Chapter 18

19 0 0
                                    

"Ate, 'di ka pa ba matutulog?"

Tumingin ako sa hagdan at doon ay nakita ko ang kapatid ko na pababa. Nakapantulog na siya at mukhang bumaba lang para uminom ng tubig.

"Hindi pa. May tinatapos lang ako," ibinalik ko ang tingin sa cellphone ko at tinignan nang mabuti 'yung picture kung ayos na bang i-story sa IG.

Nilagyan ko lang 'yon ng text na 'still awake' at niliitan ko para magandang tignan. Inilapag ko 'yon sa gilid at humarap ulit sa laptop ko.

"Ano ba 'yan?" Naupo sa tabi ko si Annikah at tinignan ang ginagawa ko. "Ah, PPT," sabi niya nang makita na 'yon ng malapitan.

"Ayos lang ba 'yung kulay?" Tanong ko sa kanya.

"Wow, Ate. Sa 'kin mo pa talaga itatanong 'yan, 'no? Mahina nga ako sa colors," tumawa siya nang mahina at nanuod nalang ng ginagawa ko.

"Para saan ba 'yan?" Tanong niya ulit.

"Presentation ko bukas," sabi ko naman.

Bumalik na si Madam Grace sa paraan kung paano siya magpa-present sa mga empleyado niya dati. Hindi na by group. Individual na ulit. She chose some to discuss some of the sales this month at kapag minamalas nga naman, napili pa ako. Ang malas ko talaga sa mga piliin.

"Ah, okay. Matutulog na ako," inilapit ko ang pisngi ko sa kanya at kaagad siyang lumayo sa 'kin.

"Kiss mo lang ate mo sa pisngi, e," reklamo ko.

"Nakakagulat ka kaya, Ate! Oh," inilapit niya ang nguso niya sa pisngi ko at kiniss ako tsaka ginulo ang buhok ko.

"Good luck bukas sa paborito kong ate," pang-uuto niya.

"Ako lang naman ate mo," pagpapaalala ko sa kanya. "Matulog ka na. May pasok ka pa bukas. Good night," binati niya rin ako pabalik atsaka umakyat.

Nakangiti lang ako habang ginagawa ang presentation ko para bukas. Rush 'to. Basta lang ako binigyan ng mga data ni Madam Grace at sinabi na magpe-present ako tomorrow. Hindi naman ako maka-hindi dahil mawawalan ako ng trabaho.

Natigil ako sa ginagawa kong pagpu-proofread nang mag-vibrate ang cellphone ko. Kaagad ko 'yong kinuha dahil ang iniisip ko ay baka emergency.

Kumunot kaagad ang noo ko nang makitang galing sa IG 'yung notification.

r.aljayv replied to your story

Pinindot ko 'yun agad para malaman kung anong sinabi niya at bakit feeling close siya? Nag-reply pa sa story ko sa IG kahit hindi naman kami ganoon ka-close sa IG. Isa nga siya sa mga

r.aljayv: ?

Agad akong nagtipa ng ire-reply sa kanya.

jiiilyn: baliw ka ba?

Nakangiti lang ako habang hinihintay kong magreply siya. Hindi ko rin alam kung bakit kailangang nakangiti ako. Gusto ko lang.

r.aljayv: May I see your presentation?

jiiilyn: di ko pa tapos, whyyy

Nagreply agad siya.

r.aljayv: I just want to.

Napanguso ako at tinignan na ang natapos ko. I actually done with everything, I just need to read it again para makita kung may mali ba.

jiiilyn: okay, send ko later tapusin ko langgg matutulog ka na ba?

r.aljayv: Not yet. I have something to do.

Ang bilis niyang magreply. Mukha namang hindi siya busy. Hinayaan ko nalang muna siya at binasa na ang presentation. Matapos kong i-proofread ay sinaved ko muna 'yon bago kunin ang phone ko para i-message siya.

Diving in Love (Tale of Love Series #2)Where stories live. Discover now