the plan 2

5.6K 62 2
                                    

eto na po un other half nun "the plan"

===============

"She said she's one of Ninang Danita's designer and... W-well... Still b-beautiful just like before..." nauutal pa siya habang sinasabi iyon.

"Are you blushing, Marco?" natatawang tanong naman ni Aurelle sa bayaw.

Naku! He has to give his best acting!

"Of course not!" tanggi niya.

"Hon, is this what you were talking about? Oh my! I never thought that the great Marco De Luces is capable of blushing! I must meet that first love of yours, Marco," nakangisi na sabi ni Au.

"Ate Au stop that!" saway niya sa hipag.

"Lalo na kung nakita mo yan nung high school sila, Hon. Kaya di na ko magtataka kung maging under yan!" gatong naman ni Anton.

Sila lang dalawa ang may alam ng plano. They all know how much he loved her kaya hindi sila mhihirapan.

"Siya ba yung sinasabi nyo noon na babae na nagpatiklop kay Marco?" seryosong tanong ni Don Anastacio.

"Yes, dear! Sayang nga lang. Pero hibdi pa naman siguro huli ang lahat, hindi ba anak?"

"Uh... Mom actually we talk about it. She told me her reasons..."

"And that was?" tanong ng mommy niya.

"They have to left the country immediately that time. Naghiwalay daw ang parents nya. Her mom broke her phone and change her number. Kung di ba naman sa katamaran na din namin, palibhasa lagi kaming magkasama noon, hindi namin namemorize ang contact numbers ng isa't isa. She was ban from calling the country kaya hindi na siya nakatawag sa akin..." sabi niya.

"Seriously, hindi nya alam kahiy yung landline?" nanlalaki ang mga matang sabi ni Aurelle.

"Hon, never silang nag-usap sa landline. Cellphone aang gamit nila at saka sabi nga niya, lagi naman talaga silang magkasama noon so what's the use of memorizing it..." sabi naman ni Anton.

"Are you back in each others arms?" tanong naman ng daddy nila.

"Yeah. Actually we had a talk before I go home. We will try to make it work..."

"Is that what you call destiny? After almost fifteen years being apart, now your back in each others arms!" masiglang sabi ni Anton.

"Aren't you doing this because of what I've told you? My conditions?" naghihinalang tanong ng ama sa kanya.

"Of course not, Dad!" tanggi niya. Kelangan hindi mahalata nito na tama ito ng hinala.

"You said she is one of your ninang's designer. So your going to have a long distance relationship?" tanong pa uli ng daddy niya.

"She is willing to give up her career if I ask her," sagot niya

Kasinungalingan! Inutusan nga niya itong mag-resign.

"Really?!" galak na galak talaga ng momny nila.

"Naku, Marco. Huwag mo ng pakawalan yan! Madalang ang babae ngayon na willing i-give up ang career!" segunda naman ni Aurelle.

"I am curious about that woman. Why don't you invite her to come tomorrow for dinner? I am dying to meet her..."

Success ang acting nila.

Ng matapos ang dinner nila ay nagpunta sila sa terrace mag-aama. As usual, pag-uusapan na naman nila ang tungkol sa kompanya.

Tuwing umuuwi ang daddy nila galing sa bakasyon ay kinakausap sila nito upang kumustahin ang operation ng kumpanya.

Mabuti na lamang at sa ngayon ay walang problema.

"Baka naman sobrang subsob na kayo pareho sa trabaho. Paminsan-minsan naman magbakasyon din kayo," seryosing sabi ni Don Anastacio na ikinagulat nilang magkapatid.

Never in their entire life na mag-suggest ang daddy nila ng bakasyon.

"Dad, is that really you?" biro ni Anton dito.

"I am just stating a fact. Pero hindi ko kayo pinipilit. Mabuti naman pala at tinututukan ninyong maigi ang kumpanya but I am still expecting for more. Ipakita nyo sa akin na feserving kayo sa pamamahala niyon at sa inyong posisyon."

"We are doing our best, Dad."

"Dapat lang. Hindi nagpakahirap ang mga ninuno ko sa pagtatayo ng negosyong iyon at hindi ako nagpakahirap pamahalaan at mas palaguin iyon para lamang ibagsak ninyo! Para saan pa ang mga pinag-aralan nyo kung hindi ninyo magagamit ng maayos!" matigas na sabi nito at tumayo na at iniwan sila.

Nagkatinginan na lamang silang magkapatid.

"What's wrong with him? Hindi pa rin ba natin napapatunayan ang sarili natin sa kanya? What kind of father is he?" inis na sabi niya.

Tinapik siya ni Anton sa balikat.

"Bro, para namang hindi mo kilala si Daddy. Simula't sapol ganyan na ang ugali niyan. Kay mommy lang tumitiklop yan!" biro naman nito sa kanya.

"Pero, Kuya. Sa palagay mo ba, napaniwala natin siya kanina?" mahinang tanong niya dito.

Halos bulong na lang iyon sa takot na baka may makarinig sa pinag-uusapan nila.

"Hopefully. Pero nakatulong naman siguro yun sinabi ni Mommy. Alam mo naman hopeless romantic yun. Pero, bro. Ayos yun kanina. May pag-ba-blush ka pa ah!" kantyaw nito.

Sinuntok niya ito ng mahina.

"'Tado!"

"Hanggang ngayon ba pag ang pinag-uusapan ay ang kagandahan ng ex mo namumula ka pa din. Daig mo pa ang totoy dyan eh!"

"Tigilan mo na nga ako!"

"Ano nga pala ang napag-usapan ninyo? Saka totoo ba yung sinabi mo kanina na reason nya bakit ka iniwan?"

"Yun ang sinabi nya sa akin. Knowing her, hindi pa naman siya nagsinungaling sa akin noon. At yung pinag-usapan namin yung agreement saka yung conditions nya. Gusto nya ng church wedding, okay payag ako basta hindi dito. Sa U.S. na lang mas madali mag-asikaso ng divorce papers dun eh..."

Tumawa ito.

"Akala ko pa naman bumalik talaga yung feeling mo sa kanya. Seriously, bro. Wala ka na ba talaaga nararamdaman sa kanya kahit konti?"

Umiling siya.

"I hate her for leaving me pero nung mag-usap kami siguro nabawasan din. Hindi ko alam kung said na lahat ng nararamdaman ko sa kanya pero hindi pa din madali para sa akin ang patawarin siya agad. Ang alam ko galit at sakit ang nararamdaman ko para sa kanya pero bakit parang ayaw ko na ata magalit?"

"Do you want to love her?" tanong ni Anton sa kanya.

"Ayoko na. Pare-pareho lang sila. Nagkatain lang naka-swerte kayo ni Dad ng babaeng magmamahal sa inyo..."

Umiling si Anton.

"Itulog mo na nga lang yan! Magda-drama ka pa eh..."

BAGO siya matulog ng gabing iyon ay muli niyang tinawagan si Elle. Sinabi niyang susunduin niya ito bukas para mag-dinner sa kanila dahil gusto itong makilala ng daddy niya.

Halata naman sa boses nito na bigla itong kinabahan. Naikwento na din niya dito noon kung anong klaseng tao ang ama niya.

===================

maiksi un 2nd part..dali2 kz lobat n tnatamad p aq magcharge e..

yan muna...

bka fast forward n ang ksunod..bhala n...

vote, comment, be a fan..

pakispread nun story sa mga kakilala at iba ninyong fans..paki-introduce po sa kanila nun story q..

salamat..

Destined To Be WithWhere stories live. Discover now