being mrs. de luces

7.3K 90 5
                                    

Mag-a-update ako sa kadahilananang hindi pa ako makarecover sa kilig kay miggy at laida wahahaahaha…(artehan, aminin nyo, nanood na din kayo at kinilig kayo to da max!!!) dahil jan, maghintay-hintay lang kayo ng ilang mga chapters at gagawan ko talaga ng bed scene to paghahandaan ko lang (may naghihintay nun alam ko)

Go go go! Sana lang d pa talaga last un it takes a man and woman (asa—malay nyo naman…heheh)---nakakapamroblema, panu ko sisimulan to?hahaha

@bruhang yunes, nun minsan sabi mo isali kita sa story ko, may naisip na ako kung san role kita ilalagay pero hindi ko ilalagay buong pangalan mo. Slight lang…wahahahaha..(murder to!!!cnxa cnusumpong lang ng kabaliwan)

Dumadami din naman kahit papano ang reads..hehe..salamat sa nagbabasa…spread nyo pa sa iba,,

===========================

being mrs. de luces

“MOMMY!!!”

“Daddy!!!”

Masiglang salubong sa kanila ng kambal. Tapos na ang kanilang two-weeks European cruise slash honeymoon daw. Na-miss niya ang mga anak. Naiwan ang mga ito sa farm sa pangangalaga ng kanyang mga magulang at ngayon nga ay susunduin na nila ito.

Kinausap siya ni Marco bago sila bumaba ng cruise ship. Ayon ditto ay sa Manila na sila titira. Hindi pa fully furnish ang bagong bili nitong townhouse sa isang first-class subdivision kaya sa condo muna nito sila tutuloy. Malaki naman daw iyon at hindi sila crowded doon.

Sinabi na nito ang plano nito sa kanila. Doon na din sa Manila mag-aaral ang kambal. Ayo dito ay nakapag-inquire na ito sa isang private school kung saan nito i-eenroll ang kambal.

Hindi naman siya nag-komento. Tumango na lang siya. Ano pa ba naman ang mangayayari kung tumutol siya? Una sa lahat, igigiit nito na asaw na niya ito at ito ang padre-de-pamilya kaya may karapatan na itong magpasya para sa kanilang mag-iina. Baka magkasagutan lang sila kung umayaw siya.

“Na-miss nyo ba kami ni Mommy?” tanong nito sa mga bata. Karga nito si Alexea na mahigpit namang nakayapos dito. Si Joaqui naman ay nakayakap din sa kanya. Hindi naman niya ito mabuhat dahil nahihirapan siya. Mabigat na ito para buhatin pa niya.

“Very much, Daddy…” sabi ni Joaqui.

“Dad, where’s our pasalubong?” narinig niyang tanong naman ni Alexea sa ama.

Marahang tumawa si Marco.

“Iniwan na namin ng mommy nyo sa Manila. Nasa condo na. You’ll see when we get there…”

Lihim siyang napangiti. If other people would see them, they could say that they may be the ideal family for everyone. They seemed to be a happy family filled with love but of course, she won’t agree with that. Alam naman niya kung bakit sila nakasal ni Marco.

“Sa Manila, Dad? Mommy, Bakit sa Manila?” nagtatakang tanong ni Joaqui.

“Baby, kasi… A-ano… A-ah sabi kasi ni daddy—“ hindi niya malaman kung paano sasabihin sa mga ito na sa Manila na sila maninirahan.

“Kasi po, sa Manila na tayo lahat titira…” simpleng sabi ni Marco sa anak nila. “Tara sa taas.”

Umakyat sila sa kanyang silid. Pagpasok niya ay nakita niya ang dalawang maleta doon. Naayos na ang mga gamit niyang dadalhinsa Manila. Siguradong naayos na din ang mga gamit ng kambal dahil ibinilin na iyon ni Marco. Napga-usapan nap ala nito at ng kanyang mga magulang ang mga plano nito sa kanila at siya nga ang huling nakaalam.

Destined To Be WithWhere stories live. Discover now