Issues

7.8K 105 14
                                    

ISSUES

 

 

 

PAGKAPASOK na pagkapasok nila sa kanilang bahay ay agad siyang bumalandra sa sahig. Hindi niya alam na susuntukin pala siya ng kanyang kuya Anton.

“Anton!” sigaw ni Ate Au.

“Oh my God!” bulalas naman ng mommy nila.

“What the—!” sabi niya at pinunasan niyan ang gild ng kanyang labi. Ramdam niyang pumutok ang kanyang labi at hindi nga siya nagkamali ng may makitang dugo sa kamay na ipinangpunas niya.

Ang kanilang daddy ay wala man lang reaksyon. Basta lang ito nakatingin sa kanila.

“You!” sigaw ni Marco at susutukin pa sana siyang muli ngunit nahawakan ito ng asawa.

“Anton stop it!” saway naman ni Donya Marcia sa anak.

“What’s your problem, Kuya?! Bakit basta-basta ka na lang nanununtok?” inis na tanong niya sa kapatid.

“Hindi mo alam?! Gago ka pala eh! Ako ang napahiya sa ginawa mong kalokohan. Halos wala akong mukhang maiharap sa asawa ko dahil sa kagagawan mo! Kung hindi sa akin hindi mo makikilala si Allorah at malamang walang nangyayaring anito!” galit na sabi ni Anton sa kanya habang nakaturo pa ang daliri nito sa kanya.

Umupo siya sa sofa. Nakatungo siya habang nakatukod sa mga hita niya ang kanyang mga siko, sapo-sapo ang kanyang noo.

“You wouldn’t believe me even I if I tell you that I don’t even know about it too at inamin nya yun sa akin. Lasing na lasing ako at hindi ko alam ang mga nangyari…” sagot niya.

“Anong lasing? Hindi ka naman nakapaglasing kahit minsan noong time nay un ah!” singhal pa ni Anton. Pigil pa din ito ng asawa nito.

Umupo na din sa sofa ang mga magulang nila. Nasa tapat siya ng mga ito samantalang si Anton ay pinaupo na din ni Aurelle sa isa pang one-seater na sofa doon pero hindi nito hinihiwalayan ang asawa. Anumang oras ay maaaring sugudin nitong muli ang kapatid.

“Kelangan ba sabihin ko sa’yo lahat-lahat? Eh ako nga hindi ko matandaan yung mga nangyari nun kaya naguguluhan pa din ako.”

“Anon g plano mo ngayon?” tanong ni Donya Marcia.

Sa totoo lang Mommy, hanggang ngayon hindi ko pa din alm kung ano ang gagawin ko. Isa pa, si Zabyne mismo ang ayaw na makialam pa ako sa buhay nilang mag-iina. Kapag siguro sinabi ko sa kanyang ipakilala ako sa mga bata bilang ama nila ay magwawala siya at hindi papayag!” inis na sagot niya.

“Tsk! How coward you are!” palatak ni Don Anastacio. “Anong klaseng lalaki ka, Marco? Simple lang ang pwedeng mong gawin sa bagay nay an hindi mo pa mahulaan kung ano? Nasaan ang utak mo? Paano ko pa maipagkakatiwala sa iyo ang posisyon na iiwan ng kapatid mo kung ganyang isang simpleng problema, hindi mo na alam kung paano mo masusolusyunan!” sumbat pa ng ama niya sa kanya.

Destined To Be WithWhere stories live. Discover now