am I JEALOUS?

6.6K 80 6
                                    

Okay, this is the second to the last chapter before the epilogue (hanu da? Ang gulo ba? Hahaha)

 

 

 

 

=========================

Am I JEALOUS?

NAMUMURO na talaga ang asawa nya. Ilang araw na naman siyang hindi pinapansin. Kaaalis lang ng mag-aama para pumasok.

Nagdadabog at nakasimangot na umupo siya sa one-seater na sofa nila.

‘Bakit ba naman kasi napaka-topakin ng magaling na lalaking yun?’ Inis na tanong niya sa kanyang sarili.

Friday na noon at pagkatapos ng klase ng dalawang bata ay pupunta na sila sa Batangas. Kagabi naman ay dumating ang kapatid niya galling France. Siya ang sumundo dito sa airport. Dapat nga ay sasamahan siya ni Marco ang kaso lang ay bigla daw itong nagkaroon ng meeting.

Naalala niyang nagdadabog pa nga ito kani-kanina lang noong paalalahanan niya na umuwi na before lunch.

“Agahan mo na ang uwi mo mamaya. Pagkasundo natin kina Alexea sa school ay diretso na tayo sa byahe,” paalala niya kay Marco habang inaayos niya ang necktie nito. Todo ngiti pa nga siya dito. Baka sakaling maalis ang pagka-badtrip nito na hindi naman niya malaman kung ano ang dahilan.

 

“Oo na. Basta kapag walang emergency sa opisina uuwi ako before lunch. I’ll inform you na lang kung hindi agad ako makakauwi,” nakabusangot pa itong sumagot sa kanya. May ibinubulong pa nga ito hindi nga lang niya maintindihan kung ano iyon.

 

“Emergency ka dyan. Last week pa natin napag-usapan ‘to ah. Hindi pwedeng hindi tayo matuloy dun. Baka magtampo sina Mommy. Matagal-tagal na din tayong hindi nakakapunta sa Batangas eh.”

 

Padarag na kinuha nito sa kanya ang attaché case nito at saka may ibinubulong-bulong na naman.

 

“Anong problema mo?” tanong niya dito.

 

“Wala! 'Alis na ko,” sabi nito. Hindi man lang humalik sa kanya!

 

“Hoy! Marco!” sigaw pa niya dito at hinabol pa nga niya ito. Nakasakay na sa kotse ang mga bata. Nasa sala naman ang ate niya at noon ay nagkakape na.

 

Kita niya ang pagtataka sa mga mata nito ng makita nitong hinahabol niya ang kanyanga asawa…

 

“Oy, Allorah, ano na? Anong meron sa inyong mag-asawa at may paghabol ka pa kanina?”

Nagitla naman siya dahil sa nagsalitang iyon. Naroon nga pala ang Ate Candice niya.

Destined To Be WithWhere stories live. Discover now