Chapter 37

4 0 0
                                    

"Hindi niyo aakalain kung sino ang nakita ko ngayong araw!"

Iyon agad ang sambit ko nang makarating sa coffee shop ni Mayumi.

"Sino?" Tanong ni Charlotte.

Yes! She was already here one year ago. Akala ko nga ay aalis ulit siya pero may hindi inaasahang pangyayari ang babaitang 'yan! Well, engaged lang naman na siya sa best friend niyang si Maverick.

I'm so happy for her dahil sa wakas, after ng mga paghihirap nilang dalawa. They are now getting the happiness that they deserve. Though, minsan naiinggit ako kasi meron nang patutunguhan ang buhay niya. Samantalang ako, ito binubuo pa rin ang sarili sa mga nangyari two years ago.

Pero ayos lang naman. Hindi naman karera ang buhay. Lahat ay may sariling timeline na sinusunod.

"Your ex?" Inosenteng tanong ni Mayumi.

Umirap ako!

"Bakit mo nahulaan?" Kunwari ay inis na tanong ko.

Gulat itong tumingin sa akin. "For real?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mayumi. Tumango ako.

"Saan mo nakita?" Tanong naman ni Cha.

Ikinuwento ko ang buong pangyayari. Mula sa hindi nakadalo si Madam Grace sa meeting dahil may emergency, sa pagbanggaan namin sa pinto, sa naging sagutan namin hanggang sa dumating sina Iana at iyong batang babae.

Lahat ng iyon ang ikinuwento ko maliban lang sa mga naramdaman ko kanina. Ayokong malaman nila kung anong naging reaksyon ko. It's just for myself.

"Anong naramdaman mo?" Ito na si Charlotte sa mga tanong niya. Nanliit ang mata niyang tinignan ako, para bang tinatantya ako.

"Oh my-"

Pinutol ko agad ang sasabihin ni Mayumi. "Wala. Nagulat lang ako."

"You still love him," sabi ni Charlotte na parang siguradong-sigurado siya roon.

"Hindi na." Kontra ko sa kan'ya.

Tinignan niya ako nang maigi then she smiled genuinely. "Hindi na," itinuro niya ang sintido ko. "Sabi ng utak mo."

Kumunot ang noo ko. Huminga ako nang malalim, kinakabahan.

"Pero anong sabi nito?" Itinuro niya naman ang kaliwang dibdib ko.

Para akong nanlambot sa ginawa niyong iyon. Natauhan at nagkaroon ng mga tanong sa isipan.

Mahal ko pa ba siya?

Pero dalawang taon na ang nakalipas. Ang pagmamahal ay unti-unting nawawala. I'm sure ganoon ang nangyari sa akin. My love for him has already faded.

"Do you still love him?" Maingat na tanong naman ni Mayumi nang mapansing natahimik ako.

Hindi ko iyon sinagot at nanahimik na lang. I know to myself that I don't love him anymore. Kung ano mang meron ako sa kan'ya ngayon, it's just our memories and bond together noon. Hindi iyon mawawala dahil nangyari na at kung mabubura man iyon, depende na lang sa tao. Depende sa aming dalawa.

Matapos naming mag-usap tatlo ay nagpaalam na agad si Charlotte dahil na raw siya sa restaurant nila.

Ako? Imbis na dumeretso sa bahay ay dumeretso ako sa sementeryo.

I need my sister's comfort right now.

"Hi, Annikah." Umupo ako sa may damuhan. "Wala akong dala ngayon. Sorry, biglaan, eh."

"Musta? Miss na miss na kita. Miss mo rin ba ako? Dapat lang!" Mahina akong natawa.

Two years without her was not easy. Kailangan ko na laging ipaalala sa sarili ko na hindi magiging masaya ang kapatid ko kapag nakikita akong malungkot. Sobrang hirap mawalan ng taong malapit sa'yo.

Diving in Love (Tale of Love Series #2)Where stories live. Discover now