Chapter 02

19 3 0
                                    

"Ano? Binuksan mo na?"

Ayan agad ang bungad sa 'kin ni Alvin pagdating ng pagdating ko sa office. Ni hindi pa nga ako nakakapasok sa loob ay hinarang niya na agad ang kamay niya para hindi ako makapasok. Para tuloy siyang guard na mag-che-check kung may ibinulsa ba ako!

"Pwede papasukin mo muna ako?" Tanong ko sa kanya at umirap sa ere.

Gumilid siya at inilahad ang kamay niya. "Pasok na po, kamahalan!" Magalang na sabi niya at yumuko pa para manghingi kunwari ng galang.

"Salamat, huh?" Sambit ko at naglakad na papunta sa lamesa ko nang nakangiti.

"Feeling mo naman!" Sigaw ni Alvin sa 'kin nang makarating na ako sa mesa ko.

Ibinaba ko ang bag ko at kinuha ang salamin sa loob nito. Sinuklay ko ulit ang buhok ko tsaka nag-retouch. Matapos no'n ay umupo ako nang maayos at hindi na ako nagulat nang makita ko sa harap si Alvin na nakaupo.

Napaka-tsismoso talaga nitong baklang 'to!

"So, ano nga? Nabuksan mo na 'yung diary?" Tanong niya na naman.

'Yung diary na sinasabi niya ay 'yung nakita ko roon sa coffee shop. Kay Mayumi ko sana ibibigay kaso ang demonyita ayaw kunin at itago ko nalang daw. Kung gusto ko pa raw ay buksan ko para makita kung kanino 'yon.

Umiling ako. "Hindi pa," sabi ko. Totoo naman, hindi ko 'yon binubuksan kasi wala naman akong oras para pakialaman 'yun!

"Ay, bakit hindi pa? 'Di ba ang sabi mo lalaki ang may-ari no'n? Buksan mo na, Jilyn!" Nakangiting sabi niya sa 'kin.

"Bakit ba ang excited mo?" Tanong ko sa kanya at tumayo para hanapin 'yung mga reports na pinapaulit ni Madam Grace.

Isa pa 'yong babae na 'yun. Pinapaulit sa 'kin 'yung report na pinasa ko dahil may mali raw tapos nang chineck ko wala naman. Pinapagod lang ako no'n.

"Dali na kasi, Jilyn! Buksan mo na!" Pamimilit na naman ni Alvin. Inis ko siyang tinignan. "Baka pogi ang may-ari, eh! Dali na!" Pangungumbinsi pa niya.

Tangina naman nito! Na-s-stress na ako sa report na pinapaulit tapos dumagdag pa siya! Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy lang ang paghahanap. Bahala siya mapagod d'yan kakangawa!

"Ano na, Jilyn?!" Medyo inis na tanong ni Alvin.

Ito 'yung pinaka-ayaw ko sa lalaking 'to. Kapag gusto niya, gusto niya talaga. Ipipilit nang ipipilit. Hindi talaga siya titigil!

"Huwag kang sumigaw!" Sabi ko sa kanya, medyo inis na.

Bakit ba kasi sinabi ko pa rito na may nakita akong diary? Kung hindi ko sinabi, edi sana payapa ang araw ko ngayon.

"Hindi ako sumisigaw," mataray na sabi niya kaya mas lalo akong nainis.

Tumayo ako nang makuha ko na 'yung envelope na ipinasa ko tapos binalik din naman. Padabog ko 'yung inilapag sa mesa at tinignan siya.

"Diary kasi 'yon, Alvin. Alam mo ba ang diary? Privacy ng tao 'yon! Kaya 'wag kang manigaw riyan na para kang boss! Magtrabaho ka nalang dahil marami pa akong gagawin!" Bulyaw ko sa kanya.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Sobrang naiirita na ako. Alam niyang ibinalik sa 'kin kahapon 'yung report na ginawa ko at aayusin ko ngayon tapos manggugulo pa siya.

"Sorry," sabi niya bago bumalik doon sa pwesto niya. Inirapan ko siya at alam kong nakita niya 'yon. Kaasar. Bahala siya sa buhay niya!

Hindi ko siya pinansin at binasa lang 'yung mga nilagyan ni Madam Grace ng mali. Sa totoo lang hindi naman talaga ako 'yung mali. Ang tanga kasi nu'ng kumuha ng data, mali mali 'yon nilagay roon kaya pati ako namali.

Diving in Love (Tale of Love Series #2)Where stories live. Discover now