Chapter 03

19 2 1
                                    

"Anong sabi mo? Paki-ulit nga,"

Nilakihan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya. Madalas na akong sinasabihin ng ganoon, pero noong bata pa lang ako! Ni hindi ko na nga maalala kung kailan ang huling beses na may nagsabi sa 'kin ng ganoon.

"Ang daldal mo," pag-uulit niya at ngumisi.

Tarantado yata talaga 'to, eh!

Itinaas ko ang diary niya na hawak-hawak ko. Agad siyang nakatingin doon at nilipat ang tingin sa akin, halatang gulat.

"You… you're the one who got m-my… my—"

"Your diary?" Pagpapatuloy ko sa sinasabi niya. Hirap na hirap kasi siyang sabihin.

Huh, huli! Nahihiya siyang sabihin na diary niya 'to base na rin sa mukha niya.

He shook his head and looked at me more seriously now.

"Ano? Titingin ka nalang ba sa 'kin nang gan'yan?" Tanong ko at ngumiti sa kanya nang matamis.

"Akin na 'yan," kalmado niyang sabi at inilahad ang kamay sa harapan ko.

Umiling ako at tinignan siyang mabuti. Doon ko lang napansin nang maayos ang itsura niya. Ang seryosong mukha niya ay lalong nagpapogi sa kanya. Ang medyo mapula niyang labi ay manipis lang pero sobrang bumagay 'yon sa tangos ng ilong niya.

Hindi naman siya sobrang kaputian, hindi rin sobrang kaitiman, hindi rin kayumanggi, 'yung kulay niya ay tama lang. Sobrang bumagay pa nga sa kaniya.

Wala akong masabi, ang pogi niya talaga. Hindi ako maniniwala kung sasabihin niyang wala siyang girlfriend or girlfriends.

"May girlfriend ka?" Agad na tanong ko, hindi na mapigilan ang sarili.

His brows creased, he looks more handsome now kaya napangiti ako lalo. Feel ko malalaglag na ang panty ko sa sobrang gwapo nitong kaharap ko.

"You're so talkative. Just give me back… what's mine." He said, trying no to say the word 'diary'.

Napatakip ako ng bibig ko at tumawa nang mahina. "Ayos lang naman kahit na sabihin mong diary mo 'to, Mr. Rhui," I gave his name an emphasis.

Akala niya, huh!

"You read that, did you?" Pang-aakusa niya kaya nanlaki ang mata ko.

"Hoy, hindi porket mas matanda ka sa 'kin ng isang taon ay aakusahan mo na ako!" Agad na pagtatanggol ko sa sarili.

Lalong kumunot ang noo niya. Agad akong umiling nang napagtanto ang sinabi ko.

Puta naman, Jilyn!

"H-Hindi! Mali ka ng iniisip!" I shook my head continuously and waved my hand in front him.

"'Yung unahan lang, promise!" Pagsasabi ko ng totoo. I raised my right hand as a sign of promise.

Totoo naman! Kagabi binasa ko 'yung unahan. As in, first page lang talaga. Hindi ko na binasa 'yung mga kasunod kasi inantok na ako. Tapos 'yung laman lang nu'ng nasa first page ay mga important details lang like birthday, zodiac sign, at mga kung ano pang favorite niya like prutas ganoon. Wala na, 'yon lang talaga.

I heard him sighed. Mukhang naiinis na siya sa'kin pero pinipigilan lang ang sarili niyang sapakin ako. Feeling ko kasi sasapakin niya ako, kaso babae ako kaya no choice siya. Pero kung nananakit siya ng babae, edi go! Sapakin niya ako, ibabalik ko sa kanya 'yung sapak niya. Nakataas pa rin ang kamay ko habang tinitignan ang reaksiyon niya.

Nakita ko ang pag-irap niya sa 'kin kaya nanlaki ang mata ko at inirapan din siya atsaka ibinaba ang kamay.

"Ang sungit mo, ano?" Agad na tanong ko.

Diving in Love (Tale of Love Series #2)Where stories live. Discover now