Chapter 10

3K 104 5
                                    

"Caellum wala paba sila Mommy?"

"obviously."

Kulang nalang talaga itatakwil ko na tng lalaking to. Nagbabasa nanamn ng dyaryo. Inirapan ko lang ito bago pumuntang garahean , may lakad kami ngayon ng mga kaibigan ko magmamall kami.

Mabilis na pinasibad ko ang kotse paalis. Sila Leon at Zayah palang ang naabutan ko. Ilang minuto pa ay dumating na rin si Jazer pero may benda ang mukha.

"Anong nangyare sayo?." tanong ko rito habang sinusuri ang katawan.

"Sinampal ako ni Miss Mendoza."

Humalagpak kaming tatlo sa tawa dahil sa busangot na mukha. Tangina ampangit bakas yung kamay sa maputing mukha niya bwesit.

Inusisa pa namin ito pero sinamaan lang kami ng tingin. Ilang minuto pa ay naabutan kami ni Rajim dito na nagtatawanan. Binigyan naman si Jazer ng sumbrero para di mahalata ang mukha niya.

Naglibot na kami sa mall at kalaunay napagpasyahan naming sa arcade magpunta. Nakahiwalay kami ni Rajim sa tatlo, kaming dalawa nasa may Basketball. Kapag nanalo ako , tatanggap siya ng dare sakin. Pag natalo naman ako, ako ang tatanggap ng dare sakanya.

"paano ba yan?" nakangising sabi nito nang manalo sa laro. Walang ganang napakamot ako sa kilay at nagsalita.

"oh ano bilisan mo para matapos na, gutom na'ko." bagot na tugon ko sakanya pero yung kumag nginisian lang ako.

"Kita mo yan?"

Napatingin naman ako sa tinuro niya. May babaeng mukhang yaya ata kasi may hawak siya na bata.

"Oh ano titigan lang ba?" nakangiting sabi ko habang di inaalis ang tingin sa dalawang pigura. Ang easy naman at--

"Itakbo mo at ilibot sa mall."

Itakbo? Agad na nanlalaking tiningnan ko si Rajim na malawak ang ngiti sakin. Gago bata yun.

"Gago kaba?bata yan oi iba nalang." umiiling iling ako sakanya dahil bata talaga yan ayoko baka mapano pa.

"Tanga amp, sabi ko itakbo mo ng dahan dahan at ilibot sa mall, in short i baby sit mo"

Napabuntong hininga nalang ako bago dahan dahang lumapit sa dalawa. Sinisilip ko pa yung yaya na busy magcp, tama nga si Rajim ako nalang maggagala rito sa bata tutal di naman sya binabantayan.

"Hoy ibalik mo yan!!"

Natatawang tumakbo ako nang mabilis na dinampot ko yung bata. Napatingin naman ako sa batang lalaking mukhang pochie dahil sa bilog nitong mukha at tinatawanan pa talaga ako.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang pati guard ay hinahabol na kami, shit gago. Mabilis na sumiksik ako sa maraming tao at naglakad ng normal para hindi mabulilyaso.

"Let's play muna pochie ah?"

Napangiti nalang ako nang suklian ako nito ng hagikhik, sarap kurotin ng pisnge kagigil.

Napatingin tingin ako sa paligid. Mukhang naiwala namin yung mga gwardya. Kinurot ko naman si pochie na tumatawa sakin at sinasampal pa talaga yung mukha pero hindi naman kalakasan.

Ilang minuto pa kaming nagikot, sa may laruan, sa may damitan. Palabas na sana kami nang maabutan yung mga gwardya na mukhang ako ang hinahanap kaya naman ay mabilis na tumakbo ako sa may isang pintoan.

Hinihingal na ako kakatakbo , tangina nasan ba mga kaibigan ko. Iniwan na ata ako rito tangina lang. Kung saan saan nako nakaabot kakahanap sa mga kaibigan ko pero wala.

Napalingon naman ako sa gilid ko at mabilis na pumasok sa Korean restaurant nang makita ang mga kaibigan ko sa loob na kumakain. Ang galing bwesit na Rajim ipapalamon ko talaga sakanya si pochie.

Embracing my SerotoninWhere stories live. Discover now