i'm your slave

6.3K 68 0
                                    

i'm your slave

ABALA si Allorah sa kusina. Nagbe-bake siya ng cake at gagawa din siya ng cookies. Syempre, ipapadala na naman niya iyon kay Marco.

Mahilig daw ito sa cookies at mga sweets.

'Sweet din kaya ako. Baka ma-addict sya sakin! Hahaha.'

Mag-iisang linggo na din na kung anu-ano ang ipinapadala niya kay Marco.

Naroong padalhan niya ng cake at cookies tulad ngayon. Minsan naman ay gumawa siya ng pizza at iyon ang ipinadala niya dito. Pinadalhan din niya ito ng roses at chocolates.

Kumusta daw yun. Siya na talaga ang nanliligaw dito.

Ah, nung isang araw pala may ipinadala siyang regalo dito. Isang personalized na keychain. May pinatuyong inseekto na hindi niya mawari kung anu yun tapos may naka-engrave na pangalan ni Marco.

Hindi pa niya uli ito nakikita mula noong sunduin siya nito at ni Crystal sa airport.

Hmmm...ang mabuti pa siguro siya na lang ang personal na magbigay ng cake at cookies kay Marco. Ayon kay Kuya Anton, na tinext niya kanina, ay nasa penthouse ngayon si Marco.

Tamang-tama. I'm going to clean his penthouse and also i'll do the laundry.

Nang maluto ang cake ay isinunod niyang gawin ang cookies. Lalagyan pa niya ng icing ang cake at habang hinihintay maluto ang cookies ay iyon ang gagawin nya.

Hindi pa man tapos ang paglalagay niya ng icing sa vanilla flavored na cake ay luto na ang cookies. Vanilla ang flavor ng cake kasi isa yun sa mga favoriteni Marco. Sa isang araw chocolate naman ang gagawin niyang flavor.

Nang matapos siya ay iginayak na niya ang cake at cookies. Maliligo muna siya. Syempre, medyo pinawisan din naman siya sa pagbe-bake.

Nag-taxi siya pagpunta sa penthouse ni Marco. Wala kasi si Ate Au, pumasok ata sa work. Si Crystal naman ay pumunta sandali sa bahay nun kaklase. Nahiya naman siya magpahatid sa driver ng mga ito.

Buti hindi siya masyadong natraffic. Salamat kay manong driver at may alam na ibang daan na hindi masyadong matraffic kaya nakarating agad siya sa pupuntahan.

Papasok na sana siya sa building kaso yung atribidang guard pinigilan siya. Bwenas lang nya binigyan siya ng card ni Kuya Anton. Yun daw ipakita nya sa guard pagpunta nya dun. Yun ang pinakapasses nya.

Di pa nagsasalita si manong guard pinakita na agad niya ang card nya. Ayun, walang sabi-sabing dumiretso na siya.

Intay siya kung alin sa anim na elevator ang unang magbubukas at di naman siya natagalan.

Nang makarating siya sa top floor ay huminga muna siya ng malalim bago pinindot ang doorbell ng nag-iisang pinto na naroon.

Naakailang pindot muna siya bago pa magbukas ang pinto at ohlalala!!!

Bagong gising lang si Marco and he's only wearing his boxer shorts. busy pa ito sa pagkukusot ng mata. Gulong-gulo pa ang buhok nito.

Abs pa lang ulam na!

"Good morning handsome!" masiglang bati niya. Ten thirty AM pa lang kaya morning pa din.

Halatang nagulat naman ito ng marinig ang boses niya. Agad itong napatingin sa kanya.

"What are you--?!"

Hindi na niya ito pinatapos ng pagsasalita. Hinawi niya ito sa pinto para makapasok aiya sa loob. Mahirap na, baka hindi siya nito patuluyin.

"I brought you a cake and some cookies that I personally baked but it seems you just got up from your bed. So, I think I need to cook a brunch for you. Oh well, I'll include myself. Dito na 'ko kakain," aniyang dire-diretso sa kusina nito na parang kabisado na niya ang buong penthouse.

Destined To Be WithWhere stories live. Discover now