Chapter 34

20 0 0
                                    

"'Nay, huwag pong kalimutan... tumatanda ka na kaya ingatan ang katawan at kalusugan." Paalala ni Tita Tonet kay Lola Vicky. 

Nasa terminal kami ng bus ngayon, pauwi na sa Maynila. Hinatid lang kami nila Tita Tonet at Tito David. It's been three weeks since Anthony left for Manila at ngayon kami naman. 

"Jilyn, ingat kayo. Sabihin mo sa papa mo na bumisita rito minsan." Hinarap niya ako at niyakap. 

"Thank you, tita." Naramdaman ko ang pagtapik niya sa likod ko. 

Saglit pa silang nag-usap na tatlo bago kami tuluyang pumasok sa loob ng bus. Isang oras na paghihintay lang naman ang tinagal ay umalis na kami. It took us almost 16 hours to arrived at Manila. 

"Ano'ng pasalubong?" Ayan na ang hayop na si Ference. Siya ang inutusan ng tatay ko na sumundo sa amin sa terminal. 

"Walang para sa'yo," binara ko agad siya. 

"Ouch," umakto siya na parang nasaktan bago kinuha ang mga gamit namin at inilagay sa compartment ng kotse niya.  

Umalis kami agad matapos mailagay lahat ng gamit namin sa kotse. Sa unahan ako naupo at sa likod naman si lola. 

"Musta bakasyon, 'La?" Nag-usap lang silang dalawa habang nasa biyahe. Habang ako ay tahimik lang na pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin. 

Sa loob ng kulang dalawang buwan na nasa probinsya ako, kahit papaano ay nakaramdam ako ng pahinga na hindi ko naramdaman dito sa Manila simula noong nawala si Annikah at pakiramdam ko ready na ulit akong makipagsabayan sa agos ng buhay. Ready na ulit akong magpatangay sa kagaguhan na ibabato sa akin ng mundo kasi ganoon naman siya lagi sa akin, puro pagdudusa ang ipinaparanas. Wala akong naalalang pagkakataon na pinaboran ako ng mundo. Ang mga naalala ko lang ay ang paghihirap na ipinaranas niya sa akin sa tanang buhay ko.

"Hoy, nandito na tayo," naramdaman ko ang paghampas sa akin ni Ference. Bumalik ako sa katinuan ko dahil sa ginawa niyang 'yon. 

Tumayo ako at nakita na nasa bahay na talaga kami. I used to expect na may sasalubong sa akin but there were none. I smiled bitterly as I realized what was on my mind. Wala na talagang sasalubong sa akin dahil wala naman na si Annikah.

"Musta byahe?" Tanong ni Tita Flor nang makarating kami sa sala. It looks like she went to kitchen dahil naka-apron pa siya. "Nagugutom ba kayo? Nagluto ako, kain muna kayo." Ah, galing nga sa kusina.

"Magpapahinga po muna ako," sabi ko pero agad akong pinigilan ni Ference.

"Uy, nag-bake si Mama ng donut. Ayaw mo?" Ipinakita niya pa 'yon sa akin at ngumiti na parang nang-iinggit. Pumunta ako sa pwesto niya at kumuha ng isa. Hindi ko matanggihan 'yon dahil favorite ko talaga ang donut.

Kumagat ako ng isa. "Pahinga po muna ako." Ngumiti ako sa kanila at umakyat na sa kwarto ko.

Naligo lang ako saglit bago tuluyang humiga para matulog. The next day, I don't know how will I continue to live here in Manila again. Wala akong trabaho, wala naman akong ibang gagawin. Hindi ko alam kung saan na naman ako magsisimula. Sa huli, napagdesisyunan ko na lang na bisitahin ang puntod ng kapatid ko dahil dalawang buwan na rin ang lumipas noong huli ko siyang pinuntahan. 

Dumaan ako sa flower shop bago tuluyang dumeretso roon. Nang makarating ay inilapag ko ang bulaklak at tinanggal ang mga tuyong dahon na nakaharang sa pangalan niya.

Umupo lang ako nang tahimik habang dinamnaman ang hangin sa pwesto ko. Hindi ako nagsalita, I just sat down there silently. Wala akong sinabi, hindi ako nagkwento, at hindi ako nagsalita. Gusto ko lang pumunta rito para makapag-isip nang payapa at tahimik. Ilang oras akong nakaupo roon habang pinagmamasdan ang kulang asul na langit, tahimik na pinag-iisipan kung ano na ang gagawin ko sa buhay ko. Tahimik na pinagninilayan ang mga nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraan. 'Yung saya, lungkot, at mga sakit na pinagdaanan ko na parang pinaglalaruan na lang talaga ang buhay ko. 

Diving in Love (Tale of Love Series #2)Where stories live. Discover now