Chapter 40

3.1K 89 12
                                    

I feel like the world stopped for a bit when i heard a gunshot. Mabilis na napamulat ako ng mata nang wala akong maramdamang sakit. Napatingin ako ng sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko.

"Fuck, magsikalat kayo!", napalingon ako sa naghehestirical na mukha ni Keisha. Naramdaman ko naman ang pagluwag ng mga nakatali sakin kaya kinuha ko ang oras para kalagan ang sarili ko.

"Pull the fucking trigger Alex, kung ayaw mong pasabugin ko ang pamilya mo!", nanginginig na nagpalipat-lipat ang tingin sakin ni Miss Alex at sa pamilya niya.

Dahan-dahang lumapit naman si Miss Alex sakin habang hawak-hawak ang baril nito. Nginitian ko lang ito ng tipid, napakagat ito sa labi niya at halatang pinipigilan na magpakita sakin ng emosyon.

Napatingin ako kay Keisha na palipa-lipat ang tingin nito sa may pintuan at sa amin. When miss Alex was about to pull the trigger, mabilis na binaliktad ko naman ang pagkakahawak nito sa baril at inagaw ito. Walang pagdadalawang isip na pinaputokan ko si Keisha sa may paa nito na ikinadaing niya.

Tinadyakan ko naman ang sikmura nito at pinatid palayo ang baril nito. Patuloy parin ang putok na nangyayare ata sa baba ng building na'to. Sunod-sunod na pinaputokan ko naman ang mga natitirang tauhan nito.

"Damn you Cassidy! Pagbabayaran mo'to!" , parang nababaliw na ito habang hawak-hawak ang tama niya. Galit na galit itong nakatingin sakin.

Napalingon naman ako sa kinaroroonan ni Miss Alex. Gulat na nakatingin lang ito sakin. Di paba siya kikilos?

"What are you waiting for? Kalagan mo na sila pochie!", ngayon kang ata nito napagtanto, mabilis na lumapit ito sa kinaroroonan nila pochie atsaka ito kinalagan.

Nilapitan ko naman si Keisha at dinaganan ito. Malakas na sinuntok ko ang mukha nito. " I will never let you live! Fucking eat my fist, you psychopath."

"Cassidy stop it! Mapapatay mo yan!", hinihingal na tumigil ako nang higitin ako ni miss Alex. Tangina papatayin ko talaga siya!

"Umalis na kayo." , malamig na sambit ko at tinalikuran sila. Hindi ko parin nakakalimutan ang mga siniwalat ni Keisha sakin. Why did she lie?

"Cassidy makinig ka muna kay Alex.", nabaling ang tingin ko kay sir Kairon na may pangungusap ang mata. Binigay naman nito ang bata kay miss Alex.

Nagulat ako nang bigla itong lumapit sakin at niyakap ako. Nagtatakang tiningnan ko si Miss Alex nang nginitian ako nito ng tipid.

"I'm sorry. I didn't mean to go in your way with Alex. I know she likes you, no, she actually love you. Naipit lang siya Cassidy."

Nagtatakang tiningnan ko lang si Miss Alex nang magiwas ito ng tingin sakin. Hindi ko alam ang mararamdaman ngayon. Ang hirap sakin paniwalaan na mahal ako ng taong mahal ko.

"I'm sorry if i di--", nanlaki ang mata ko nang may putok ng baril akong narinig. Nanginginig na napatingin ako kay sir Kairon nang bumigat ang katawang nakayapos nito sakin. Mabilis na nilingon at pinutok ko naman ang baril kay Keisha. Shit not now!

Nanginginig ang kamay na hinawakan ko ito, tangina kahit karibal ko siya, ayoko naman na mamatay siya ng ganito. Alam kong mabuti siyang tao pota.

"T-Thankyou for protecting Alex....I'm s-sorry if i took her away from you, it was never my i-intention." , nagsimulang lumandas ang luhang pinipigilan ko. Napatingin ako kay miss Alex na nakatulalang nakatingin kay sir Kairon habang napaluhod.

"T-Thankyou also f-for saving my wife, L-Liyan....i remember everything now...i-ikaw ang batang mahal na mahal ng asawa k-ko..." , napahigpit ang kapit ko sa balikat nito nang maglabas ito ng dugo. Nanghihina ako sa naririnig ko, this is too much for me.

"Wag ka muna magsalita s-sir, kailangan ka muna naming madala sa hospital" , nanginginig ang boses na sabi ko sakanya pero nginitian lang ako nito. Napalingon naman ito sa gawi ni Miss Alex na umiiyak narin habang hawak ang kamay nito.

"A-Alex...free yourself. I know you really didn't love me. Huwag mo na pigilan ang sarili mo sa nararamdaman mo kay C-Cassidy...Please be truly h-happy Alex...."

Napakuyom ako sa kamao ko nang pumikit ang mata nito. Napayugyog ang balikat ko dahil sa kahahagulhol. Nasasaktan ako. Umiiyak na niyakap ni miss Alex si Andrix na walang kamuwang muwang na nakatingin lang sa ama nito. This is too traumatic for him.

~~~~~~

"Cassidy..." , nakatulala lang ako habang nilalakbay ang daan palabas. Dumating sila Caellum kasama niya si Uno. They were too late. This is all my fault.

Napalingon ako kay Miss Alex na bitbit si Andrix habang ginagabayan sila ni Uno. Nakatulala lang rin ito and i totally understand her.

Di'ko pinansin ang boses ni Caellum at sumakay na sa kotse. I have bruises across in my body, mas marami ang sa wrist ko, probably from the rope awhile ago.

Ilang minuto na ata akong nakatitig sa kawalan. Ginagamot na ako ng mga nurses. I searched for her pero mukhang nasa kabilang kwarto ito. Fresh parin sakin ang lahat ng nalaman ko. Ang gulo ng isip ko, di'ko alam saan magsisimula.

I wanted to ask her everything but i don't want her to think too much because of the scene earlier. Nakita ko rin sina Doc Tan and some other oldies na naka three piece suit ang sumugod sa hospital kanina. Si Caellum ang humarap sa kanila. I couldn't face them yet, kahit baliktarin ang mundo, may kasalanan ako sa nangyare.

"Where are you going?", di'ko pinansin ang boses ni Caellum at naglakad palabas, pero pinigilan lang ako nito.

"Please Cae....I want to see her." , tiningnan pa ako nito ng ilang minuto bago nagbuntong hininga at hinayaan ako. Naglakad naman ako papuntang kwarto nito. Nang buksan ko ito ay nakatagilid ng higa ito.

"Miss Alex...", dahan-dahang lumapit ako sa higaan nito. I heard a tiny sob, it was coming from her. Nasasaktan ako na makita siyang ganito.

"L-Leave me alone." sabi nito habang garal-garal ang boses. Tumabi ako sa higaan niya at niyakap ito patalikod. Mas lalong nalunod ako sa boses nito na umiiyak.

"Tumahan kana...", my hand tightened in her tummy. Pinalingon ko naman ito sa harap ko na pinagsalamat kong sinunod niya naman. Basang-basa ang mukha nito habang malamlam ang mata nitong nakatingin sakin.

"I-I'm sorry Janea....It was all m-my fault."

Naiiyak ako sa nasaksihan ko. Hindi ito ang Miss Alex na kilala ko. Without thinking, i embraced her in my arm. Nasasaktan ako sa boses na nilalabas nito habang umiiyak. Akala ko mas wala ng mas sasakit pa sa ginawa niya sakin pero ngayon, mas nasasaktan ako na makita siyang ganito.

Nilayo ko ng bahagya ang mukha nito sakin at tinitigan ito. I was slowly wiping her tears away. Pulang-pula ang mukha nito. I don't know how to calm her. I just felt my body move and kissed her lips. It was a gentle kiss, a tear suddenly escaped in my eyes. Punong-puno ng emosyon ang dibdib ko.

Tumigil ang umiiyak na boses nito nang tumugon ito sa mga halik ko. She was just gently kissing me. I could taste her tears. A mixture of sweet from her lips and a sour liquid from her tears.

Hinihingal na lumayo ito sakin matapos ang halikan sa pagitan namin. She just stared at me. Nginitian ko naman ito ng tipid. Mukha siyang baby ngayon. Ang cute niya pala umiyak. Napamura nalang ako dahil sa pinagiisip, at kalaunay napangiti nalang.

"S-Stop smiling.", mas lalong napangisi ako nang sinamaan ako nito ng tingin. Ang bilis talaga mag iba sa mood nito.

"I'm sorry. Ang ganda mo kasi bweset ka.", natatawang sambit ko rito habang hinahawakan ang pisnge nito. She just rolled her eyes that made me chuckled.

Mas mabuti pang sinusungitan niya 'ko kesa sa ganito. Kahit papano lumuwag ang nararamdaman ko. Nagkatitigan lang kami dalawa, walang gustong magsalita. Napakaganda niya talaga.

Embracing my SerotoninWhere stories live. Discover now