Chapter 20

12 0 0
                                    

"Ganito rin ba 'yung feeling noong nagugustuhan mo na si Maverick?" Tanong ko kay Charlotte nang isang beses ay tumawag sa GC namin sa kalagitnaan ng gabi dahil hindi raw siya makatulog.

Mukhang natigilan siya sa tanong ko at maya-maya ay napangiti. She probably thought of her relationship with Maverick. Ang alam ko ay hindi ganoong katagal naging sila pero matagal na ang pinagsamahan nila. They were with each other since high school.

"Bakit? Gusto mo na ba 'yung... Sino nga ulit 'yon? Roy? Rugi?" Halos matawa ako sa mga binanggit niyang pangalan! Buti at agad kong napigilan dahil nasa tabi ko lang si Annikah at natutulog na.

"Hola!" Agad kong naitikom ang bibig ko nang biglang pumasok sa loob ng kwarto ni Charlotte si Alvin. Mukhang kauuwi lang nito dahil may dala pang bag ang bakla.

"Huy, gabi na, ah? Kauuwi mo lang?" Mahinang sabi ko dahil baka magising ko ang kapatid ko.

"Hoy, gago!" Agad kong hininaan ang volume ang cellphone ko at tumayo para bumaba sa sala. Doon ko sila kakausapin dahil sobrang ingay ni Alvin! Baka magising ang kapatid ko!

"Hindi pa tayo nakakapaglaba," rinig kong sabi ni Charlotte kay Alvin.

"Hayaan mo muna 'yon. Bukas na, kahit ako pa ang maglaba lahat! Kahit isama mo pa damit mo!

"Wow, ang bait ng demonyo," puri ko sa kanya.

"Ito na nga, mamsh! Alam mo ba ang Charlotte?! Umiyak noong isang araw dahil na-mi-miss si Maverick!" Tumawa siya. Nakita ko naman ang paghampas ni Charlotte kay Alvin ng unan.

"Hindi naman totoo 'yon," umiling kaagad ang babae. Nagtalo sila roon at naghampasan pa ng unan. Napailing ako dahil sa ginagawa nila. Mga isip-bata.

Tumayo ako at kumuha ng maiinom sa ref. Habang kumukuha ako ng baso ay narinig ko ang boses ni Wyne.

"Anong ginagawa niyong dalawa? 'Di ganyan magpatayan," sabi niya. Bumalik ako sa upuan ko at hinarap sila.

"Wyne, umiyak daw si Charlotte noong isang araw dahil na-mi-miss na si Maverick," agad kong sinabi sa lalaki ang nalaman.

"Nagiging corny talaga kapag in love. Nakakabaliw ang pag-ibig!" Naggawa pa siya ng X sign sa kamay niya at umiling-iling.

"Si Jilyn," umpisa ni Charlotte. Agad ko siyang pinandilatan ng mata.

I don't want to tell Wyne because once I tell him, the whole building will know about it. He has a lot friends from different department. Malay ko ba baka bigla nalang siyang madulas, edi kumalat na sa buong The Heels na gusto ko si Rhui.

"Alam ko na 'yan, baliw," sabi ni Wyne, nakangiti. Mukhang alam niya na kung anong topic ang bubuksan ni Charlotte dahil sa ngiti niyang 'yon.

"Ang alin naman?" Sabi ko naman.

"Ako rin, alam ko! Si Rhui!" Si Alvin.

"'Yon! Rhui pala ang pangalan! Akala ko Rugi. Ang layo pala," natawa si Charlotte sa sarili niya.

Tinakpan ko ang tainga ko dahil ang dami na nilang pinagsasabi. Ang gulo! Ang dami nilang sinasabi! Ang dami nilang kwento na hindi ko alam kung may mga kwenta ba!

"Hindi, gago! Ang sabi kasi ng source ko, close na close raw sila. Sabi ko nga, aba, si Jilyn? May ka-close na lalaki bukod kay Wyne at sa akin? Imposible! Si Ference, ayos pa, pero 'yon? Ibang usapan kasi tinataboy lahat ni Ji ang mga lalaki!"

"Grabe ka naman kay Jilyn. Parang sinasabi mo na 'di siya malapitan ng mga lalaki,"

"Exactly! Nakuha mo, Cha! Apir nga!"

"Sino bang source sinasabi niyo? Mga gago kayo, nandito pa ako!" Sumingit na ako dahil kung magsalita sila ay parang wala ako sa harap nila.

"Secret," sabay-sabay nilang sabi.

Diving in Love (Tale of Love Series #2)Where stories live. Discover now