Au's Birthday

5.9K 64 1
                                    

>>reminder lang po...flashback pa lang po ito nung nangyari more than seven years ago---flashback ito sa side ni Allorah. Yung side naman ni Marco, di ko pa alam kung lalagyan ko ba siya ng flashback. Wat da ya tink?

==========================

Au's Birthday

ANONG oras na ba? Hindi a din siya tapos maglagay ng icing sa birthday cake ni Ate Au.

Saturday noon at birthday ni Au.

Four PM daw start ng celebration at malapit ng mag-three. Wala namang ini-expect na masyadong bisita. Yung mga ka-close lang daw nito sa work ang in-invite nito at syempre dadating si Kuya Anton with Marco.

Natanong na pala niya kanina kay Ate Au kung kelan ang alis ni Marco at bukas daw ng gabi. Saklap lang eh. Wala pang dalawang linggo mula nung dumating siya, meaning wala pang dalawang linggo mula nung first silang magmeet.

"Kumusta ka naman dyan? 'Need help?" lumapit sa kanya si Crystal.

Tapos na ito sa pagluluto ng specialty nitong carbonara.

"Nah," umiling na siya. "Maapit na akong matapos wag mo lang akong istorbohin."

"Hoy, marunong din naman akong magdesign ano!"

"Damit ang dini-design mo," paalala niya dito. Fashion design student kasi ito.

"Eh parang ganun din lang naman yan. Saka wag mo ng kagandahan. Baka kasi hindi makain yan mamaya pag nanghinayang si ate na i-slice yan."

"Whatevah, couz. Basta huwag mo akong istorbohin dito sa ginagawa ko at baka di ko magawa ng maayos."

Salamat naman at tumahimik din si Crystal kaya nakapag-concentate siya sa ginagawa pero hindi ito umalis doon. Nanatili itong nanonood sa ginagawa niya.

"Zabyne girl, where did you learn how to do that?" maya-maya ay tanong ni Crystal.

"Sa mother ng friend ko. Nabanggit ko na sayo si Sandy diba? Mahilig magluto mommu niya saka magalling din siya mag-bake ng kung anu-ano. Interesting masyado so I asked her to teach me." sagot niya.

"Youre good at it, you know. Actually, I didn't expect that you have any talent when it comes to cooking and baking but look! You're goddamn good at it!" natutuwang sabi ni Crystal. Talagang amaze na amaze ito sa ginagawa niya.

"Thanks, i'm flattered," biro niya sa pinsan.

"We can make a business out of it, you know..."

"I'm not interested, couz. Nakakapagod kaya ito saka hey! Hindi ito ang forte mo. You're into fashion designing si better stick to it!" birong-totoo niya.

Totoo naman kasi nakakapagod ang mag-bake ng cake. Pati yung paglalagay ng icing dapat ayusin.

"Ok! I'm done!" nakangiting sabi niya.

Akalain mo yun, kahit kinikwento siya ni Crystal eh natapos din niya ang ginagawa niya.

Sakto naman na dumating si Ate Au kasunod si Kuya Anton at Marco. Kadarating lang siguro ng magkapatid. May narinig kasi siya kani-kanina lang na dumating na sasakyan.

"Wow! Ang ganda naman ng birthday cake ko!" manghang sabi ni Ate Au. "Thank you very big, Allorah!" at bumeso pa ito sa kanya.

"Mahal ang talent fee ko, Ate," biro niya.

"Okay lang. Magkano ba? Si Marco ang magbabayad," biro naman ni Kuya Anton.

"Bakit naman nasali pangalan ko dyan? You're the boyfriend here," ingos ni Marco.

Destined To Be WithWhere stories live. Discover now