the truth

7.8K 114 2
                                    

Matagal ba akong mag-update? Pasensya naman po…Nawiwili lang talaga magbasa saka isinisingit ko lang kasi ang pagta-type nito..hehehe

 

 

THE TRUTH

 

HINDI mapakali si Allorah ng sandaling iyon. Matapos isiwalat ng daddy niya ang totoo ay wala ng nakaimik isa man sa kanila kanina. Hindi nga siya makakibo kanina habang hinihintay niyang makatulog muli si Joaqui.

Ng makatulog na anak ay pasimple siyang nagkulong sandali sa CR na nasa loob din ng private room na iyon at tumawag sa bahay upang kumustahin naman si Lexea. Gusto sana niya itong makausap pero ayon kay Manang Saling ay katutulog lamang ng bata.

Gulat na gulat pa siya ng paglabas niya ng CR ay naroon pala sa may pinto si Marco. Ang tanging tao na lang doon ay si Crystal at ang Ate Candice niya.

Baka naman lumabas lang sila. Daddy naman kasi!

Hinawakan siya ni Marco sa braso at hinila palabas ng silid.

“T-teka… 'San mo ako dadalhin? P-pwede ba bitiwan mo ako!” sabi niya ditto sa kinakabahang tinig.

I hate this moment. I know that he’s going to confront me!

“'Labas lang kami sandali. Kayo na muna ang bahala kay Joaqui,” bilin nito sa dalawang naiwan sa silid bago so pa sila lumabas.

“W-wait! Marco, san mo ba ako dadalhin? Baka magising si Joaqui, hahanapin ako nun!”  pagpupumiglas pa niya habang palabas sila ng ospital.

Iginiya siya nito patungo sa sasakyan. Iyon yung kotse ng daddy niya na sinakyan niya kanina ng sumunod siya sa ospital. Nagtataka siya at  wala ang driver.

“T-teka! Bakit nasa iyo ang susi ng kotse ni daddy saka nasaan si Msng Dencio?” nauutal na tanong niya.

Salamat sa atensyon at mahaba mong pagsagot sa mga tanong ko kanina pa!’ nabwibwisit na bulong niya pero siguradong hindi nito iyong narinig dahil mahinang mahina lang ang pagkakasabi niya.

Binuksan nito ang pinto ng sasakyan sa passenger’s side at tumingin sa kanya. Hindi man ito umimik ay tila nababasa niya kung ano ang laman ng isip nito.

Are you going to hop inside the car voluntarily or you want me to drag you inside?’ Tila iyon ang gusto nitong iparating kaya nagkusa na siyang sumakay.

Mahirap na. Baka bigla na lamang siya nitong sipain at itapon.

Muntik na atang tumalsik ang kaluluwa niya ng pabalibag na isinara nito ang pinto at lumigid patungo sa driver’s side. Agad na binuhay nito ang makina ng sasakyan at saka nag-drive palabas ng vicinity ng ospital.

Destined To Be WithOnde as histórias ganham vida. Descobre agora