagkatapis niyon ay nagsalita ang anak nito.

"Mom, you're a best mom for me. I am happy to be your son. You love me so much. Your a strong woman to raise me alone after the death of my dad almost three decades ago. Just like what you wished, I am also wishing for that. Hapoy birthday, Mom. I love you."

Yumakap ito at humalik sa ina aka nagtaas ng hawak nitong wine glass para sa isang toast.

TAPOS na halis kumain ng main dish ang mga bisita. Ang ilan ay nagde-dessert pa, mayroon din namang abala na sa pag-inom. Nagkakailan na din ang mga pareha na nagsasayw sa gitna ng bulwagan.

"I think I need to greet the celebrant first..." paalam niya sa mga kasama.

Tumayo siya at lumapit sa ninang niya na noon ay kausap ng kanyang mga magulang.

"Hello, Ninang Danita. Happy birthday!" nakangiting bati niya.

Yumakap at nagbeso pa siya dito.

"Thanks, sweetheart! Your looking good, just like before. So, who's with you except for your parents? I saw your with a girl in a black dress, is she your girlfriend?"

Malamang na si Crystal ang tinutukoy nito. Ito lang naman ang kalapit niyang babae na nakaitim simula pa kanina noong dumating sila.

"Ah, no. She's Kuya Anton's sister-in-law..." tanggi niya.

"So what? She's pretty, huh?" pang-iintriga pa nito.

"Naku Ninang. Hindi na kami talo niyan ni Crystal," natatawang sabi din niya.

"Eh sino ba ang girlfriend mo? Hindi mo ata isinama..."

"Naku kumare. Mabuti nga ba sana kung may maiisama e hanggang ngayon wala iyang ipinakikilalang girlfriend sa aming mag-asawa," singit ni Marcia sa usapan ng mag-ninang.

"Mom, wag mo naman akong ikabisto kay Ninang..." nakangiting sabi niya sa ina-inahan.

"Hay naku ewan ko ba naman sa iyong bata ka! Hanggang ngayong puro flings ka lang. Sa edad mong iyan dapat nagseseryoso ka na sa isang relasyon!" sermon pa ni Marcia.

Mabining tumawa si Danita sa usapan nila.

"Inaanak, madaming single and available sa paligid mo ngayon. Baka sakaling makaswerte ka..." biro nito.

"Sana nga, Ninang," sakay pa niya sa biro nito at sumulyap pa sa ama. Nakita niya itong nakangisi na ikinaasar naman niya.

"So, pano yan ninang? I'll go back tp our table muna," paalam na niya sa mga ito.

Ilang saglit pa lamang siyang nakakabalik sa kanilang table ng muli siyang magpaalam sa mga kasama.

"Punta lang muna ako saglit sa CR."

PALABAS na si Marco sa CR habang may kung anong kinukutingting sa kanyang cellphone.

Hindi siya nakatingin sa kanyang dinadaan kaya hindi niya napansin ang isang bulto na mabilis na naglalakad pasalubong sa kanya.

"Ouch!" narinig niyang sabi ng bumunggong katawan sa kanya.

Sa lakas ng impact ay napaupo ito sa sahig samantalang ang cellphone naman niya ay tumilapon din sa sahig. Mabuti na lamang at may protector iyon kaya hindi nagkahiwa-hiwalay ang mga parte.

"Ooops! Sorry miss..." hingging paumanhin niya sa babae habang inaalalayan itong tumayo. Tinulungan din niya itong pulutin ang press powder, lipstick at iba pang make-up stuffs nito na nalaglag mula sa hawak nitong pouch na nakabukas.

Nakayuko ito kaya hindi pa niya ito mamukhaan. Matangkad ito at mestisahin. Itim ang buhok na lampas balikat ang haba na noon ay nakatabing sa mukha nito.

Pinulot din niya ang cellphone niya at may napansin pa siyang isa pang cellphone. Marahil ay dito iyon.

"Miss, I think this is yours, too..." aniya sabay abot ng cellphone dito habang inilagay na niya sa kanyang bulsa ang sa kanya.

"Oh! Thank you, mister. By the way i'm sor----" napatigil sa pagsasalita ang babae na noon ay humarap sa kanya.

Hindi din niya napigilan ang mapanganga, pero sandali lang iyon. Nang makabawi siya ay itinikom niya ang bibig ata matalim na tiningnan ang kaharap.

"M-marco?" shock na nasambit nito.

"At least you still know who I am, Elle..." matigas na sabi niya.

Makikita ang galit sa mukha niya...

============================

ELLE na naman?

ayan na si elle..malalaman na ntin kung sino sya..

upnext:

ang nakaraan ni Marco...

pag di ko ngwa mmyang hapon, sa monday na ang post nun..holiday bukas..la aq net hehe

keep on reading..be a fan, vote & comment..

thanks!

Destined To Be WithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon