Chapter 38

7 0 0
                                    

"Yes po. Sinend ko rin agad after ng meeting." Sagot ni Trina nang itinanong ko kung naisend niya na ba ang soft copy na hinihingi ni Rhui.

"Can I see?"

"Sure po." Tumingin siya sa monitor at inilagay sa email bago ito iniharap sa akin.

Sinend niya nga ito after din ng meeting namin.

I checked the email where did she sent it.

rhuiventura@theheels.com

"Saan mo nakuha itong email na 'to?" Tanong ko.

"Ayan po 'yung business email ni Mr. Ventura na naka-indicate sa website ng The Heels." Sagot naman niya kaya tumango na lang ako.

I entered my office again. Tinignan ko ang sticky notes na pinagsulatan niya kanina.

r_jayventura@yahoo.com
FB: Rjay Ventura
09xxxxxx291

"Tangina?" Reaksyon ko agad.

Ang gago! Ano naman ang gagawin ko sa Facebook account niya at inilagay pa niya talaga?! Meron pang isinulat na contact number! Akala ba niya ay i-te-text ko siya?! Utot niya! Ang feeling.

Nawala ang pag-iisip ko na ang unprofessional ng mga ginawa ko kanina dahil sa nakita.

Kung unprofessional ako, mas malala siya! Ilagay ba naman ang Facebook account at contact number! May sapak ba siya sa ulo?!

Kahit na naiinis ay isinend ko pa rin sa email niya ang soft copy na hinihingi niya.

I also sent him an unprofessional message. Gaguhan pala ang gusto niya, eh.

From: anjilynma_@yahoo.com
To: r_jayventura@yahoo.com
Subject: SOFT COPY OF MONTHLY REPORT

ito na po pinapasend mo na soft copy, mr. rhui aljay ventura. also, please check ur business email sa the heels dahil na-send na rin daw ng secretary ko roon. salamat, huh?

pakekosafbatnumbermo.pdf

Syempre, ang ginamit ko ay iyong personal email ko. Ayaw ko namang gamitin ang business email na ganoon ang laman no'n.

Sinadya kong ganoon ang file name para malaman niyang walang may pake sa pinagsusulat niya. Hindi ako interesado sa kan'ya.

Noon lang. Hindi na ngayon. People change.

Umuwi ako nang maaga dahil nag-text si Papa na samahan ko raw si Tita Flor na mag-grocery. Nag-commute lang kami papunta ng supermarket dahil wala naman daw mag-di-drive para sa amin. Text ko na lang siguro mamaya si Ference kapag marami kaming nabili at hindi kaya mag-commute.

"Ayaw mo ba mag-serve sa church?" Nakangiting tanong sa akin ni Tita Flor.

Umiling ako. "Hindi po kaya ng sched ko. Hindi rin ako interesado, nakakahiya naman kay Lord kung parang napipilitan lang ako na nag-se-serve sa kan'ya." Sinabi ko ang totoo kahit na noon pa man ay tinatanong na niya ako tungkol doon.

"Si Ference tinanong ko rin, pag-iisipan niya raw. Hanggang ngayon wala pa rin sagot."

"Tita, huwag mo nang asahan 'yon." Paninira ko sa lalaking 'yon.

Tumawa lang siya at niyaya ako sa kabilang section para maghanap pa ng mga bibilhin.

"Anong gusto mong ulam mamaya?" Tanong niya.

Nakangiti ako nang lihim. I really appreciate her for the things she's been doing for me. Nandiyan siya simula noong wala si Mama para sa akin. Hanggang ngayon na kahit hindi ko naman na masyadong kailangan pa ng gabay ay nandiyan pa rin siya.

Diving in Love (Tale of Love Series #2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt