naughty couple

8.5K 82 5
                                    

Paglilinaw lang po...

wala akong dun sa may-ari nung name ng secretary ni Marco..nagkataon lang humingi siya ng BS so binigyan ko...BANGAYAN SCENE....may permit yun, sinasabi ko sa kanya na ipapasapak ko xa kay Zabyne hahaha...

paalala lang...pwede na tayong kiligin dito...iniisip ko pa lang, gusto ko ng kiligin wahahaha!

===================

naughty couple

PAGDATING nila sa bahay ay dire-diretso si Marco patungo sa kanilang silid. Hindi na nga siya hinintay nito. Naiinis na sumunod siya sa asawa na naabutan niyang palabas sa kanilang CR at may hawak na bulak at alcohol.

'Huh? Ano na namang naisipang gawin ng lalaking ito?'

“Maupo ka dyan sa kama.” utos nito sa kanya.

“Makautos ka ah! Para sabihin ko sa'yo hindi mo ako empleyado pa—“

“Maupo ka na lang pwede? Gagamutin ko lang yang galos mo sa mukha. Ma-infection pa yan. Kung bakit naman kasi kailangan pang makipagsabunutan...”

“Ah... So nagagalit ka kasi sinabunutan ko ang kabit—“

“Hindi ko nga kabit yun eh! Wala kaming relasyon nun bukod sa secreta—ah no. Former secretary ko na pala. I fired her earlier, right?”

“Hindi mo sya kabit? So sino ang kabit mo? Siguraduhin mo lang na mas may maipag—”

“Pwede ba, Love. Wala nga sabi akong kabit. Ano ba? Sa inyo pa lang mag-iina kinukulang na ang oras ko, magkaroon pa ba naman ako ng iba?”sabi nito at iniupo na siya sa kama kahit gusto niyang magpumiglas pa eh mas malakas ito sa kanya kaya napaupo siya ng wala sa oras.

“Heh! Ewan ko sa'yo. Hoy, ikaw lalaki ka! Akala mo magpapauto ako sa iyo? Kung di ko pa alam na gumagawa ka na ng paraan para makawala sa kasal natin. Sinabi ko na naman kasi sa iyo noon na huwag mo na akong pakasalan—“

“Love, ano bang meron sa utak mo at hindi mo maintindihan—“

“Bakit ba lagi mo na lang pinuputol ang sinasabi ko? Kung pinapatapos mo kaya akong magsalita, noh? At saka huwag mo nga akong matawaga-tawag na love. May pangalan ako, okay? Nananayo ang mga balahibo ko sa'yo!”

“Bakit? Ayaw mo na love ang tawag ko sa'yo? Ano bang gusto mo? Honey, sweetheart, mahal ko, asawa ko o ano pa ba ang pwede?” nangingiting tanong nito sa kanya habang pinupunasan ng bulak na may alcohol ang kanyang mukha.

May galos nga pala siya sa mukha dahil sa pagkalmot ni Yunes na bruha sa kanya kanina. Mabuti yung isang pisngi lang ang meron. May sa pusa ata ang babaeng iyon.

'Grr... Nakakinis na talaga!'

“Aray ko, ano ba?! Dahan-dahan nga lang! Kita mo ng may sugat nga, natural mahapdi yan pag napahiran ng may alcohol taposkung makadiin ka pa dyan!” nakasimangot na reklamo niya sa asawa at iniiwas pa dito ang mukha. Tinabig niya ang kamay nito na may hawak na bulak.

Umupo na din ito sa kama, paharap sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang baba at iniharap dito ang mukha niya. Hindi niya inaasahan ang sunod nitong gagawin.

'Damn! Why does he has to be handsome?' tanong niya sa sarili habang nakapikit itong hinihipan ang galos niya. Hindi kumukurap na nakatitig lang siya dito.

“Love, ganoon na ba ako ka-gwapo para matulala ka sa akin?”

Napakurap siya ng sunod-sunod ng magsalita si Marco.

'Gosh! Nahuli pa! Kukulitin na naman ako ng magaling na lalaking ito pero—never! Hindi ako aamin sa'yo para lang mapagtawanan mo uli!'

“A-asa ka naman dyan! Umalis ka nga dyan. Susunduin ko pa ang mga bata!” aniya at itinulak ito palayo sa kanya.

Destined To Be WithWhere stories live. Discover now