Chapter 22

22 0 0
                                    

I never imagined myself loving someone again because I was afraid of the thoughts that I would be alone again after the happy memories we made. I never imagined myself having those sweet moments with someone again until this day comes.

After hearing those words of assurance from Rhui, I finally have the courage to follow my heart again and this time, with someone who made me feel the happiest when I am with him. To someone who made me feel like I am enough and I am deserving to be loved.

"Love, are you happy?" Rhui asked while brushing my hair using his hand. He loves doing that when he has a chance.

"Saan?" Magiliw na tanong ko pabalik.

"Sa atin. Are you happy that we're finally together? After that fake relationship we had..."

Natawa ako sa sinabi niya. Nasa condo niya kami, ginagawa 'yung mga trabaho na inassign sa amin na nauwi sa paglalambingan. Ewan ko rin ba!

Hinarap ko siya at hinawakan ang pisngi niya. "Oo naman. Mas masaya pa sa kung anong saya ko dati," ngumiti ako at niyakap siya.

"I love you," he whispered and kissed my head.

"I love you, too," saad ko, nakayakap pa rin sa kanya.

Sobrang saya ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan 'to pero gusto kong sulitin 'yung mga oras na masaya lang. I want to embrace this moment for the rest of my life. I want to just stay in this place forever. Ayaw ko nang matapos 'to.

My heart is happy.

"Good morning," bati ko agad kay Rhui nang pumasok ako sa loob ng office namin.

He walked towards me. Ang pogi. He then kissed me on my cheeks. Napangiti tuloy ako.

"Did you eat your breakfast?" Tanong niya habang kinukuha ang mga dala kong gamit.

"Oo, ikaw?" Tumango lang siya sa akin at inilapag ang mga gamit ko sa mesa.

Napansin ko ang kumpol ng mga papel na nasa ibabaw ng mesa ko.

"Ano 'to?" Nagtatakang tanong ko.

Walang kahit na anong papel akong iniwan sa mesa ko dahil gusto ko kapag Lunes ay malinis ang ito para sipagin akong magtrabaho.

"Those are the reports that you'll be submitting to Madam Grace," he said. "I printed it." Dagdag pa niya.

Napangiti ako at nag-thumbs up sa kaniya.

"Thank you nang marami, mahal," sabi ko na ikinatigil niya.

"Anong sinabi mo?" Tanong niya. "What did you call me?" Nangingiti siya habang nanlalaki ang mata na nakatingin sa akin. Mukhang hindi niya inaasahan iyon.

"Ang sabi ko," ngumiti ako. "Thank you nang marami, mahal." Inulit ko 'yon at mas nilambingan ko pa.

"Mahal?" He softly and slowly said. I nodded, biting my lips.

He was stunned for a moment until I pushed him to his table so we could start working. "Tama na landian. Back to work," kunwaring seryosong sambit ko pero sabay rin kaming natawa.

Naglakad ako papunta sa opisina ng amo namin para ipasa ang mga reports na ginawa ko, 'yung pinrint ni Rhui.

I knocked thrice and she signaled me to go inside.

"Good morning," nakangiti niyang bati sa akin.

Good mood.

Ayan agad ang pumasok sa isip ko nang binati niya ako. Binati ko rin naman siya pabalik at ipinasa sa kan'ya ang envelope na hawak ko na naglalaman ng iba't ibang reports.

Diving in Love (Tale of Love Series #2)Where stories live. Discover now