Chapter 19

2.5K 89 13
                                    

"Beh ikaw na magpasa nitong project ko kay Prof Alex ha, may emergency kasi sa bahay eh."

Mabilis na napalingon ako kay Keisha nang dali dali itong nagligpit ng gamit habang sa cp parin ang tingin. Bwesit talaga ouh ngayon pa.

"Get 1/4 sheet of paper in 10 seconds."

Nagulantang ako nang may malamig na boses ang biglang pumasok sa pinto. Dali² ko naman kinuha ang litseng 1/4 na yan, potek ayoko na mazero ulit noe.

Matapos kunin ang papel ay tumingin naman ako sa harap na sana di ko nalang ginawa. Sumalubong sakin ang mga tingin nitong para tumutusok sa bunbunan ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko, nagiging abnormal nanaman bwesit.

"No.1"

Mabuti nalang talaga at nakapag advance ako kung hindi nganga talaga ang aabutin ko nito. Isa isa nang nagsipasahan ang mgs kaklase ko pero di ko muna pinasa yung sakin dahil andami pa.

Dahan dahan naman akong naglakad sa harap niya dala ang papel ko. Sasabihan ko nlng rin siya about sa absent ni Keisha.

"ah Prof Alex, si Miss Salazar po pala absent dahil may emergency po" sabi ko sapat lang para marinig niya.

"Stay after class, I have something to give you." she said without even glancing me.

Ilang minuto pa itong nagdiscuss bago matapos. Sa loob ng klase ay di man lang dumapo ang mga mata niya sakin. Hindi ko alam pero nalulungkot ako na ewan.

"Follow me."

Tahimik na nakasunod lang ang tingin ko sakanya. Ba't parang mas tumangkad ata siya, the last time na nakita ko siya? Ang sexy ng likod niya. Naka messy bun ito at naka specs. Ang tangos rin ng ilong , side profile palang sobrang ganda na.

Ilang minuto pa ay huminto na kami sa opisina nito.

"I already checked your papers. Give it back to the class." she nonchalantly said without looking at me.

Tiningnan ko lang ang kamay nitong naka angat habang binibigay ang mga papel pero hindi man lang ako magawang tingnan. Ano bang problema nito?

"Where are you looking at Miss?" sabi ko habang sinusuri ang mukha nitong nasa mesa lang ang tingin.

"Pardon?"

Napangiti nalang ako ng mag angat ito ng ulo sakin. Nakasalubong nanaman ang kilay. Bakit parang anlaki nanaman ng galit niya sa mundo.

"Andami niyo po palang mga libro no? Writer ka rin po diba?." sabi ko habang nakatingin sa iba't ibang libro na naka pile sa deck niya.

"When did you wrote your first story po Miss?"

Nakangiti ko itong binalingan pero nakatunga nga lang ang mukha nito sakin. She was just staring to my face. Natangay naba siya ng kagandahan ko? Joke tumigil ka di kana malandi Cassidy.

"10 years ago."

Sumalubong sakin ang mata nitong puno ng emosyon na hindi ko mawari. Tumikhim ito bago tumayo.

"Just close the door if you're leaving."

Nakatingin lang ako sa pigura nitong nagmamadaling nagpunta sa may pool area ng office niya. Sa sobrang laki ng opisina niya mukha na itong bahay tingnan.

Ilang minuto pa akong nanatili at pinagmamasdan si Prof Alex na nakatunganga sa pool. Anlalim ata ng iniisip niya.

"Kaya ba pool ang tawag sa swimming pool dahil puno na ito?"

Embracing my SerotoninWhere stories live. Discover now