Chapter 8

2.9K 100 15
                                    

"Hey Cassidy right? I'm Keisha"

Napalingon ako sa katabi ko matapos kong iayos ang gamit ko sa loob ng classroom. It's our first official class.

"Prepare 1 index card , write your complete name and behave yourselves."

Mabilis na napalingon ako sa taong walang emosyon na nagsalita habang naglalakad sa harap at may dalang laptop sa kanang kamay. Naka trouser na black at white long sleeve lang ito habang naka messy bun.

"I want everything done in 10 seconds."

Mabilis na hinalungkat ko ang bag ko para hanapin ang index card. Potangina nasan naba yun?? Nakailang mura nako dahil ambilis nyang magbilang tangina.

"Time's up. Pass it infront."

Napalingon ako sa paligid nang mabilis na nagsilapitan sila sa harap pero ako nakatunganga parin, letseng index card yan.

Nilingon ko naman si Keisha na nakatingin sakin. Aabutan na sana ako nito ng index card nang malakas na tapik sa board ang umalingawngaw dulot ng stick na hawak ni Miss Alex.

Pati ba naman dito professor ko siya? Pinaglalaruan ata kami ng tadhana, mukha niya nakikita ko.

"I won't accept another index card. I'll mark you zero for your attendance."

Pambihira naman. Inikutan ko lang ito ng mata nang mapunta rito yung paningin niya. First day na first day zero ang nakuha ko.

"I'm Professor Alex Lenon Roa your subject teacher in Architectural Visual Communication Graphics. Just call me Prof Alex."

Naglakad ito sa harap ng mesa at sumandal habang naka crossed arms sa dibdib. Seryoso nitong nilibot ang mga mata sa loob ng klase.

"Don't be late, always keep your eyes and ears only to me when i'm discussing and..."

Napalunok naman ako at pinaglalaruan ang mga daliri nang magtagpo ang mga tingin naming dalawa.

"I don't tolerate disrespectful student."

Ako lang ba o inikotan talaga nya ko ng mata. Iniwas ko naman ang tingin dito at sa board nalang tumingin.

"Follow everything i said and we're good. Are we clear?" mariing sabi nito na tinugon naman ng mga kaklase ko pero sobrang hina. Nakakatakot kasi ang aura niya, parang kunting daplis ibabalibag kana.

"Don't make me repeat myself."

"Yes Prof!" sabay sabay na sabi namin pero yung sakin may karugtong na tili kaya naman ay sinamaan ako nito ng tingin.

Ewan ko ba pero parang gusto ko matawa sa mukha niyang nakasalubong ang kilay.

"You at the back stand up."

Napalingon naman ako sa likod at gilid ko. Ako ba tinatawag niya??

"Ako po?" tanong ko rito sabay turo sa sarili.

"Who else? The concrete wall in your back? Should i ask that wall to stand up?" walang ganang sabi nito kaya naman tumahimik lalo ang mga kaklase ko.

"Try mo Prof Alex baka sakaling sasagot" nakangiting sabi ko rito na ikinasama lalo ng mukha niya.

"Are you kidding me right now?"

"Depende po kung yan ang iniisip mo."

Gago ka Cassidy pinagsasabi mong gaga ka. I don't know where did i get the confidence to talk back goodness.

Napabuntong hininga ito na wari ko'y kinakalma ang sarili na wag akong bugahan ng apoy.

"What's your name." malamig na tugon nito. Kumalma na ang mukha nito pero seryoso parin.

Embracing my SerotoninWhere stories live. Discover now