Chapter 19

17 0 0
                                    

"Why are you blushing?" Rhui's eyebrows furrowed while waiting for my answer.

Umiling ako, hindi malaman kung anong sasabihin sa kanya. Takte naman! Nakaupo ako sa table ko at hinila niya ang swiveling chair niya para maupo sa harapan niya.

"Lunch?" Napansin niya siguro na naiilang ako kaya iniba nalang niya ang tanong.

Hinarap ko siya. "Ganyan ka ba talaga sa lahat ng babae na nakakasama mo?" Kumunot ang noo niya. "Ganyan..." Tinuro ko siya. "Pa-fall? Are you trying to make me fall in love with you?" Walang prenong tanong ko.

"What? Of course, no. I'm not trying to make you fall in love with me. That's... childish." Parang nahihirapan pa siyang hanapin ang tamang salita.

"Okay... Sabi mo, eh," sabi ko nalang para matigil na ang topic namin tungkol do'n.

"Let's go," he held my wrist and pulled me. Kumain kami ng tanghalian sa malapit lang na restaurant sa building namin.

Naging ganoon na ang routine namin. Yayayain niya akong mag-lunch at minsan sabay pa kaming mag-breakfast. Hindi ko alam kung anong namamagitan sa amin. Kahit si Kuya Romel ay tinatanong na kung anong meron sa amin. Hindi namin masagot.

That's one of the questions na mahirap sagutin or nahihirapan lang kami kasi hindi rin namin alam. Kahit na ano pa man sa dalawa, natatakot ako.

"Huy, nandito ka?" Tumingin ako kay Ference na papasok ng kusina.

"Wala," sagot ko naman. Tumawa lang siya at pumunta sa refrigerator. Kinuha niya 'yong isang malaking ice cream doon tsaka kumuha ng baso.

"Gusto mo?" Tanong niya. Umiling naman ako at ipinakita sa kanya ang hawak ko, 'yung kape.

"Ikaw lang nandito? Si Annikah?" Nagsimula na siyang kumuha ng ice cream at inilagay sa baso niya.

"Wala. Sarado na 'yung bahay noong umuwi ako. Wala akong dalang susi kaya dito na lang ako umuwi. Ayoko naman na gisingin pa sila," pagpapaliwanag ko sa kaniya.

Tumango-tango lang siya at nagsimula nang kumain ng ice cream. Ako naman ay nagkape na rin. Tahimik lang kaming dalawa sa harap ng mesa. Nang maubos ko 'yung kape ay hinugasan ko na rin kaagad 'yung ginamit kong baso para hindi na matambak pa 'yon.

"Dapat iniwan mo nalang d'yan," sabi ni Ference.

"Hindi... Ayos lang," ngumiti ako sa kanya. "Akyat na 'ko, huh," paalam ko sa kanya.

"Uhm... Jilyn," hindi pa ako nakakalayo ay tinawag niya kaagad ako.

I raised my eyebrows, asking him. Mukhang nag-aalangan pa siyang sabihin 'yung gusto niyang sabihin. He looked nervous.

"Bakit?" Bumalik ako sa upuan ko kanina at tinignan siya. Baka kasi importante 'yung sasabihin niya.

"Ganoon na ba kayo ka-close ni Rjay?" Tanong niya nang hindi ako tinitignan. Nakatingin siya sa kinakain niyang ice cream.

"Bakit mo naman natanong?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Sobrang random niya. Akala ko pa naman mahalaga 'yung sasabihin niya. Hindi naman pala!

"Na-kwento kasi ni Yaj... Close daw kayo," napaisip kaagad ako sa sinabi niya.

Sa sandaling 'yon, gusto kong sabihin kay Ference 'yung mga nararamdaman ko para matanong siya kung tama ba 'yon. Gusto kong hingin 'yung opinyon niya. Tinignan ko siya nang maigi at napabuntong hininga.

"Paano kapag ano..." Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Ference! Hindi naman ako nahihiya. Baka lang kasi sabihin niya sa tatay ko o kaya kay Annikah! Edi magtatanong 'yong mga 'yun sa'kin. Ayokong mag-kuwento!

Diving in Love (Tale of Love Series #2)Where stories live. Discover now