Chapter 14

17 0 0
                                    

"Bakit ako nandito sa condo ni Rhui?" Tanong ko sa sarili.

Anong ginagawa ko rito?!

Hinilot-hilot ko ang sintido ko at pilit na inalala ang mga nangyari kagabi. Ang huling naaalala ko lang ay 'yung pag-uwi namin ni Alvin, pagkatapos no'n ay wala na. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

Tumingin ako sa side table para hanapin 'yung cellphone ko. Nang makita ay kaagad kong kinuha iyon. I immediately find Alvin's name on my contact. Ilang beses ko siyang tinawagan pero hindi ko siya ma-contact kaya itinext ko nalang siya.

To : Alvin
gago ka bakit nandito ako sa condo ni rhui????

After I send it to him, I went to comfort room para maghilamos. Lumabas ako nang matapos ako at kinuha ang cellphone ko.

Hinanda ko ang sarili bago pinihit ang pinto. Aalis ako rito kapag wala siya sa labas. Ayokong makita ako ni Rhui na ganito ang itsura. Nakakahiya! Nakapikit akong lumabas at huminga nang malalim bago buksan ang mga mata ko.

Naglakad ako at bago ko pa mabuksan ang pinto ng condo niya ay nakita ko siya sa may couch at mahimbing na natutulog.

Napaawang ang bibig ko sa nakita, hindi makapaniwala na nakahiga siya sa couch. Parang nawala ang kalasingan ko sa itsura niya ngayon. I went close to him and watch him sleeping. Kinalbit ko siya ng isang beses sa braso pero hindi man lang siya gumalaw.

"Bakit 'to tulog?" Tanong ko sa sarili.

"Rhui," inuga-uga ko siya para magising pero gumalaw lang siya, tulog pa rin.

Hindi ko na ulit siya kinalabit at hinayaan na lang siya roon na matulog. Aalis na ako! Mamaya makita niya pa rito tapos sabihin niya pumasok ako nang walang pahintulot!

Binuksan ko na 'yung pinto at nakatapak na ako sa labas nang bigla kong marinig ang boses ni Rhui.

"Where are you going?" Antok na tanong niya.

Humarap ako sa kaniya at kumunot ang noo nang makita na nakahiga pa rin siya at nakapikit ang mata. Bumalik ako sa loob at hinarap siya.

"Gising ka?" Sinilip ko ang mukha niya para masigurado na gising nga siya.

Unti-unti ay iminulat niya ang mata at tumingin sa akin. "Gising ka na?" I asked again, making sure that he was awake.

He nodded. Naupo siya kaya lumayo ako nang konti. Baka bigla siyang magalit dahil ginising ko siya. May mga ganoong tao pa man din, bigla-bigla nalang nagagalit kapag nagising sila.

"Are you going home?" Tanong niya. Pinadaan niya ang mga daliri sa buhok niya atsaka tumingin ulit sa akin.

"Oo," pabalang kong sagot. "Bakit ba kasi ako nandito?" Mahinang tanong sa sarili.

"You don't remember?" Agad kong sinalubong ang tingin ni Rhui nang sabihin niya ang mga katagang 'yon.

"Ang alin?" Nagkibit-balikat lang siya at tumayo na para pumunta sa CR.

Wala akong sinayang na panahon at kaagad siyang sinundan. Gusto kong malaman kung ano 'yung sinasabi niya! Mamaya may kahihiyan pala akong ginawa kagabi tapos hindi ko man lang alam!

When he entered the bathroom, I quickly blocked my hands at the door since he was trying to close it. Gusto kong itanong sa kaniya kung paano ako napunta rito.

"What?" Tanong niya, nakakunot ang noo.

I arched my eyebrow, looking straight at his eyes. "Bakit ako nandito?" Tanong ko ulit.

"Just wait, okay?" Umirap ako bago lumabas ng bathroom para bigyan siya ng privacy.

Nanatili ako sa may sala at nakaupo habang hinihintay siyang matapos. Nasa ganoon akong posisyon nang marinig ko ang pagbukas ng pinto kaya kaagad akong napatingin doon.

Diving in Love (Tale of Love Series #2)Där berättelser lever. Upptäck nu