Epilogue

11.9K 164 11
                                    

Ito na ang last chapter. Salamat in advance.

Epilogue

NANLALAMBOT na sumandig siya sa dibdib ni Marco after that hot moment they just shared. She felt his lips kiss her temple while his one hand is caressing her back.

“Are you happy?” mahinang tanong nito sa kanya. Tumango naman siya.

“So much. I love you...” mahina din naman niyang sabi dito. “How about you?”

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito. Tiningala niya ito upang makita ang mukha ng asawa.

“You just don't know how happy I am. I feel like I am the luckiest man on the universe and I feel so relieve right now...”

Hindi niya mapigilang matawa dahil sa sinabi nito.

“Why?' nagtatakang tanong naman ni Marco sa kanya.

“I just can't imagine how you looked earlier. Your son told me as well as your brother, that you looked like someone who's in labor. Para ka daw pusang hindi mapaanak habang hinihintay mo ako kanina. Tapos namumutla ka na noong twenty minutes na akong late!” kantyaw niya dito.

“Eh syempre. Kinakabahan ako kanina. Baka kasi bigla na lang magbago ang isip mo at bigla na lang na hindi mo ako siputin! You know I can't go on a life without you by my side...” nakasimangot na katwiran naman nito sa kanya.

“Bakit naman kita hindi sisiputin? I don't have any reason para iwan ka pa... Hindi naman ako magye-yes sa proposal mo para lamang indyanin ka...”

“Mommy! Mommy! Si Daddy!” narinig niyang sigaw ni Joqui.

Kasalukuyang nasa kusina siya at nagluluto ng kanilang hapunan ng bigla itong tumakbo papunta sa kanya at halatang nag-aalala ito. Hindi pa man nito sinasabi ay bigla siyang kinabahan.

“What happened?”

“Mommy, si Daddy po!” sigaw pa din nito kaht pa magkaharap na sila.

“Napaano ang daddy mo?” kinakabahang sabi niya.

Magda-dalawang linggo na rin mula ng magkaaminan silang mag-asawa. So far, so good. Walang araw na lumulipas na hindi siya pinapakilig ng asawa sa sobrang sweet nito sa kanya.Every night ay nagkakaroon silang mag-anak ng quality time at ito ang pinakamakulit. Kalimitan ay ito ang nagsusulsol sa kanilang mga anak na kulitin siya. She’s just so thankful for having a very loving husband like him.

Hindi pa rin ito umiimik. Tila hinihingal pa ito dahil sa pagtakbo nito kaya naman tumakbo na siya patungo sa kanilang silid.

“Mommy, 'yung niluluto mo!” narinig niya sabi pa ni Joaqui bago pa man siya makaakyat sa hagdan kaya bumalik muna siya sa kusina upang patayin ang stove. Mahirap na, baka masubugan pa sila.

Pupuntahan na muna niya ang asawa niya niya at mamaya na niya itutuloy ang pagluluto. Baka kasi kung napaano ito. Pansin nga niya kanina na matamlay ito ng umuwi.

Nadatnan niya ito na nakahga sa kanilang kama at balot na balot ng kumot habang nangangaligkig.

“Marco!” sigaw niya at saka lumapit dito. Pawisan ito. “Love, how do you feel?” nag-aalalang tanong niya dito habang pinupunasan ang pawis sa noo. Hindi naman ito lagnat.

“I-I'm cold...” sabi nito. Akmang tatayo sana siya upang hinaan ang aircon ng hawakan siya nito sa braso. “W-where are you going, love? Don't leave me...” anas nito.

“I'm not. I'll just lower the aircon's temperature para hindi ka masyadong lamigin...” sabi niya dito pero hindi pa rin siya nito binibitiwan.

Destined To Be WithWhere stories live. Discover now