Chapter 27

2.3K 75 6
                                    

"You almost rip that ball, you psycho bitch."

Nginitian ko lang si Laren habang papasok kami sa waiting room namin. Kakatapos lang ng laro and we won from the tournament. Her presence really motivates me for the last minutes of the game.I never thought , i would still have an energy to beat our opponent , but hell I am Cassidy Janea! Of course i should win.

Ilang minuto pagpasok sa waiting room ay nagbihis na ako. Magcecelebrate yung team sa bar. Napatigil ako nang biglang may bulaklak na humarang sa mukha ko.

"Take this." sabi ni Caellum habang seryosong nakatingin lang sakin.

"Thank you grandpa." asar na sabi ko rito kaya yung Jazer na nakasunod sakanya anlakas ng tawa. Sinabi rin sakin ni Jazer yung dahilan ng di pagpunta nila Rajim,  Zayah at Leon.

"Di mo naman sinabi Cassidy na may papi chulo ka pala!" asar na sambit ni Laren nang magkanya kanyang labas na yung team kaya napatawa nalang ako sa mga to.

Napatingin naman ako sa babaeng kanina pa nakahawak sa phone niya habang may kausap. She look busy. I really appreciate her effort in coming here despite her busy schedule.

Napalingon ito sa gawi ko kaya nginitian ko ito pero yung gaga inirapan lang ako. Nagkanya kanyang alis na yung team mates ko at napagusapan na 8pm magcelebrate.

"Mauna na'ko beh may gagawin pa'ko" sambit ni Jazer at nagmamadaling umalis.

"Hey congrats."

Nagangat ako ng tingin kay Caellum nang magsalita ito. Napunta naman ang kamay ko sa tenga nito tsaka piningot.

"F-fuck! Let me go! A-arayy!." sigaw nito kaya naman ay napatawa ako ng malakas dito. Wala na tuloy sa ayos ang mukha niya.

"Ang bait mo naman ata ngayon?. Isapa bakit ka nandito aber? Akala ko ba may business meeting ka ha." tanong ko rito at tiningnan ito sa mukha. Ang sama parin ng tingin nito sakin.

"I canceled it." he said while caressing his ear. Ano raw? Nahihibang naba siya? Sabi niya importante yung client niya.

"What?! Bakit mo naman ginawa yun? Akala ko ba importante sayo yun ha." nababagot na sabi ko dito pero wala man lang reaction ang mukha niya.

Nakasunod lang ang tingin ko sakanya na naglagay ng basang damit ko sa bag, seryoso niya lang na ginagawa yun.

"This is more important." he said while staring directly to my eyes. I could feel his sincerity.

"Caellum naman ala-" naputol ang sasabihin ko ng sumabat ito.

"Just shut it Cass." sabi nito habang dinala ang bag ko sa balikat niya. Ano bang iniisip niya? Di ko talaga siya mabasa.

"Continue your quarrels outside."

Napalingon ako kay Miss Alex nang magsalita ito at nilampasan kami ni Caellum. Ako lang ba o talagang bakas yung pagkairita sa mukha niya. Sinamaan ako ng tingin nito kaya diko maiwasng mapalunok.

"Let's eat outside." sambit ni Caellum. Akmang aalis na sana ito nang pigilan ko ang kamay niya.

"Hintayin mo'ko sa labas. May paguusapan lang kami ni Prof Alex saglit." sabi ko rito. Ilang segundo pa itong nakatitig sakin bago napabuntong hininga at nginitian ako.

"What are you still doing here?"

Nagangat ako ng tingin nang magsalita ito. Iba na yung damit niya mukhang nagbihis rin. Lumapit naman ako dito at tiningnan ito sa mukha niyang seryoso lang na nakatingin sakin.

"Thankyou po pala sa pagpunta." nakangiting sambit ko sakanya.

"I just fulfilled your request." sabi nito. Diko maiwasang makaramdam ng sakit dahil sa sinabi niya. Yeah right, kung hindi dahil sa request ko, there's no way na pupunta siya.

"You still remember my condition right?" tanong nito sakin. Oo nga pala. Di'ko maiwasang ngitian ito ng mapakla. I need to help her.

"I'll just text you the venue later for tomorrow." dugtong nito at nagsimula na maglakad. Sinabayan ko naman itong maglakad paalis.

"I need to go." sabi niya nang makalabas kami. Naaninag ko naman si Caellum na nakasandal sa kotse niya habang may kausap sa phone nito. Sininyasan ako nito na maghintay saglit kay tinanguan ko lang ito.

"He's waiting for you." dugtong nito. Hindi ko alam pero nawalan ng emosyon yung reaction niya. She's even avoiding my eyes.

"Take care."

Napatingin lang ako sa papalayong pigura nito at sumakay sa kotse. Napatingin pa'ko sa kotse nitong dumaan sa harap ko pero ni katiting na sulyap di man lang niya nagawa sakin.

I won the game but i felt bad.

"Let's go?" napabalik naman ako sa realidad nang lumapit si Caellum sakin. Nginitian ko naman ito bago tinanguan.

"Where do you wanna go?" tanong ni Cae sakin habang nagmamaneho.

"Are you okay?" dagdag nito habang sinusulyapan ako. Ewan ko ba nawala ako sa mood. Di ko alam anong nangyare nanaman sakin.

Napatigil ako nang huminto ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Napalingon naman ako kay Caellum nang tumingin lang ito sakin.

"I don't want you to force yourself saying you're okay when you're actually not." he said while staring directly at me. Mas lalong binaon ng lungkot ang dibdib ko dahil sa sinabi niya.

"Come here." he released my seat belt and pulled me closer to him. He hugged me and there for no reason.....I could feel my tears flowing in my cheeks.

"I'm just here. Just cry until you feel better."

For a few minute of crying. I closed my eyes. I could feel a soft thing landed in my forehead and i feel safe because of it.

"Ate sa tingin mo po siya parin magiging partner ko?" sabi ko kay ate Liyan habang nakadapa na tinitingnan yung fiance ko.

"Oo naman sa bait ba naman niyan, malas ka talaga pag pinakawalan mo yan." natatawang sabi nito habang nagbabalat ng mangga.

Kinuha ko naman ang kutsilyo sakanya bago nagbalat rin ng mangga. Tiningnan ko naman si kumag na namimitas ng manga sa puno ni Nay Larsa.

"Ouch! Ang tulis naman nyan ate!" napamaang akong napatingin sa daliri ko na dumugo dahil sa kutsilyo.

"You clumsy lady, are you okay?" napaangat ang tingin ko nang kunin ni kumag yung daliri ko tsaka seryoso itong nilagyan ng betadine. Ambilis naman niyang makapunta rito eh nangunguha lang siya kanina ng mangga.

"Dun kanga! Epal ka talaga, kaya ko gamutin yan noe." sabi ko rito pero nginisian lang ako nito. Mangaasar nanaman.

"I can treat you better cara mia, why are you resisting to me?"

Sarap talaga burahin ng mukha niya. Di ko maiwasan mapangiti sa mukha nito. Mahal ko talaga siya kahit ganyan siya. Swerte ng kumag na to.

Napamulat ako ng mata at napahawak sa dibdib ko. Ambilis ng takbo nito. Fuck ano nanamn yun? Ilang araw na pero ngayon lang bumalik sa isipan ko.

Napatingin ako sa paligid. Bakit nasa bahay na'ko? Did i fall asleep? Bumangon naman ako at bumaba na. Naabutan ko si Caellum sa kusina habang naka apron.

"Are you okay? How do you feel? Sit down first." bungad nitong sabi nang makalapit ako rito. Ano kayang niluluto ng isang to.

"Come here. Taste this." napatingin naman ako sa kutsara na hawak niya. Tinola pala yung niluto niya. As expected masarap talaga siya magluto.

"masarap." sabi ko habang nginitian ito. Natigilan naman to habang nakatitig sakin. Tumikhim ito bago hinain yung niluto niya. Tinanggal naman nito yung apron pagkatapos at nakita ko nanaman ang katawan nitong matitigas.

Natigilan naman ito nang pinagsandok ko ito ng kanin. It's my first time doing something like this for him.

"Thank you...." mahinang sambit ko sakanya. Matagal pa itong tumingin sakin bago ako nginitian.

Embracing my SerotoninHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin