Chapter 30

22 1 0
                                    

"Sure ka na d'yan sa desisyon mo?"

Kanina pa siya tanong nang tanong!

Tumango ako kay Feren nang tanungin niya ako. Tinignan niya ako nang mabuti, inaaral ang sinagot ko sa kan'ya. "Sure ka ba?" I gave him a thumbs up with a smile.

"Oo naman. Hundred perfect sure." Sabi ko.

Pinagmasdan niya muna ako bago tumango sa akin, naniniwala na.

"'Yung isinuyo mo sa'kin, nandu'n na sa kwarto kahapon pa." Naupo siya at inilabas ang cellphone.

"Thank you nang marami, Ference." Sabi ko sa kan'ya. Hindi niya ako binigyan ng pansin dahil busy siya sa cellphone niya pero alam ko namang naririnig niya ako.

"Uhm..." Hindi ko alam kung dapat ko bang ituloy ang gustong itanong sa kan'ya pero bahala na, last naman na 'to. "Nag-uusap pa kayo ni... Rhui?" Agad siyang napatingin sa akin nang banggitin ko ang pangalan ng lalaki.

Ngumiti ako nang alanganin sa kan'ya pero umiling siya. "Hindi muna. Hahayaan ko muna na pag-isipan niya nang mabuti 'yung mga nagawa niya. Tsaka alam ko naman na hindi pa ako no'n kakausapin. 'Yon pa ba? Baka nga magtago 'yon kapag nakita niya ako, eh."

Sayang. Gusto ko pa man din sana na kumustahin siya at malaman kung ano na ang lagay niya matapos 'yung nangyari sa amin. Alam ko na dapat wala na akong pake pero hindi ko naman kaya na mawalan na lang ako ng pake bigla. Hindi naman 'yun pwedeng mawala sa isang iglap lang.

It will take time and I hope someday, tuluyan nang mawala kasi wala naman na siyang pake sa akin. So ano pang sense ng pake ko sa kan'ya kung wala na siyang pake sa'kin, hindi ba?

Kailangan ko rin mag-move forward sa buhay ko. Hindi ako para maghabol nang magbahol sa kan'ya. Ayos na 'yung isang beses na nagmakaawa ako sa kan'ya, hanggang du'n na lang 'yon at hindi na dapat madagdagan pa.

Ang magpakatanga ng isang beses ay ayos pa pero kung magpakatanga ka nang paulit-ulit ay kabobohan na 'yon.

Lalaki lang 'yon, marami pa namang iba d'yan.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Wyne.

To: Wyne

salamat sa pagkuha ng gamit ko sa office at pag-abot kay ference, libre kita kapag yumaman na aq wait mo lang

Ibinulsa ko ang phone ko nang maisend ko 'yon. Nang makaakyat ay bumungad sa'kin ang mga box ng gamit ko na galing sa office.

From: Wyne

welcome ji, binigla mo naman ako iniwan niyo n akong lahat dito : (

Matapos kong basahin 'yon ay biglang lumabas ang pangalan niya sa screen ng phone. Agad kong sinagot 'yon at naupo sa dulo ng kama.

"Hoy, ikaw! Hindi mo man lang sinabi sa'kin bago ka nag-resign. Para ka namang hindi kaibigan, ano kaya 'yon nalaman ko na lang nu'ng pinakuha sa'kin mga gamit ampotek!" Medyo inilayo ko ang cellphone sa tainga ko dahil ang lakas ng boses niya.

"At least nalaman mo pa rin," sabi ko naman. Buti nga nalaman pa niya.

Narinig ko ang pagsinghal niya mula sa kabilang linya. "Kaasar! Ay oo nga pala, pa-double check nu'ng gamit mo baka may kulang. Hindi ko rin kasi kabisado 'yung gamit mo, eh, alangan naman na kunin ko lahat ng nandu'n mamaya hindi naman pala sa'yo. Edi nalagot na!"

Tumango ako kahit naman niya nakikita. "Sige."

"Ang cold mo naman! Nasaan na 'yung Anjilyn na maingay?!" Napansin niya pa 'yon, wala talagang takas dito sa lalaking 'to! "Bakit nga pala sa akin mo ipinakuha mga gamit mo at hindi sa jowa mo?"

Diving in Love (Tale of Love Series #2)Where stories live. Discover now