Chapter 23

2.4K 75 7
                                    

"Form a line. Before we start the trial and orientation, let's have an introduction first. Just state your name and course"

Mukhang siya ata yung in charge dito. Tahimik na naka linya lang ako habang nagmamasid sakanila.

Nagsimula na silang magpa kilala sa isa't isa pero wala roon ang atensyon ko kundi sa net. Bakit tagilid yung net?

"Lia K. Labrador, nursing student"

"Jacel A. Arcala, nursing student"

"Avon Jade Razaga, nursing student."

Nakatitig lang ako sa net, tagilid talaga. Di man lang ba nila tiningnan ito?

"Next? Who's next?."

Napalingon naman ako nang kalabitin ako ng katabi ko. Ako naba? Diko napansin.

"Cassidy , architecture." matipid na tugon ko tsaka tiningnan ang naka incharge. Nakatingin lang ito sakin , ano dipaba siya magpapatuloy?

"Psst Cassidy, I'm Laren."

Napalingon naman ako sa katabi ko nang kalabitin ako nito. Nginitian ko naman ito tsaka tinanggap ang kamay nitong naka lahad sakin.

"Ang ganda mo pala sa malapitan." saad nito na ikinatawa ko. Nangbola panga ouh.

"Wala akong piso pambayad ng ganyan Laren." natatawang saad ko sakanya kaya naman ay nagtawanan kami pareho.

"We only have 3 days to prepare. Sa friday ang competition. You will face different athletes from other universities so do your job well."saad ng adviser namin sa volleyball. Naginstruct pa ito sa mga kakailanganin na dalhin kagaya nlng ng extra shirt na nakalimutan ko potek.

"For the first trial. Jump as high as you can in the net. Fail to meet the expected measurement will be kicked out."

Nagsimula na ang first trial and so far maayos naman, anraming naka pasa at syempre pati ako nakapasa rin.

"Your 2nd trial is simple. Just spike."

Ilang minuto na nagsimula pero lima na ang natanggal. Kailangan malakas yung spike mo para maka pasok. In my case, hindi na problema sakin yun dahil spiker ako.

Napangiti ako nang makapasa si Laren. 2nd to the last ako kaya naman ay inenjoy ko lang ang panonood.

Yung dalawang masungit ay nakapasa rin. Napatingin naman ako nang yung Avon na yung tinawag.

She's not bad. Hindi man ganoon kalakasan yung spike niya pero may control siya sa target niya. How could she change the coordinates? Alam kong alam rin ni coach na nasa harap dahil napatango tango ito. She's good.

"Next will be Cassidy."

Hinanda ko naman ang sarili ko. I saw Laren cheered for me through my peripheral vision.

I'm already done with this kind of stuffs. I think i will just do good. I step back a bit at hinintay ang tiyempo then i hit the ball.

Natumba naman yung blocker sa pag spike ko. Luh siya hininaan ko nanga yun.

"Hoy gaga ka ang galing mong magspike! Dati kabang player??" nginitian ko lang si Laren sa sinabi nito. Napatingin ako sa ibang nandito nang magtagpo ang paningin namin ni Avon. Walang reaction ang mukha nito.

"Let's stop here. I will announce the results later but before that. I would like you all to introduce the Head Coach for the team."

Nabaling ang atensyon ko sa adviser namin sa team habang nagpupunas ng pawis. Bigla namang bumukas ang pinto sa gym kaya napunta ang tingin namin doon.

Embracing my SerotoninWhere stories live. Discover now