iwas mode

6.5K 90 1
                                    

iwas mode

FOURTH DAY. Gaano katagal nga ba ang plano nila na mag-stay dito? Baka kasi maaubusan na siya ng dahilan para umiwas na makaharap si Marco. Nakakailang kaya!

Noong una, maaga siyang umalis sa bahay. Ang plano niya noon ay maghapon siyang mag-i-stay sa manggahan ang kaso nangulit pala ang pinsan niya na mamasyal sa manggahan.

Ang nangyari tuloy ay kasalo siya ng mga ito ng nag-lunch sila sa kamalig. And worst, siya ang naging tourist guide for the rest of the day.

Kahapon naman, maghapon siyang nagkulong sa library. Tinrabaho niya ang mga paper works pero hindi niya tinapos. Natulog siya kahapon. Hahaha.

At ngayon, ano naman kaya ang magandang idahilan?

NAHAHALATA niya mula ng dumating sila sa farm na iyon ay tila umiiwas si Allorah sa kanila. Hindi niya alam kung bakit.

Parang ilang ito sa kanya. Kapag kaharap siya ay halos hindi ito umiimik.

Ni hindi ito makatingin ng diretso sa kanyang mga mata kaya napapaisip tuloy siya.

Hindi naman kasi ito dating ganoon. Noon nga kulang na lang itali nito ang sarili sa kanya. Wala itong humpay kung makahabol ito at kung makapagsabi na gusto siya.

Is it that she already matured enough?

Well, posible naman. Twenty something na ito para hindi mag-mature ang pag-uugali.

Pero nagtataka talaga siya. May ginawa ba siya noon na ikina-offend nito?

As far as he can remember, ang sinasabi niyaa noon dito ay tigilan siya sa pangungulit nito.

Kung yun man ang dahilan kaya umiiwas ito sa kanya, wala siyang magagawa. Truth hurts, really. Hindi magandang tingnan na babae ang humahabol sa lalake.

Nagpasya siyang bumangon na and did his morning rituals. He brushed his teeth and took a bath.

Tinanghali siya ngayon ng gising. Medyo nagkainuman sila kagabi nina Tito Dante at Kuya Anton. Hindi naman siya nalasing pero naramdaman niyang tinamaan din naman siya ng ininom.

Pagbaba niya ay napakatahimik. Pinakiramdaman niya ang paligid at pinapakinggan kung maririnig niya ang malakas na boses ni Crystal pero wala siyang narinig.

Sakto naman na lumabas mula sa kusina ang isang kasambahay nina Tito Dante. Hindi niya matandaan kung no ang pangalan nito pero nagtanong pa din siya.

"Ah... Asan po sina Ate Au?"

"Naku, Sir. Eh umalis po sila kanina pa. Pupunta po ata sa bayan e."

"Ganoon ba? Ah sige po. Thanks."

"Gusto nyo po ba ipagtimpla kayo ng kape? Saka po ipaghahain ko na kayo ng almusal?"

"Kape na lang po muna kung maari. Mamaya na lang po ako kakain."

Iyon lang at tumalikod na ito. Dadalhin na lang daw nito ang kape niya. Umupo na lamang siya sa sofa upang doin hintayin ang kape.

He can't believe it. At talagang iniwan siya ng mga ito. Hindi man lang ata nag-abala ang kuya niya na gisingin siya upang natanong man lamang ba siya kung gusto niya sumama sa mga ito.

Sandali pa ay bumalik na ang kasambahay na nakausap niya kanina dala ang umuusok na kape. Amoy na amoy niya ang mabangong aroma ng kapeng barako.

Ipinatong nito iyon sa center table na nasa harapan lamang niya. Matapos niyang magpasalamat ay iniwan na din siya nito.

Humuhigop siya ng kape ng bumukas ang pinto na malapit sa may hagdan.

Nanlalaki ang mga mata niya ng makita kung sino ang lumabas mula sa bumukas na pinto.

Destined To Be WithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon