Chapter 9

2.9K 108 14
                                    

We're currently eating in the cafeteria kasama ang mga kaibigan ko. Iba iba kami ng courses na kinuha kaya naman nagkakasabay lang kami sa pagkain.

Inorderan kami ni Jazer ng pagkain kaya naman ay nagkwentohan muna kaming apat dito habang hinihintay ito. Sinundan ko ang mata ni Rajim na nakatingin sa likod.

Parang gusto ko matawa sa nasaksihan ko. Bobo ampota yung kamay sa melon dumapo. Napahalgpak ako sa tawa nang sinampal ni Miss Mendoza si Jazer habang nakahawak parin ang kamay nito sa isa.

"Leon kunin mo si Jazer nagmumukha na siyang tanga." rinig kong sabi ni Rajim dito. Yung tanga naka tulala parin habang hinihila ni Leon dito sa mesa namin.

Nahagip naman ng tingin ko si Prof Alex na walang reaksyon na nakatingin sa gawi namin, kasama niya yung mga kaibigan niya. Inirapan ko lang ito matapos kong maalala ang nangyari nung nakaraang araw.

Binalik ko naman ang tingin ko sa mga kaibigan ko na pinagtatawanan parin ang mukha ni Jazer. Mukha talaga syang timang. Kanina pa kasi nakatingin sa mga kamay nito.

Ilang minuto pa kaming tumambay at nagkanya kanyang lakad na. Vacant namin ngayon wala akong maisip na pupuntahan. Ayain ko nalang kaya silang magmall?? Di ko maiwasang mapangisi nang maalala ang pinagagawa ko noong junior high , andami kong natanggap na sermon kay Daddy dahil sa trip naming magkakaibigan.

Nagchat muna ako sa gc namin na magmall kami mamaya. Sumakay naman ako sa sasakyan at dumiretso sa Charity House 19, bibisitahin ko lang sila Lara. Kamusta nakaya mga yun?

"Ate Cass!!."

Nakangiting sinalubong ko ng yakap ang mga bata na naglalaro sa living room. Ang lilinis na talaga nilang tingnan ngayon. Di ko tuloy maiwasang matuwa nang makita silang masasaya, malayo sa kinagisnan nila.

"Magbihis kayo aalis tayo." nakangiting sabi ko sakanila na ikinahiyaw naman nila. Inanyayahan na sila ng mga care taker dito sa bahay para magbihis.

"Rico magpadala ka ng tatlong van dito sa Charity House 19 and reserve the enchanted kingdom dahil ipapasyal ko ang mga bata. Please spread our men when we get there, i want everything to be properly secure."

Ilang minuto pa akong umopo sa living room nang marinig ang boses ni Nay Linda. Napatigil naman ako nang mapatingin sa kasama nito. What is she doing here??

"Ijah nandito ka pala, bibisitahin mo ang mga bata?"

"Opo ipapasyal ko lang." sabi ko kay nanay habang nakatingin kay Prof Alex na nakakunot ang noo. Mukhang nagtataka ata to bakit nandito ako.

"Nga pala ijah siya yung sinasabi ko sayong nagdonate rito sa Charity House si Ma'am Alex Roa."

Napatango tango naman ako. Siya pala yung sinabi ni Rico nung nakaraan na nagdodonate sa Charity House i see. May tinatagong mamon pala to.

"Ma'am Alex si Cassidy po may ari nitong Charity House."

Bakas ang bahagyang pag gulat nito pero inayos rin nang makitang nakatingin ako sakanya. Ganun naba ako ka demonyo sa paningin niya para magulat sa kabutihang ambag ko sa mundo.

"Ate Cass tapos na po kami!."

Naputol ang titigan namin dahil sa boses ni Lara na nakabihis na ng maayos.

"Mabuti pa Ma'am sumama kana lang sakanila , dadalhin daw sila ni Cassidy sa EK." nakangiting saad ni Nay Linda kay Prof Alex na nakatingin lang sa mga bata at ...nakangiti.

Ilang beses ko pang kinurap ang mata ko. Did she just smile?? Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti. Kailangan ko na atang iharap parati sakanya ang mga bata para ngumiti siya.

Embracing my SerotoninWhere stories live. Discover now