Chapter 15

2.7K 89 16
                                    

"Nasaan kang gaga ka?! Bakit ngayon ka lang tumawag ha! Nagaalala kami sayo alam mo ba yun?! Ikamamatay namin pag nawala ka!"

Mabilis na inilayo ko yung telepono sa tenga ko nang bumungad yung boses ni Leon. Tangina kalalaking tao mas matinis pa sa babae ang boses.

"Ano ba ang ingay mo, tumahimik kanga!"

Napahalagpak naman ako nang inagaw ni Jazer ang telepono kay Leon. Nanghiram ako ng cp kay Caellum tsaka ko tinawagan ang mga kaibigan ko.

"Both of you. Shut the fuck up."

Tumahimik naman ang linya nang magsalita si Zayah. Yan si grandma ginagalit niyo.

"Are you okay? Where's your phone? Bakit di ka namin macontact? Alam mo bang nagaalala kami sayo?" sunod-sunod na tanong ni Zayah sakin. Hindi nila kasama si Rajim ngayon, mukhang may inaasikaso ata.

"Teka nga isa-isa lang atsaka maayos lang ako. Nag out of town lang."

"Yung absent mo sa skwelahan , inasikaso na namin. Alam ko namang di ka aabsent ng walang dahilan."

Napangiti naman ako sa narinig. Maaasahan ko talaga sila. I'm thankful for them.

"Hey your meal is ready. Let's eat first." napalingon naman ako kay Caellum nang magsalita ito. Nakasando nalang ito na puti habang may apron na suot tsaka naka short.

"Si papi Caellum ba yun? Bakit kayo magkasama ha?? Ikaw ha lumalandi kana."

"Ano kaba Leon, sinamahan niya lang ako epal ka issue." inirapan ko lang silang tatlo na tumatawa sakin. " O s'ya sige na call you back paguwi ko ciao."

"How are you? Are you feeling better?" sabi ni Cae habang pinagsasandok ako ng pagkain. Napangiti nlng ako dahil ang aliwalas ng mukha niya ngayon. Hindi siya masungit tingnan.

"Yeah. Thankyou for bringing me here. Himala ata at mabait ka ngayon grandpa?"

Natawa naman ako nang sinamaan ako nito ng tingin. Muntik pakong mabulunan dahil sa kakatawa potek.

"Be careful damn it."

Natigil naman ako nang hawakan nito ang panga ko tsaka tinanggal ang iilang kanin sa bibig ko tsaka ako nito inalalayang uminom ng tubig.

"Ako na , ginawa mo nanaman akong bata bwesit ka." iwas na tumingin ako dito. Ang lapit niya masyado gosh.

"Baby indeed." mabilis na napatingin naman ako sakanya na may mapaglarong ngiti sa labi. Sarap niya burahin, nangaasar nanaman.

Ang init tangina.

....

"Caellum kaninong rest house pala to??"

Tinitingnan ko ng maigi ang mga nag gagandahang mga paintings. Ang husay sigurong arkitekto ang magdesinyo nito, ang ganda kasi.

"Mine."  mabilis na napalingon naman ako rito. Sakanya to??

"Weh seryoso di nga??"

"Do i look like some big clown to you?"

I was laughing by his reaction while he crossed his arms in his chest. Ang tangkad naman ng lalaking to.

"Oo na hindi na, di kasi makakapagtiwalaan yang mukha mo" asar ko pa dito kaya ang prinsipe niyo salubong nanaman ang kilay.

"I bought this rest house 7 years ago. It was actually designed by... nevermind."

Hindi ko alam pero nalulungkot ako ng walang dahilan. Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako o pangungulila talaga yung nakita ko sa mata ni Caellum.

"Stay here. I will just prepare the boat." nginitian ko lang ito habang lumabas na ito sa bahay.

Patuloy lang ako sa pagtitingin sa mga paintings nang may mahagip ang mata ko. It was also a painting pero sa may medyo madilim na parte.

Napagtanto ko nlng ang sariling naglakad palapit sa kinaruruonan nito. Napanganga naman ako sa ganda. Simple lang itong tingnan pero kakaiba ang taglay nito.

May tatlong pigura ng tao ang nakaupo sa painting na nagbobonfire at parehong nakatingin sa buwan. Sa ayos nito mukhang dalawang babae at isang lalaki sa gitna.

Masasabi kong may pinaglumaan na ang pintura pero hindi iyon balakid para hindi makita ang angkin nitong ganda. Titingnan ko pa sana ito nang may mapansing sulat sa may baba.

Reckless Escapade - L.R

Mukhang may karugtong pa ata ito sa likod dahil may mga letra rin pero diko masyadong makita.

"Cassidy, let's go!" rinig kong sigaw ni Cae sa baba. Mamaya ko nalang siguro tingnan yun.

"Come here, let me put this on you."

"Ako na, mukha bang wala akong kamay" inirapan ko ito tsaka sinuot agad ang life jacket. Napatingin naman ako sa mukha nitong nakangiti habang nakamasid sakin

"Anong ngiti² mo jan? Sabog kaba?"

"Nothing. You're such a kid."

Tumalikod ito sakin at bigla nalang naghubad ng sando sa harap ko. Kala mo naman maganda ang katawan. Well pwede na.

"What are you staring at? You're creeping me out Cassidy." He smirked while fixing his hair. Yuck.

"The nerve Suarez. Lumayo kanga, naaalibadbaran ako sa mukha mo. Tabi!"

Nakabusangot ang mukhang sumakay ako sa bangka habang tukmol na Caellum naman ay tumatawa lang. Edi siya na gwapo.

"Saan tayo pupunya Cae?" tanong ko rito nang maka angkas ito sa bangka.

"Sinama mo lang ba ako dito para may taga bitbit ka? Kapal ha." sinamaan ko ito ng tingin nang inabutan ako nito ng tote bag na may mga pagkain tsaka yung cp niya.

"Sort of." walang mudong sabi nito habang nagsaklay sa unahan. Mukha siya modelo sa harap ko, kapal talaga parang nagfleflex ng muscle epal.

"Quit staring. I might melt. " napaiwas naman ako ng tingin nang magsalita ito habang may mapaglarong ngiti sa labi.

"Yung asul na langit sa harap ang tiningnan ko wag ka ngang assuming."

Rinig ko pa ang matipunong tawa nito habang nagsasaklay. Nakakainis talaga yung bibig niya.

Inabala ko naman ang sarili sa pagpipicture ng magandang paligid. Ang peaceful tingnan. Gumaan yung loob ko habang nakikinig sa munting alon ng dagat.

I also took a picture with myself of course pwede bang wala. Sinama ko na rin si Caellum dahil mabait siya ngayon.

"We're already here."

I was a bit shocked. What the fuck. Ang gandaaa. Sumalubong sakin ang tree house na maraming ilaw. Nakapwesto ito sa gitna ng maliit na isla. Hindi ko alam na may ganitong lugar pala ang pilipinas.

" Did you like it??"

Napalingon ako kay Caellum na nakangiti sakin , dahil sa kasiyahan ay niyakap ko ito pagbaba ng bangka.

"hey careful." he chuckled before guiding me to the tree house.

Hindi ko alam pero sobrabg familiar ng lugar sakin. Ang gaan sa pakiramdam. Parang hindi ito ang unang beses na nakapunta ako rito. This place is breathtaking.

"I know you would love this place."

I looked at him , smiling while staring to the tree house. I know his smiling but i could see a hint of sadness in his eyes.

" Cae are you okay??" napahinto naman ito at malamlam na tumingin sakin.

"I am okay Cass. I just miss you....so much."

Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo yung luha ko ng walang dahilan. I felt his hand wiping my tears. Sobrang naguguluhan ako. What is this unknown feeling? Bigla nalang sumakit ang ulo ko. Sobrang sakit.

"Hey Cass! Fuck i'm sorry. Look at me c'mon."

Pahina nang pahina ang boses ni Caellum hanggang sa magsara ang mga mata ko pero bago yun ay narinig ko itong magsalita.

"piccola, per favore, torna a casa"

Embracing my SerotoninWhere stories live. Discover now