Chapter 3

4.1K 118 12
                                    

"What took you so long Cassidy? Patapos na kami tapos ikaw kakarating lang. Seriously?"

Seryosong mukha ni Rajim ang bumungad sakin pagpasok sa meeting room sa DPO. Natatawang lumapit ako sakanila habang umopo sa gilid na swivel chair.

"Sorry na , may inaasikaso lang akong mga bata."

"May anak kana teh? Kailan pa? Bakit di namin alam? Di mo naba kami mahal?"

Mabilis na tinapon ko ang ballpen sa mukha ni Leon na parang tangang seryosong nagsalita sakin. Sa sexy kong to pagkakamalan akong may anak?

"Tigilan mo'ko Leon baka di kita matantya."

Napatingin naman ako kay Jazer na tumawa sa harap ko na sinabayan naman ni Leon. Oh mga tanga umaandar nanaman.

"Enough. Let's discuss your concern later Cassidy dahil may importante pa tayong paguusapan."

Umayos naman ako ng upo nang magsalita na si Rajim. Nakaupo kami sa long table, nasa harap naming dalawa ni Zayah sina Leon at Jazer, nasa gitnang dulo naman si Rajim nakaupo. Siya ang nagsisilbing Commander naming apat kahit may kanya kanya kaming hinahawakan na mga taohan. Hand ang code name ko, pati ang mga taohan na under sakin ay may simbolong maliit na kamao na nagpapahiwatig na ako ang may hawak sakanila.

"Read the files. Tinatamad akong mag explain."

Napangiwi ako sa sinabi ni Zayah habang inaabutan ako ng folder. A new construction?

"Para saan to? Mag tatayo ulit tayo ng building?"

Tinanguan lang ako ni Rajim kaya naman ay iniscan ko ang loob ng folder. Exact locations, a date of construction.

"Sakto na yung mga tao sa building natin sa batangas kaya need pa natin ng bago para sa mga bata at pamilyang mahihirap." sabi ni Jazer kaya naman ay napangiti ako sa sinabi nila.

Aminado naman akong demonyo kaming lima sa ibang paraan pero di naman kami madamot sa pagbibigay ng tulong sa iba.

"Speaking of mga bata. Zayah ikaw na bahala sa pag process sa pagaaral ng mga bagong dinala ko sa Charity House 19."
sabi ko dito kaya naman ay tinanguan lang ako bago kinalikot ang telepono nito.

Ilang oras pa kaming nagusap at nagplano sa mga susunod naming gagawin at ipapatayo. Nagkanya kanya narin kaming umalis mga bandang alas 6 ng gabi.

Bago ako dumiretso sa bahay ay nagpunta muna ako sa Charity House 19 para i check ang kalagayan ng mga bata dun.

"Ate Cass!!." nakangiting sinalubong ko ang iilang bata na nandito mukhang kakatapos lang nila kumain.

"Ate tingnan mo po ang linis ko!!"

Nakangiting nilapitan ko si Lara na kakarating lang at malinis nanga ito. Nawala narin yung mga dumi sa mukha niya. Napatingin naman ako sa ibang batang sumunod sakanya , ang lilinis na nila.

"Ang gaganda at gwapo niyo na. Simula ngayon dito na kayo titira ha? Bibisita ako rito pag hindi busy si Ate okay??"

Nagsihiyawan naman sila at nagtatalon. Napangiting pinagmamasdan ko lang sila habang may dala dalang laruan.

"Nay Linda kamusta po? Di po ba kayo nahihirapan?" tanong ko sa kakarating palang na mayordoma rito sa Charity House. Maraming maid ang inassign ko rito para maraming magbantay sa mga bata.

"Ayos lang ijah, normal lang sa mga bata ang pagiging makulit."

Nakangiting tumango tango ako sakanya. Pinagusapan pa namin ang ibang concern nya na agad ko naman tinugon.

Mga alas 8 na nang makauwi ako sa bahay. Mukhang nandito na ang mga magulang ko dahil may classical music akong narinig.

"Hey ijah i miss you. Saan ka galing??"

Embracing my SerotoninWhere stories live. Discover now