Chapter 32

13 0 0
                                    

"Ano raw?" 'Yan agad ang nasabi ko.

Ibinaba ko ang volume ng tugtog para marinig ko siya.

Kumunot ang noo niya. "Ang sabi ko, bakit ka kasi 'di tumitingin sa dinadaanan mo?"

"Nag-sorry na nga ako, eh," sabi ko at ngumiti nang peke.

"Hindi ko tinatanggap 'yung sorry mo," sabi naman niya.

Eh?!

Nagtaas ako ng kilay at tinitigan siya. He has a pair of brown eyes. Medyo makapal ang kilay at medyo singkit ang mata. Ang buhok niyang makintab ay medyo mahaba kaya bahagya nitong natatakpan ang noo niya. Konti na lang ay matutusok na nito ang mata niya.

"Tapos mo na ba akong titigan?" Tanong niya kaya agad akong umayos ng tayo ko.

"Kung ayaw mong tanggapin ang sorry ko. Edi 'wag, hindi ko naman ipipilit na tanggapin mo." Umirap ako sa kan'ya.

Matapos kong sabihin 'yon ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. Iniwan ko siyang nakatayo roon. Wala akong oras para makipagtalo dahil ang aga-aga pa para roon!

Ibinalik ko ang lakas ng volume sa tugtog ko para ibalik ang sarili sa dapat kong gawin— maglakad-lakad nang payapa. Hindi ko na lang inisip 'yung lalaking 'yun.

I stopped walking when I saw that the sun was rising. Naupo ako sa isang malaking bato at tumingala sa langit. As I was looking on it, I can't help but think about Annikah. Is she okay now? Is she happy with Him? I hope she is. I miss her so much.

The sun's radiant rays began to show, slowly erasing the darkness. I can feel the peace while watching it, it was as if filling my hearts with hope. Unti-unti ay napangiti ako, nakaramdam ng tuwa na parang ang tagal ko nang hindi naramdaman.

Naningkit ang mata ko nang tuluyang sumilay ang araw dahil diretso ito sa mukha ko at nasisinagan ako. Inilagay ko ang kamay sa harapan upang magsilbi itong pangharang. Sandali ko pa itong pinagmasdan bago tuluyang tumayo at lumakad pabalik sa bahay.

"Ay, puke!" Gulat na gulat na sabi ko nang saktong pagtayo ko ay nasa harapan ko na 'yung lalaki kanina. "Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko.

"Bakit naman kita susundan?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Aba, malay ko ba?! Mamaya snatcher ka pala o kaya naman ay kidnapper! Hindi ako mayaman, ah!"

Mukha siyang na-offend sa sinabi ko. "Excuse me, manang, nakita lang kita dito kasla ka nabagtit."

"Ano 'yon?" Marunong at nakakaintindi ako ng Ilocano pero 'yung sinabi niya hindi ko maintindihan. Malalim na yata 'yon para sa akin na hindi fluent sa Ilocano.

Dinuro ko siya at pinanliitan ng mata. "Hoy! Sinasabi ko sa'yo, huh? Kapag nalaman kong hindi maganda 'yung sinabi mo sa akin, masasapak kita. 'Wag kang magpapakita sa'kin." Matapos kong sabihin 'yon ay nilagpasan ko na siya at umalis na.

Bahala siya do'n!

Malaman ko lang talaga ang ibig-sabihin ng sinabi niya sa akin.

Ano nga ulit 'yon? Na... Nabagtit. Tama kasla nabagtit daw.

Mabilis akong pumasok sa bahay nang makita na mayroong sasakyan sa labas. Ang alam ko ay tricycle at isang jeep lang ang sinakyan nila Tita Tonet kaya alam kong hindi sila ang dumating.

"'La," tawag ko kay lola Vicky nang makarating sa may pinto. "Kanino po 'yung sasakyan na raptor sa labas?"

"Akin,"

Sumilip ako sa may kusina nang makarinig ng boses ng lalaki dahil parang doon iyon nanggaling. 

"Uy, Anthony!" Bati ko sa pinsan ko na anak ni Tita Tonet nang siya ang bumungad sa akin pagdating ko sa kusina.

Diving in Love (Tale of Love Series #2)Where stories live. Discover now