First Tears

2.9K 39 1
                                    

Disclaimer: The Characters and events depicted in this spectacle are fictitious. Any simularity to actual persons, living or dead, is purely coincidental.

-----

"Achoo!"

"Bata, bago ka lang ba rito? Halika maglaro tayo ng taguan."

"Gusto ko sana pero sabi ng Mommy ko huwag daw ako sumama sa taong hindi ko kilala."

"Don't worry, I'm not a bad guy. So, are we friends now?"

Nakangiti kong binalikan ang childhood memories namin ng una kong kaibigan. My first...the last...my everything, he's Primo Montero a drop-dead handsome and heir of MonteCorp. Pitong taong gulang ako nang lumuwas kami sa Manila galing Cebu at manirahan ng tuluyan dahil sa bagong trabaho ng aking Ama. Isa siyang engineer, pinalad na makapasok sa isang sikat na construction company kaya kami lumipat. Nagkataon na sa mismong subdivision kung saan nakatira ang pamilya ni Primo. Naging magkapit-bahay kami, hindi ko nga inaasahan na sa araw nang paglipat namin kinaibigan niya ako agad. Hanggang sa naging matalik kaming magkaibigan pati na rin ang aming magulang.

"Imo, naalala mo ba?" tanong ko. Dahil bulol ako nung bata, mahirap kong bigkasin ang pangalan niya. Imo ang palaging lumalabas sa bibig ko sa tuwing tinatawag ko siya, hanggang sa nakasanayan ko na. "Dito mo ako unang niyaya na maglaro ng taguan." Huminto ako sa pagsasalita at inilibot ang paningin sa malawak na palaruan. Halos mayayaman ang nakatira sa subdivision bilang lang sa daliri ang nasa middle class. Kabilang ang pamilya ni Primo sa upper class kaya nahihiya akong kaibiganin ito pero laking tuwa ko dahil hindi siya namimili ng kakaibiganin. "Sinabi mo pa nga noon na hindi ka bad guy." Napakagat ako sa pang-ibabang labi para pigilang matawa, hindi pa nga ako pumayag na maging kaibigan siya basta na lang niya akong kinaladkad patungo sa palaruan. Siyempre mga bata pa kami noon at kahinaan namin ang paglalaro kaya napapayag niya ako. Ngunit ngayong nasa hustong gulang na kami nagbago si Primo. Kinamumuhian niya ako sa 'di ko malamang dahilan.

"What do you want, Beatrice?!" sigaw na tanong niya. Napatayo ako bigla dahil sa lakas ng boses niya, halos tumalsik ang laway nito sa mukha ko. "Una, huwag mo akong tatawagin sa pangalan na iyon dahil hindi na tayo bata. Pangalawa, wala akong naalala. Pangatlo, masamang tao ako hindi ka naman manhid 'di ba?"

Napayuko na lang ako para maitago ang nangingilid na luha. Sanay na akong tratuhin ni Primo ng hindi maganda. Hindi ito ang unang beses na sinigawan ako, pero hindi pa rin ako masanay. Masaya naman ang samahan namin noon na halos magkapalit na kami ng mukha, ngunit after graduation naging malamig ang pakikitungo niya sa akin. Hanggang ngayon hindi na siya bumalik sa dati na pinagtaka ko.

"At bakit tayo narito? Look, mahalaga ang oras ko kaya kung puwede pakibilisan," naiiritang sabi pa niya.

Panay ang tingin sa pambisig na relo. Siya ang namamahala sa MonteCorp na pagmamay-ari ng kaniyang pamilya, isang kilalang construction company.

"Weekend naman ngayon Im- Primo. Wala ka naman pasok sa opisina kaya hinintay ko ang araw na ito," nanginginig na wika ko.

Muntik ko nang masabi ang kinaiinisan nitong tawag. Natatakot ako na maulit ang paninigaw niya sa akin.

"Huwag mo akong itulad sa'yo, Beatrice. Kung hindi ka busy sa school kabaligtaran naman sa akin. Marami akong dapat tapusin nasasayang lang ang oras ko sa'yo," naiinis na anas niya.

Busy rin ako sa school lalo na kapag malapit na ang exam ng mga estudyante o 'di kaya kapag may magaganap na event, pero may nakalaan akong oras para sa kaniya. Lalo na sa weekend sa kaniya ang buong araw ko, pero hindi naman niya iyon binibigyan ng importansiya. Agad akong tinalikuran nito, hinabol ko naman siya at hinigit sa braso.

A Wife's Tears ( Completed )Where stories live. Discover now