Chapter 21

2.6K 85 9
                                    

"You guys need to choose a sport in the upcoming Sport Fest. Those students who'll participate in the event will be given an extra point , which will be added to your final examination."

Sari-saring boses ang narinig ko sa paligid habang nag aannounce yung adviser namin sa harap. Oo nga pala sa Friday na gaganapin yun. Kailangan ko umattend, sayang rin yung points eh.

"Hoy gurl, saan ka sasali? Sa badminton ako, ikaw?"saad ni Keisha sakin nang makaalis kami sa room.

"Hindi ko pa alam pero nasaisip ko na yung volleyball. Baka sa volleyball nalang ako."

Nagpunta kaming dalawa sa may cafeteria para doon nalang maglunch. Sumalubong samin ang ingay ng mga tao pagpasok.

Nakita ko naman sila Jazer na kinawayan ako. May kasama rin ito.

"Upo ka, may pakilala ako sayo." ngiting sambit ni Jazer sakin. Ano nanaman to.

"Aaron ano na tumayo kana jan, napaka torpe mo."

Nakakunot na tumingin lang ako kay Jazer na may binubulong sa lalaking kasama nito.

"A-ah ano, Aaron nga pala." nahihiyang sabi nito nasa harap ko habang nakalahad ang kamay. Tiningnan ko naman si Jazer na nakalubo na ang pisnge. Bweset na kumag to.

"I'm Cassidy, nice to meet." ngiting sabi ko rito. May sira ba to? Bat nakatunganga lang sa harap ko habang nakatitig sa mukha. May dumi ba sa mukha ko?

"Hoy Aaron yung bibig mo, mahiya ka naman kay Cass." asar na saad ng katabi nito. Apat silang lahat kasama na roon si Jazer. Dalawang lalaki at dalawang babae.

"Hi , Paul nga pala, ito naman si Lauren." saad ng chinito habang nakangiti. Nginitian naman ako ni Lauren.

"By the way, this is my blockmate Keisha."

Nagsiupo na kami habang yung Paul at Aaron yung nagorder ng mga pagkain namin.

"Hoy alam mo ba , matagal kanang crush ni Aaron. Gustong gusto na ipakilala ko siya sayo." sabi ni Jazer sakin kaya naman ay natawa sila.

"Hindi ko nga alam ba't tinamaan yun sayo eh hindi ka naman maganda." nakangising saad pa nito sakin.

Mabilis na ibinato ko naman yung tinidor sa banda niya dahil sa inis , na sana di ko nalang ginawa.

Fuck bobo ka talaga Jazer. I gulped hard when I saw Miss Alex holding the back portion of her head.

Dahan dahan itong lumingon sa gawi ko. Sobrang sama ng tingin nito sakin habang naka igting ang mga panga nito. Parang papatayin na ako sa tulis ng tingin nito sakin.

"What do you think of this cafeteria? A playground?."

Napalunok ako nang maglakad ito ng dahan dahan papunta sa gawin namin. Napalingon naman ako sakanila nang magsialisan ang mga to. Bwesit may plano pa atang iwan akong mag isa rito tangina naman.

"H-hindi po para sayo yun Miss. Ba't ka po kasi nanjan."

Mas lalong kumunot ang noo nito sa sagot ko. Ay tanga Cassidy malamang kumakain yun dun. Napapikit nalang dahil sa katangahan.

"You should take responsibility for this right?"

Napalingon naman ako sa paligid ko nang magbulungan na ang mga ibang studyante. Tangina nakahatak ata kami ng atensyon.

"Alex hayaan mo na, baka hindi lang sinasadya." saad ni Miss Alliyah. Hulog talaga siya ng langit.

"I can't let this kid go Ali. She should know that her actions may harm someone else." malamig na tugon nito sakin kaya naman ay napaiwas nalang ako ng tingin.

"Cassidy what's happening here?."

Napalingon naman ako nang magsidatingan sila Zayah at Rajim. Fuck bakit ba sila nandito. Grabeng kahihiyan na natamo ko.

"Pick that fork." walang emosyon na saad nito sakin habang pinatid ang tinidor na nabato ko sakanya.

"Alex tama na ya-."

"No. She should be taking responsibility for her actions."

Napahigpit ang hawak ko sa kamay ko. I'm really screwed.

"You can lecture and punish her without putting her on shame"

Napalingon ako kay Zayah nang sumabat ito kaya napunta ang tingin sakanya ni Miss Alex.

"I'm not trying to humiliate her if that's what you think." saad naman ni Miss Alex. Diko mabasa ang mata niya.

"Give her a punishment but not here. Can't you see that we're in a public place Miss?"
dadag ni Zayah. Grandmaaa ba't kapa sumabat mas lalong magagalit sakin to.

Napatingin si Miss Alex sakin at masama akong tiningnan. Ngumiti ako ng alanganin rito. Delikado na ang buhay ko.

"I can let you off just this one, Castro." malamig na tugon nito.

Paalis na sana kami sa cafeteria ng huminto si Zayah. Tumingin ito kay Miss  Alex na nakatingin pala samin.

"You're a professor right?" sabi ni Zayah dito. Diko alam kung anong pumapasok sa isip niya ngayon.

"Act like one."

Nanlaki ang matang napatingin ako rito. Ang talas talaga ng dila niya. Hinigit na ako nito palayo. Napalingon naman ako pabalik kay Miss Alex, nakatingin lang ito sakin.

Aminado naman ako na kasalanan ko. Bakit parang lumaki naman ata. I should apologize to her later.

"Di mo nalang sana sinabi yun grandma. You're disrespecting her profession." sabi ko rito nang makarating kami sa labas.

"I'm not. She's out of line. Hindi mo ba nakikita Cass? Pinapahiya ka niya sa harap ng maraming tao. If she's a responsible professor , she would settle everything in a private matter, pero anong ginawa niya?"

Nagsalubong na ang kilay nito. Alam ko namang concern lang si Zayah sakin pero iniisip ko ang dignidad ni Miss Alex. Siya yung nalalagay sa kahihiyan nito dahil sakin.

"Kasalanan ko naman. Di namin nalugar yung biroan namin ni Jazer." tugon ko sa mga tao.

"Nasan si Jazer? Saan nanaman sumuot ang isang yun? Makakatikim talaga sakin yun matapos ka iwan magisa dun." sambit ni Rajim habang nakalibot ang tingin sa paligid namin.

.....

Napabuntong hininga akong umopo sa may puno. I should really apologize. Damn bobo mo talaga Cassidy.

Break namin ngayon, hindi ko alam pero hindi pumasok si Miss Alex sa klase niya samin kanina. Nagbigay lang ito ng mga gagawin. Pumikit naman ako. Mas mabuting matulog nalang.

"Fuck!."

Kabute ba siya? Muntik na akong atakehin sa presensya niya at isapa bakit ba ang lapit niya.

"Why are you cussing." sambit ni Miss Alex habang nakataas ang kilay na nakatitig sakin.

"A-ah sorry po."

Tumikhim naman ako bag umayos ng tayo. Nakatingin lang ito sakin. May kailangan ba siya?

"I'm sorry about kanina. Hindi ko naman sinadya eh." nakatungong tugon ko sakanya pero wala man lang akong nakuhang sagot.

Magtitigan nalang ba kami rito? Nagsorry na ko sakanya, may gusto paba siya?

"Follow me."

Nakatingin lang ako sakanya nang magsimula na itong maglakad. Saan nanaman kami pupunta.

Ilang minuto na akong nakasunod sakanya hanggang sa makalabas na kami ng campus. We stopped infront of an ice cream parlor kaharap lang ng CIU.

"Give me that." saad nito habang tinuro ang Vanilla Ice cream sa freezer sa gilid ng counter.

"Anhin mo to?" tanong ko rito.

"Are you dumb or what?"

Napasimangot naman ako dahil sa sarkastikong tugon nito. Malamang Cassidy kakainin, ba't kapa kasi nagtanong.

"buy me that Vanilla and we're even."

Napangiti ako nang magiwas ito ng tingin sakin habang sinasabi ito. Tangina ang sarap niyang ipasok sa bulsa. How can she stand there looking so adorable?

Embracing my SerotoninWhere stories live. Discover now