Chapter 12

16 0 0
                                    

"I thought you'd come yesterday. Ang sabi kasi ni sa 'kin ni Ference ay susunod ka. Did you slept alone in the house?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Papa at nilingon si Ference. Umiwas siya ng tingin at ipinagpatuloy ang pagkain niya. Wala naman akong sinabi kahapon na susunod ako sa kanila.

"You didn't answer my question. Did you sleep alone in the house?" My father asked the same question again.

"Yes," I answered honestly.

"Dapat umuwi ka na lang dito. Buti at walang nangyaring masama sa 'yo," pananaway niya pa.

"Oo nga. What if pinasok ka ng magnanakaw sa bahay? Edi wala na akong ate," sawsaw ni Annikah sa usapan. Hindi ko siya pinansin.

Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ko habang sinesermonan ako ng tatay ko. I couldn't tell him to stop because if I do, he would surely tell different things that impossible to happen. Overreacting ang tatay ko.

"Wala akong sinabi sa'yo kahapon na susunod ako," magsasalita na sana si Ference pero inirapan ko siya at umalis na sa kusina.

Ayoko sa lahat 'yung sinungaling. I couldn't even understand why he has to say that. Buong maghapon ay nasa loob lang ako ng kwarto na dapat ay para sa akin talaga kung tumira lang ako rito noon pa man. Kasama ko rin sa loob si Annikah na busy sa cellphone niya.

"Maliligo na ako," paalam sa'kin ni Annikah.

"Tagalan mo, huh," I sarcastically told her. Tumawa lang siya at naglakad na palabas.

Busy ako sa pag-aayos ng report na ipapasa ko kay Madam Grace next week, after ng new year, nang may kumatok sa pinto.

"May naiwan ka ba?" Tanong ko, nag-aakalang si Annikah 'yung kumatok pero nang bumukas 'yon at tingnan ko ay si Ference. Nakangiti siya sa akin, may hawak na rubik's cube, nilalaro niya 'yon.

Hindi ako nagsalita at tinignan lang siya. Nawala na 'yung inis ko kanina pero ayaw ko pa rin siyang makita. Bwisit siya. Nasermonan tuloy ako kanina sa harap ng pagkain.

"Galit ka?" He closed the door and walked towards me. Umupo rin siya sa sahig at nag-indian sit, nakaharap sa akin.

"Oo, galit na galit ako," madiing sabi ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako, tuloy ay napatawa rin ako at hinampas siya. "Bwisit ka," singhal ko.

He stayed there for a while, he also tried asking me about my relationship with Rhui but I didn't answer him. Pati tuloy si Annikah ay nagtanong na rin. Pareho silang makulit kaya nang mag-gabi na ay tumayo na ako, nakita ko rin naman na si Tita Flor na naghahanda ng hapunan

That was our routine for the two following days. Gustuhin ko mang tumulong sa gawaing bahay ay ayaw naman ni Tita Flor dahil kaya naman na raw niya. Ni paghuhugas ng pinggan ay ayaw niyang ipaubaya sa amin.

Isang araw bago magbagong-taon ay pumunta ako sa café dahil ililibre raw ako ni Alvin, nakita ko naman roon si Rhui kaya naupo ako sa harapan niya.

"Hoy, bakit ka nandito?" Tawag-pansin ko sa kaniya, nakatungo kasi siya at nagtitipa sa cellphone.

Tumunghay siya at agad nagtama ang mata namin. Ngumiti kaagad ako sa kaniya at ikinaway ang kamay ko sa harap niya.

Parang biglang nag-ilaw 'yung utak ko nang maka-isip ng kalokohan, ang asarin siya. Tutal ay wala pa naman si Alvin. Hobby ko na siguro ang asarin siya kapag nagkikita kami.

"Sisilayan mo ba ako rito? Pasalamat ka pumunta ako kasi kung hindi, sayang lang ang oras mo," panimula ko sa pang-aasar.

"Is that a joke? Do I need to laugh?"

Diving in Love (Tale of Love Series #2)Where stories live. Discover now