Chapter 31

22 0 0
                                    

My father told me that in less than 3 months, my lola and I will be going to their province— Cagayan Valley for a vacation.

Two months had passed and I'm still waiting for it happen. Alam ko namang hindi magsasabi ang tatay ko kung hindi naman niya tutuparin. Mayroon siyang isang salita, alam kong gagawin niya ang binanggit niyang salita. He's man of his word, after all.

"Wala ka talagang balak sabihin sa amin," reklamo ni Alvin.

Oo. Wala talaga.

We were currently in a video call. Buti nga tumawag sila kasi I also need someone to talk to.

Nabanggit na ni Mayumi sa kanila na wala na kami ni Rhui. Ang dami tuloy nilang tanong sa akin. Sinasagot ko na lang din para hindi na humaba pa ang usapan namin.

"Kainis 'yan! Tinawagan ko pa 'yan nu'ng pinakuha niya sa'kin mga gamit niya sa The Heels! Tinanong ko pa kung bakit 'di sa jowa niya ipinakuha, 'yun pala wala na sila!" Angal naman ni Wyne.

"Feel ko ayaw talaga niyang sabihin sa'yo, Wyne, kasi ikaw 'yung nand'yan sa Pinas tapos hindi mo alam? Ingay mo kasi!" Nang-aasar na naman si Alvin.

"Kawawa naman." Si Charlotte na busy sa laptop niya.

"Ay, pinagtutulungan n'yo akong dalawa?! 'Wag na kayong umuwi rito sa Pilipinas, ah!" Kunwari pa siyang umirap kaya natawa kami ni Alvin.

Natahimik kami ng ilang sandali pero maya-maya ay nagsalita si Charlotte, titig na titig sa screen niya.

"Wyne, nasaan ka?" Tanong niya.

Kumunot ang noo ni Wyne at ngumiwi. "Chismosa ka na pala ngayon, Cha? Grabe, gan'yan ba nagagawa ng pagtira sa ibang bansa?" Sabi niya.

"Hindi, ah. Kaninong coat 'yung nasa likod mo?" Tinignan ko rin tuloy 'yung sinasabi ni Charlotte.

Coat 'yon ng babae. Color brown. Nakasampay sa may bintana. Mukha pang bagong plantsa dahil wala man lang bakas ng kahit anong kusot.

"Luh, may girlfriend na si Wyne!" Sigaw ni Alvin.

Agad na tumayo si Wyne at inalis 'yun doon. Bumalik din siya agad at kinontra ang sinabi ni Alvin.

"Girlfriend agad?!" Reklamo niya. "Hindi ba pwedeng nililigawan muna?"

"Eh, ano? Asawa?" Tanong naman ni Charlotte.

"Nililigawan pero may damit na sa bahay mo?" Kontra naman ni Alvin. "Anong klaseng ligaw ba 'yan?" Dagdag pa niya.

Napakamot na lang ng ulo si Wyne, hindi na alam kung paano niya ipapaliwanag 'yon. "D'yan na nga kayo. Panira kayo ng araw!" Sabi niya at agad na nag-leave sa video call.

Tumawa lang kami nang makaalis na siya. Nag-usap pa kami saglit bago napagdesisyunan na i-end na ang call.

Alvin:
may gf na si wyne!!! hoy mayumi hanapin mo ikaw ang mata namin jan

Chat ni Alvin sa GC namin matapos i-end ang call.

Mayumi:
What? How did you know? Ako na madalas siyang kasama, hindi ko alam.

Alvin:
kaya nga alamin mo vebs!!! give mo kami update

Mayumi:
Pero I know someone na ano hahahaha

Wyne:
hoy mayumi wag kang ano dyan?!??! tamo ibabash ko sa twitter yang coffee shop mo na mapait ung kape

Jilyn:
ano mayumi? sabihin mo na maawa k sa mga chismosa d2

Mayumi:
Wyne? hahaha

Wyne:
wag kasi mayumi baka mabalis niyo hindi pa matuloy : (

Tinawanan ko lang 'yun at hindi na nag-reply. Tumahimik na rin naman ang GC namin. Paniguradong kapag nag-seen si Alvin ay iingay na naman 'yon. Aalamin at aalamin no'n kung sino 'yon para may ipang-asar siya kay Wyne.

Diving in Love (Tale of Love Series #2)Where stories live. Discover now