Chapter 05

13 0 0
                                    

"Dadalhin mo ba lahat ng gamit mo?"

Tinignan ko si Annikah habang nilalagay 'yung ibang mga gamit niya sa box. We're currently getting her stuff here at our mother's house. Doon na siya sa titira sa amin ni lola dahil gusto niya na raw roon. Our mother agreed on it, dadaan nalang kami sa bahay ng tatay namin na noon pa man ay payag na na tumira sa amin si Annikah.

"Oo, ate. Kunin mo na lahat, 'di naman na ako pupunta rito, eh." Mahinang sabi niya at ngumiti sa akin.

Tumango ako at ipinagpatuloy ang ginagawa. Lahat ng makita ko sa loob ng kwarto niya ay nilalagay ko sa box. Kanya naman lahat ng gamit na nandito, eh.

Matapos naming makuha lahat ng gamit ay tinawagan ko si Wyne. Sabi niya kasi kapag lilipat na raw si Annikah ay siya na raw ang bahala, basta tawagan ko lang siya. Mabait 'yon, 'di lang halata.

"Hello?" Bungad ko nang sagutin niya ang tawag.

"Ano?!" Pasigaw na sagot niya. Akala naman nito bingi ako!

"Lilipat na si Annikah sa amin, tutulungan mo kami sabi mo, 'diba? Nasaan ka ba?" Tanong ko at naupo sa kama na ngayon ay hinihigaan ng kapatid ko.

Napagod yata.

"Nasa bahay namin. Teka lang, kukunin ko lang susi ng kotse ko." Narinig ko ang pag-akyat niya ng hagdan kaya hinayaan ko na lang. "Mama! Alis na ako! Babalik ako, ha!" Rinig kong sigaw niya.

"Otw na ako, text na lang kita kapag nasa tapat na ako ng bahay. Bye!" He immediately ended the call after that. Ni hindi man lang akong pinag-salita!

"Ano, ate? Papunta na si Kuya Wyne?" Annikah asked so I nodded.

Nasa baba lang sina mama kasama 'yung asawa niya at anak na dalawa. 'Yung isa mas bata sa akin ng dalawang taon at 'yung isa naman ay halos kasing-edad lang ni Annikah. Dalawang babae 'yon.

Mabait 'yong dalawang 'yon pero ayoko ng ugali ng tatay nila. Napaka-bossy. Sa totoo lang, sa amin 'tong bahay pero imbis na kami ang tumira ay sila ang nakinabang.

Ayos lang naman, edi sa kanila na. Wala naman na akong magagawa.

Natigil ako sa pag-iisip nang nag-vibrate ang cellphone ko.

From : Wyne
d2 na aq, madam

Hindi pa ako tuluyang nakakababa ay nag-text ulit siya.

From : Wyne
kita q sa pwesto q ang cute mong dadi

Ngumiwi ako sa sinabi niya at nagmadaling bumaba.

Nakasalubong ko 'yung bunsong anak ng asawa ng mama ko. She just smiled at me pero hindi ko 'yon pinansin. 'Di naman siya ang pinunta ko rito. Nadaanan ko rin ang tatay niya pero hindi ko rin pinansin. Bahala sila. Hindi ko naman sila kaano-ano.

Kinatok ko ang salamin ng bintana ni Wyne nang marating ang kotse niyang nakaparada sa harap ng gate.

"Gago, bababa na sana ako kaso nakita ko 'yung kintab ng ulo ng cute mong daddy," hininaan niya ang boses dahil baka marinig 'yon.

"Tarantado ka. Basher ka ba niya?" Natatawang sabi ko at naunang pumasok sa loob.

Nakita ko ang pagtingin ni Tito Fred kay Wyne kaya hinila ko kaagad siya paakyat. Baka kung ano pang sabihin no'n kay Wyne.

"Tangina naman nito, ah! Muntik na akong masubsob!" Sigaw sa akin ni Wyne nang marating namin ang taas.

"Nakatingin kasi sa 'yo si Tito Fred, tatanungin ka lang ng kung anu-ano nu'n," pumasok ako sa loob ng kwarto ng kapatid ko at nakita ko siyang nagce-cellphone.

Diving in Love (Tale of Love Series #2)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα