Chapter 21

13 0 0
                                    

"Thank you for bringing him home. Maraming salamat talaga, Jilyn at Ference. I owe you this one. Next time, tambay kayo rito. You guys are always welcome here." Pasasalamat sa amin ni Mrs. Ventura nang makarating sa bahay nila.

"No worries, Tita. 'Yung kotse niya nasa amin lang. I couldn't find his key kaya hindi ko ma-ihatid. Anytime naman pwede niyang kunin 'yon," sabi naman ni Ference.

Nagpa-salamat pa ulit si Mrs. Ventura. Nagpaalam na rin kami agad dahil late na. Tumulak na kami papunta sa amin dahil ihahatid ako ni Ference sa bahay.

"He likes you," palabas na ako ng sasakyan nang magsalita siya.

Anong pinagsasabi nito?

"Huh?" Tanong ko, hindi maintindihan ang sinasabi niya.

Natawa siya. "Narinig ko kayo kanina ni Rjay, nag-uusap. Kung iniisip mo na nasabi niya lang 'yon kasi lasing siya. Hindi." Umiling siya. "Palagi niyang tinatanong sa'kin kung anong paborito mong pagkain, bagay o kung anu-ano pa. Minsan gusto pa niya na magkwento ako about sa iyo. Eh, ilan taon lang naman ako noong na-meet kita," natawa siya nang maalala.

Dahil lang du'n? May sapak na yata 'to sa ulo.

"Ayoko pa rin maniwala. Gusto ko lumabas mismo sa bibig niya," ngumiti ako sa kanya.

"Lumabas naman sa bibig niya, ah?" Pagdadahilan niya. Ang kulit!

"I mean, lumabas sa bibig niya kapag hindi siya lasing. I don't want to believe someone who is drunk. Walang sense." I said with finality.

"Hmm," tumango siya, napaisip. "But sometimes those things we cannot tell, we can only say it when we are drunk and that's the case for Rhui."

Ang dami niyang dahilan. Ewan ko ba!

Hindi ko na inisip 'yon at hinayaan na lang kung anong mangyayari sa mga susunod na araw. Wala na rin akong pake sa kung ano ba ang mangyayari. Sabay na lang sa agos ng buhay.

Nang dumating ang Lunes ay nagkaroon ng konting problema sa trabaho namin dahil may mga mali sa ipinasang report ng ibang department. Ipinahanap rin sa akin ni Madam Grace 'yung ibang report na ginawa ko kaya sobrang kalat ng office namin.

"Did you find it?" Dumating si Rhui at tinignan ang mga gamit na nakakalat sa sahig.

Hindi ko pa siya natatanong simula noong umuwi kami dahil pareho kaming busy sa mga trabahong naka-assign sa amin.

"Hinahanap ko nga, eh, 'di ba?" Pabalang kong sagot.

"I'll help you." Agad akong umiling sa sinabi niya.

"Hindi na, kaya ko na 'to. May mga kailangan ka ring gawin 'di ba? Gawin mo na 'yon," sabi ko nalang sa kanya.

Ayoko makaistorbo.

Hindi naman na siya nagsalita pa at hinayaan na lang ako. Napangiti ako nang makita 'yung mga folder na hinahanap ko. Buti naman at nakita ko na. Kanina pa ako naghahanap, sobrang dami ko na ngang mga box na inilabas para lang hanapin 'to.

Bwisit naman kasi! Imbis na tahimik ang buhay ko ngayon!

Ibinalik ko ang mga folder na ikinalat ko sa dati nitong mga lalagyan. Hinayaan ko na lang muna 'yung mga papel na nakakalat sa ibabaw ng mesa ko. When I was done putting the folder back, I immediately get up and went to Madam Grace to give the report she was looking. She was on her laptop when I saw her inside her office.

Kung hindi ko lang talaga 'to boss, baka nagreklamo na ako dahil ang dami niyang ipinapagawa kahit na hindi ako ang dapat na gumagawa nito!

"Pasok," sabi niya nang kumatok ako.

Diving in Love (Tale of Love Series #2)Where stories live. Discover now