Nineteenth Tears

703 13 0
                                    

Natulala at hindi makapagsalita ang mga trabahante nang isiniwalat ni Primo ang tungkol sa estado naming dalawa. Tumahimik bigla ang paligid na kanina lang ay parang pista. Tinuon ko ang aking pansin kay Enteng kung saan nakayuko habang bagsak ang dalawang balikat nito. Nanlumo siya sa kaniyang nalaman na mag-asawa kami ni Primo.

"Pagpaumanhin niyo po Señorito hindi namin alam." Paghingi ng paumanhin ng isa pang trabahante. "Hanap ka na lang ng iba Enteng marami pa naman diyan na iba," bulong niya kay Enteng.

Napatingin sa aming dalawa si Enteng na malungkot ang mukha. Pagod ang matang tumitig sa akin na para bang namatayan.

"Lubos ang aking kaligayahan para sa inyong dalawa," walang buhay nitong sabi. Walang ano-ano'y tumalikod ito at naglakad palayo sa amin.

Pinanood lang namin ang bulto nitong papalayo, nakaramdam ako ng kalungkutan parang kasalanan ko kung bakit nasasaktan o nalulungkot si Enteng.

"Pagpasensiyahan niyo na po ang aking apo, nasaktan lang po siya sa kaniyang nalaman. Lilipas din po ang kaniyang kabiguan," nahihiyang sambit ng matanda.

"Naintindihan po namin, siyanga po pala maghanda po kayo at may magaganap na salo-salo mamayang gabi," pahayag ni Primo.

Kunot-noo ko siyang tiningnan, wala naman sa usapan namin na magpapagabi kami rito sa hacienda. Kakausapin ko sana siya nang naghiyawan ang mga tao, makikita sa mukha nila ang kasiyahan. Maaaring matagal na silang hindi nakakapagdaos ng isang pagtitipon.

Hinila ako ni Primo kung saan, kahit pigilan ko man siya hindi ko ito mapahinto. Nagpatianod ako kung saan lugar dadalhin ng kaniyang mga paa.

"Teka, saglit lang napapagod na ako," reklamo ko. Malayo-layo na rin kasi ang aming nalalakad ngunit hindi man lang siya nakakaramdam nang pagkapagod. Huminto naman si Primo kaya sinamantala kong makapagpahinga muna. "S-saan ba tayo pupunta?" hinihingal kong tanong.

"Kay Price," mabilis niyang sagot.

Nanlaki ang aking mata pagkarinig ko sa pangalan niya. Panay iling ko kay Primo at tinangka kong tumakbo ngunit nahuli niya ako.

"No way Primo, huwag mong ituloy ang binabalak mo!" tili ko dahil binuhat niya ako na pa-bridal style.

"No Beatrice, face your fear," seryoso niyang wika.

Hanggang ngayon kinakatakutan ko pa rin ang pagsakay sa kabayo. Si Price ang alagang kabayo ni Primo na niregalo ni Lolo Acio para sa kaniya at binabalak nga niyang pasakayin ako.

"No! Lolo Acio tulong!" sigaw ko. Malakas ang ginawang pagtawa ni Primo habang buhat ako patungo sa kwadra.

"Malas mo Beatrice wala na si Lolo para ipagtanggol ka," hagikhik niyang anas.

Noon walang magawa si Primo na pasakayin ako sa kabayo dahil kakampi ko ang kaniyang Lolo ngayon wala na akong choice.

-----

"Si Price na ba iyan?" manghang tanong ko.

Napakagandang kabayo mula sa balahibo nito na sobrang puti na para bang ulap sa kaputihan at parang bulak sa kalambutan. Makintab ang balat ni Price kapag nasikatan ng araw.

"Yes, actually Kabardian ang lahi ni Price," imporma ni Primo.

Kaya pala hindi basta-bastang kabayo lang may lahi. Ang taas ay umabot sa 155 cm, at ang timbang 400 kg. Ang katawan ni Price ay solid, ang likod ay tuwid at nagtatapos sa isang malakas na puwitan. Ang leeg ay hubog at maikli ang haba. Ang ulo ay may katamtamang laki, ang muzzle ay nasa kaluwagan, na may isang katangian ng convex na profile at nabuo ang mga butas ng ilong. Ang mga binti ay may binibigkas na mga kasukasuan, ang mga hind limbs ay hugis sable. Ang mga hooves ay mataas at matatag. Ang kalahating buhay ng isang kabayo ay 35 taon.

A Wife's Tears ( Completed )Where stories live. Discover now