Chapter 5

3.7K 93 4
                                    

Palundag lundag na lumabas ako ng kwarto matapos ko magising. Ang ganda ng mood ko tangina.

"Goodmorning Caellum!"

Napatigil naman ito sa pagsimsim ng kape at nag angat ng tingin sakin. Nakakunot lang ako nitong tiningnan.

"What's wrong with you?" malalim ang boses nito habang sinisipat ang kabuoan ko. Naka dora na pajama at shirt lang ako na lumabas sa kwarto.

"Wala lang ."

Tumayo naman ito dala ang dyaryo at pumasok sa kusina. Mga ilang minuto pa ay bumalik ito na may dalang kape sa kamay at walang reaksyon na nakatingin sakin palapit.

"Hindi ba masakit ang ulo mo?" tanong nito at bumalik sa upoan niya sa dulo.

"Di naman marami yung ininom ko kaya hindi sumakit."

Tiningnan lang ako nito saglit at pinagpatuloy ang pagbabasa. Di ko tuloy maiwasang maalala ang nangyare bago ako nakauwi ng bahay.

I was playing my car keys nang mamataan ko ang babae kanina na mukhang aalis na rin. Pumasok ako sa kotse ko para sana umuwi pero di ko alam anong nangyari, i just found myself following her car.

Huminto ito sa isang Cafè habang hawak ang cp nito. Kanina pa siya hawak nang hawak sa cp niya. Siguro pag ninakaw ko yun iiyak yun. I chuckled by my own thoughts, siraulo ka Cassidy.

"Mocha and blueberry cake please."

Napalingon ako sa paligid after ko sabihin ang order ko. Kunti lng ang mga tao dahil sobrang gabi na rin. Namataan ko naman ang babae kanina na nakasandal sa upoan malapit sa may bintana.

Mabilis na lumapit ako. Napaangat naman ang tingin nito nang umopo ako sa harap niya at nakangiting tiningnan ito.

Nakakunot lang ang noo nitong tiningnan ang mukha ko. Naglakbay naman ang tingin nito sa katawan ko na ikinangisi ko. Walang reaksyon na bumalik ang tingin nito sa mata ko, para akong malulunod sa tingin na binibigay nito sakin.

"Pwede maki upo?" nakangiting sabi ko rito. Naka crossed legs lang ito at nagscroll sa cp niya. Sungit naman.

"You're already sitting" walang ganang tugon nito sakin kaya naman ay napangiti ako sa asta nito.

Tinapik tapik ko ang mga daliri ko sa mesa dahil nabobored na'ko kakahintay sa order ko.

"Stop. You're distracting me." malamig na sambit nito at nilapag ang hawak na kape nito sa mesa. She tilted her head at taimting tumingin sakin.

Nagpasalamat ako dahil sa pagdating ng isang staff para sa order ko . Di ko kinakaya ang mga tingin niya tangina parang nilulunod ako.

Mabilis na sumimsim ako at tumingin sa labas ng bintana. Ramdam ko ang mga mata nitong sinusuri ang mukha ko.

"Stop staring will you?" naiinis na turan ko dahil kanina pa siya nakatingin, parang gusto ko nalang umalis. I don't even know why i'm following this woman.

"Why would i stare at you? I'm staring to that kid."

Parang gusto ko nalang lumubog sa kahihiyan nang tinuro nito ang isang bata na nakahiga sa may karton. Pati rito meron rin?

I just rolled my eyes to her at kinain yung cake sa harap ko. Pasimple ko naman itong tiningnan na nakatingin pala sakin kaya mabilis na binaba ko ang tingin sa kinain. Hindi raw ulol.

Kinuha ko ang cp at tinext si Rico na damputin ang bata rito para makatulog ng maayos.

"Why are you following me?"

Nagtaas ako ng tingin dahil sa sinabi niya kaya naman napatigil ako sa pagsubo. Nahahalata niya ba?? She should ask my inner self dahil hindi ko rin alam.

Embracing my SerotoninWhere stories live. Discover now