Chapter 01

46 2 0
                                    

"Nasaan na 'yung donut dito sa table ko? Hoy Wyne!"

Mabilis kong hinalughog ang mga nagkalat sa ibabaw ng lamesa ko, nagbabaka-sakaling makita 'yung donut na tinira ko kanina para sana kainin ko ngayon pero wala na rito!

Dapat pala hindi ko muna tinanggal sa box para madaling makita!

Duda talaga ako na bigla nalang nawala 'yon sa table ko. Tinignan ko si Wyne na busy sa ginagawa niyang kung ano roon.

"Nasaan na kasi?!" Inis kong tanong at nilapitan siya.

"Hoy, huwag ka ngang mandamay! Si Alvin tanungin mo pagdating niya!" Nakangising sabi niya at halatang pinipigilan na tumawa.

Hayop talaga 'tong lalaki na 'to! Alam kong siya ang may gawa. Kung hindi niya tinago baka kinain niya na. Bwisit, sumakit sana tiyan niya!

Inayos ko nalang 'yung mga gamit ko sa lamesa dahil nagkalat ang mga papel. Nilamukos ko 'yung mga hindi na kailangan at padabog kong inilapag ang cellphone ko na kanina ko pa pala hawak.

"Tanga, hindi gan'yan magsira ng gamit!" Tumingin ako kay Alvin na kararating lang, may dala-dalang brown envelope.

"Nasaan 'yung donut ko?" Agad na tanong ko sa kaniya, umaasa na nasa kan'ya.

"'Yung nasa lamesa mo ba kanina? 'Yung chocolate ang flavor?" Tanong niya kaya tumango ako. "Ay, 'te! Kinain na ni Wyne," inginuso niya pa si Wyne na parang walang pakialam dahil nakaharap lang siya sa computer.

"Sabi na, eh! Bwisit ka, Wyne! Sana sumakit tiyan mo!" Umupo ako sa swivel chair ko at kamalas-malasan nga naman, kitang-kita ko ang pagmumukha ni Wyne na tumatawa.

"Aray! Ang sakit ng tiyan ko," reklamo ni Wyne at hinawakan pa ang tiyan niya kahit hindi naman talaga 'yon masakit.

Tignan mo 'tong lalaking 'to, nang-aasar talaga! Tatawa-tawa pa, wala namang nakakatawa.

"Saturday pala bukas, 'no? Anong oras pasok mo sa coffee shop, Jilyn?" Tanong ni Alvin habang hinihintay ko siyang matapos mag-ayos ng lamesa niya.

Hindi pa kasi ginawa kanina. Mas piniling makipagdaldalan sa akin. Eh, habang nagdadaldalan kami ay inaayos ko na ang mesa ko.

Si Wyne, ang sabi niya ay pupunta raw siya saglit sa CR. Hindi ko alam kung bakit siya pupunta, baka nagkatotoo na 'yung pagsasakit-sakitan niya ng tiyan kanina. Deserved!

"Alas otso ng umaga hanggang alas otso ng gabi. Ikaw rin naman, 'di ba?" Pagbabalik ko ng tanong sa kaniya.

"Oo, pero sasabihin ko kay Mayumi na baka pwede payagan niya akong gumora ng 7PM. Kahit ibawas niya nalang sa sahod ko."

Tumango lang ako sa kaniya.

Nang makabalik si Wyne ay kasama niya na si Charlotte. Siguro ay dumaan siya sa office ni Cha tapos niyaya niyang umuwi. Para-paraan talaga 'tong Wyne na 'to!

"Tara na. Anong hinihintay niyo? Pasko?!" Walang hiyang tanong ni Wyne nang hindi kami umalis sa kinauupuan namin ni Alvin.

"Para kayong kambal," natatawang sabi ni Charlotte kaya kaagad akong tumayo at tumingin ng may pandidiri kay Alvin.

"Yuck," sabay naming sabi kaya natawa kaming apat.

Ihahatid kaming tatlo ni Wyne. Siya naman ang nag-prisinta at hindi kami. Hinihintay lang namin siya sa tapat ng building dahil kinukuha pa niya ang sasakyan sa parking lot.

"Sa unahan ka na, mamsh," tulak ni Alvin kay Charlotte kaya wala siyang choice kung hindi ang pumunta roon sa tabi ni Wyne. Napailing nalang ako dahil sa ginawa ni Alvin.

Diving in Love (Tale of Love Series #2)Where stories live. Discover now