Chapter 06

12 0 0
                                    

"Ang aga mo naman?"

Tinignan ko si Annikah, nakakunot ang noo. Ang aga niya kasing gumising. Alas cinco pa lang ng umaga. Dati naman ay hindi siya gan'yang ka-aga na gumising noong magkakasama pa kami nina Mama.

"Good morning, huh? Ate?" She sarcastically greeted me but she just laughed after that.

"Wala bang good morning muna d'yan?!" Tanong niya, mas malakas na ang boses ngayon pero halata namang nagbibiro lang siya. "May leadership training kami today kaya maaga ako," sabi niya at ngumiti sa akin.

Tumawa siya nang mahina at tinanggal ang saksak ng rice cooker.

"Nagluto ka?" Kunot noo kong tanong, hindi makapaniwala.

"Yes naman! Marunong ako, 'no!" She proudly replied and smirked at me.

Umirap ako sa kan'ya pero tinawanan niya lang ako. "Si Lola?" Tanong ko at tinignan ang ginagawa niya.

Kumuha siya ng kanin, mukhang magsasangag siya dahil may nakita akong lutong hotdog at itlog na hiwa na sa maliliit na piraso. Siyempre, ilalagay niya 'yon doon, paborito niya 'yon, eh!

"Nasa labas, nagdidilig." She said so I just nodded.

"Ako na riyan," sabi ko at akmang lalapit na pero humarap siya sa akin at sumenyas na tumigil ako.

"Hep! Diyan ka lang!" Pagpipigil niya sa akin. "Ako na! You know, it's my dream," she rolled her eyes and smiled proudly.

"Anong dream naman?" Nakangiting tanong ko.

"To be a chef! Gusto kong magluto, 'no! Maganda kasi magtrabaho sa kusina," pagmamalaki niya kaya hinayaan ko nalang siya dahil parang nag-eenjoy naman siya sa ginagawa niya.

"Ate, may tanong ako," aakyat na sana ako para iayos ang susuotin kong damit pero agad na nagsalita ang kapatid ko.

"Ano?" Humarap ako sa kanya at nameywang.

Nanliit ang mata niya sa akin at ngumisi. "May boyfriend ka na ulit?" Tanong niya. "Hindi ba si Kuya Charlie pa 'yung huling boyfriend mo? Ang bata ko—"

"Hoy!" Agad ko siyang pinutol sa sasabihin niya. Napaka-daldal talaga nito kahit kailan! Ni hindi mapigilan ang bunganga!

"Sinong may sabi sa 'yong naging boyfriend ko si Charlie?" Nilakahin ko ang mata ko pero nagkibit-balikat lang siya.

"Duh! 'Di ba nga? Ipinakilala mo siya sa akin noon—" Ngumiwi ako sa kaniya kaya napatigil siya sa pagsasalita at tumawa.

"Anyway, nakita ko kasing may naghatid sa 'yo last week. Hindi ko lang naitanong kasi nalilimutan ko pero naalala ko na ngayon. Naka-kotse! Mukhang yayamanin!" Ngumiti siya sa akin at nilagay sa plato 'yung niluto niya.

Napatigil ako sa sinabi niya at tinignan siyang mabuti, hindi alam ang sasabihin. Nakita niya 'yon?! Hindi naman siguro niya nakita si Rhui, 'diba?!

"Feeling ko pogi 'yong lalaki kasi nakita ko 'yung side view niya pero gabi na kasi no'n kaya hindi ko masyadong nakita," pagkukwento pa niya.

Kumuha ako ng mga plato namin at nilapag sa mesa. "Wala 'yon," umiling ako at naupo na.

"Sus! Wala raw!" Sigaw niya, naglalakad papunta sa labas. "Lola, tara na po kakain na." Rinig kong tawag niya kay Lola Vicky.

We just ate our breakfast while having some conversation. Matapos 'yon ay nag-ayos na rin kami ni Annikah para pumasok.

"Bye, Ate! Ingat!" She waved her hand as she went out of the taxi.

Ngumiti ako sa kanya at kumaway rin. Natawa pa ako dahil may dala siyang iba pang mga gamit na gagamitin daw nila sa leadership training.

"Ma'am, ang bibo po ng kapatid niya, 'no?" Napatingin ako sa driver nang magsalita siya kaya lalo akong napangiti at tumango.

Diving in Love (Tale of Love Series #2)Where stories live. Discover now