Chapter 39

5 0 0
                                    

Bumalik kaming dalawa ni Rhui sa parking lot na parang walang nangyari. 

"Nabili mo?" Tanong ni Ference sa'kin. 

Umiling ako. "Next time na lang," pagsisinungaling ko.

Hindi na niya ako tinanong sa naging sagot ko. Bumyahe kami pauwi nang ang tanging nasa isip ko lang ay ang nangyari kanina.

Parang tanga, hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong umiyak nang ganoon kay Rhui. Pero kahit ganoon, nabawasan ang bigat na dinadala ko. Sa dalawang taon, siya lang pala ang makakabawas ng dinadala ko. Siya lang pala ang dapat na mapagsabihan ko ng mga pinagdaanan para gumaan ang pakiramdam ko.

"Nag-usap kayo?" Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang itanong iyon ni Ference.

"Nino?" Pagmamaang-maangahan ko.

Itinuloy ko ang pagpasok sa loob ng bahay at dumeretso sa sofa na nasa sala.

"Ni Rjay," nakasunod pa rin siya sa akin.

Tinignan ko siya. "Pake mo ba," gaya ko sa paraan ng pagsabi niya sa akin kanina ng ganoon.

Nakakunot ang noo niyang umiling. "Ang isip bata mo," sabi niya sa akin.

Napahawak ako sa dibdib ko at hindi makapaniwalang tinignan siya. "Ikaw nagsimula no'n."

"Bakit ba ang init ng ulo mo?!" Tanong ko dahil kanina pa siya parang ewan!

"Anjilyn, I know you know what you're doing pero paalala ko lang sa'yo lahat ng hirap na pinagdaanan mo sa loob ng dalawang taon na wala siya sa buhay mo." Seryoso siyang nakatingin sa akin.

Alam niyang nag-usap kami sa paraan ng pagsabi niya sa akin no'n. Ference really know me. Hindi talaga ako makakapagsinungaling sa kan'ya.

"I am not telling you this para pagbawalan ka na makipag-usap o makipagkita sa kaniya. After all, it's your decision. Malaki ka na. Alam mo na ang tama at mali."

After niyang sabihin 'yon at naglakad na siya paakyat sa kwarto niya.

"Ference," tinawag ko siya pero hindi niya ako nilingon. "Thank you." Alam kong narinig niya 'yon.

Nagluto si Tita Flor ng bopis na isinuggest ko sa kan'ya. Iyon ang inulam namin noong dinner. Hindi sumabay sa amin si Ference.

"Anjilyn," tawag sa akin ni Papa.

Tumingin ako sa kaniya.

"Kino-contact ka ba ng mama mo?"

Tumango ako sa kan'ya. "Opo. Matagal na pero hindi ko nirereplyan."

"Bakit naman hindi mo nirereplyan?" Tanong ni Lola Vicky sa akin.

Ngumiti ako nang pilit at walang sinabi.

Hindi ko pa kaya. At hindi ko alam kung kailan ko makakaya.

"Mag-bi-birthday siya—"

"Alam ko po," putol ko kay Papa. "Babatiin ko po pero hanggang du'n na lang muna. Don't worry, I'm going to talk to her if I'm ready. Hindi lang ngayon." I told him about it so he wouldn't ask me anymore.

"Hindi naman kita minamadali, anak. Just take your time." Ngumiti sa akin si Papa kaya tumango na lang ako.

Nang mag-birthday ang mama ko ay inunblock ko ang number niya at binati ko siya sa text. Hindi ko na rin hinintay pa ang reply niya at blinock ko ulit.

I just texted her a simple happy birthday. Nothing more.

Hindi na para pahabain pa ang usapan kung hindi naman bukal sa kalooban ko. Gusto ko kapag kinausap ko na siya ulit ay 'yung gusto ko na. 'Yung talagang handa na ako at hindi parang napilitan lang ako. Makakarating naman kami roon. Hindi pa nga lang ngayon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Diving in Love (Tale of Love Series #2)Where stories live. Discover now