typical farm girl

7.7K 95 2
                                    

Typical Farm Girl

ABALA si Allorah ng araw na iyon. Kelangan nilang tapusin ang paghaharvest ng mga mangga para maibyahe na iyon bukas ng madaling araw. Minamadali na rin kasi si ng kompanya na umaangkat ng mga prutas sa kanila at ito na ang nag-eexport ng mga iyon sa ibang bansa. Halos hindi na din makapagpahinga ang kanilang mga tauhan. Ng bandang tanghali ay medyo kumulimlim. Nagkaroon ng pangamba na baka maabutan sila ng malakas na ulan. Mahirap na, baka biglqng magkasibasko ay malaglag pa ang mga bunga. Sayang din iyon.

Ng magtangka siyang tumulong sa pamimitas ng mangga ay pinigilan siya ng kanyang mga tauhan. Kaya na daw iyon ng mga ito na tapusin. Isa pa, babae siya at hindi makakabuting umakyat siya sa hagdan na ginagamit nila ung maabot ang bunga. Ang ilan nga ay umaakyat pa sa puno. Ngunit ng magsimulang bumuhos ang ulan ay hindi na siya napigil ng mga ito. Maingat siyang umakyat sa isang mababang puno ng mangga at nakitulong na sa pamimitas. Mabuti na lamang at kakaunti na lamang ang natitira nilang pitasin.

Basang basa silang lahat ng makatapos silang mamitas. Nagtungo siya sa kamalig na naroroon upang tumulong naman sa pag aayos ng paglalagay ng mga mangga sa kaing. Ang mga naroroon ay halos ang mga tauhan nilang babae. Hindi na rin siya pinatulong ng mga ito. Ang mabuti pa daw ay umuwi naalamang siya upang makapaglit siya ng damit pero sa halip na sundin ang mga ito ay nagmasid na lamng siya sa mga trabahador. Madali na rin naman silang natapos.

Matapos mag-iwan ng ilang instructions para sa pagbabyahe ng mga prutas bukas ay nagpaalam na siya sa mga ito. Nakakaramdam na din naman siya ng pangagaligkig. Nakatulo n ang suot niyang damit at mas lalo siyang nakaaramdam ng lamig. Mahina na ang ulan at nagpasya siyang suungin na iyon sakay sa kanyang kabayo. Malayo layo din ang bahay nila sa tanimang iyong ng mangga at sa kalagitnaan ay inabot siyang muli ng paglakas ng ulan. Wala naman siyang masisilungan kaya imbes na hintayin pa ng pagtila ng ulan ay pinatakbo na lang niya ang kabayo hanggang marating siya sa kwadra. Nalalaki ang mata ng tauhan nila ng makita siyang basang basa.

"Nakow basang basa ang batang areh! Bakit ga hindi mo muna hinintay na tumila muna ang ulan," sita ng matandang batangueño. "Baka magkasakit ka niyan..."

"Naku e medyo umaambon na lang naman po ng umalis ako s kamalig kanina ang kaso ay nasa gitna na ako ng umulan uli ng malakas e wala naman akong masisilungan," katwiran niya.

"Nakow ay makakagalitan ka ng iyong ama. Ala ay kanina pa dumating e palagay ko ay may mga kasama. Hala lakad na ikaw at ng makapagpalit ka na ng damit," taboy ng matandang katiwala na si Mang Asyong sa kanya.

Magtatanong sana siya kung sino ang tinutukoy nito na kasama ng kanyang ama pero mukhang hindi din naman nito kilala. Minabuti niyang dumiretso na sa bahay.

Napakunot noo siya ng may matanaw siyang may nakagraheng sasakyan sa harap ng bahay. Siguradong sa kasama iyon ng kanyang ama. Bakit naman hindi pa idiniretso sa garahe gayong sigurado naman na kung sino man iyon ay sigurado siyang hindi na ito papaalisin ng daddy niya ngayon. Hapon na at umuulan pa. Alanganing oras na para magbyahe pa.

Yakap na niya ang sarili ng pumasok siya sa bahay. Nangangaligkig na siya sa lamig.

=============================

yeah! galing naman!

Destined To Be WithWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu