Twenty-first Tears

676 13 0
                                    

Naalimpungatan ako ng may narinig akong kumakatok sa pinto, babangon na sana ako para tingnan kung sino ang nasa labas ng may mabigat na nakadantay sa aking baywang. Pagkakita ko braso ni Primo ang nakapulupot, napalingon ako sa gawi niya at gano'n na lang kahimbing ang tulog niya. Umagang-umaga uminit ang pisngi ko dahil sa higpit ng pagkayakap niya sa akin.

Dahan-dahan kong tinanggal ang braso niyang nakapulupot para bumangon. Hindi pa ako tuluyang nakakabangon nang niyakap niya ako at bumalik sa pagkakahiga.

“Primo, pakawalan mo muna ako para tingnan ang taong kanina pa kumakatok sa pinto,” ani ko.

Hindi siya sumagot at hindi rin niya ako pinakawalan kaya nilingon ko siya. Unti-unti niyang minulat ang kaniyang mata at nagtama ang aming paningin. Nasilayan ko ng husto ang g'wapong mukha ni Primo na kahit paulit-ulit kong tingnan ay hindi ko pagsasawaan.

“Pakawalan mo muna ako dahil kanina pa may kumakatok,” mahina kong sambit.

“Hayaan mo siyang maghintay,” inaantok niyang sabi.

“Pero Primo nakakahiya naman kung paghintayin natin iyong tao,” pangangatuwiran ko.

“Fine, ako na ang magbubukas. Ayokong ikaw lalo na ganyan ang suot mo. Hindi ko hahayaan na may makakita ng iba dapat ako lang.” Tinatamad na bumangon si Primo, kinuha niya ang damit niyang nakasampay saka sinuot.

Doon ko lang napuna na wala pala itong damit pangitaas nung natulog. Nabusog ang mga mata kong pinagmasdan ang magandang hubog ng kaniyang pangangatawan. Mula sa dibdib nito pababa sa kaniyang tiyan na kay sarap hawakan. Sa tingin ko pa lang napakatigas nito na kahit minsan ay hindi ko pa nahawakan.

Nakamasid ako kay Primo patungo kung nasaan ang pinto. Pagbukas niya agad nitong sinara kaya hindi ko nakita kung sino ang nasa labas. Babangon na sana ako nang narinig kong tumaas ang boses ni Primo.

“Anong ginagawa mo rito?!” bulyaw niya.

Kumunot ang noo ko naging palaisipan sa akin kung sino ang kausap niya para magalit siya ng husto.

“Si Beatrice ang pinunta ko rito at hindi ikaw!” mariin na sagot ng kausap niya.

Sa boses ng lalaki alam kong si Enteng ang kausap ni Primo kaya gano'n na lang kabilis magalit ito.

“Walang sakit ang asawa ko para puntahan mo! Sa oras na pestehin mo pa kami ng asawa ko babasagin ko na ang pagmumukha mo!” Agad na binuksan ni Primo ang pinto at pumasok.

Napaupo ako ng diretso dahil sa masamang tingin niya sa akin. Akala ko sa akin niya ibubunton ang galit nito kay Enteng ngunit tumalikod siya sa akin at may tinawagan sa telepono. Nagtungo siya sa balkonahe kaya hindi ko na narinig ang pinag-usapan nila ng kaniyang kausap.

“Maliligo lang ako kapag may kumatok pagbuksan mo. Huwag kang mag-alala hindi si Enteng kapag nagtangkang bumalik pa iyon babasagin ko na talaga ang mukha niya.” Hindi na ako nakasagot dahil agad itong pumasok sa banyo.

Narinig ko ang paglagas ng tubig at mahinang pagkanta ni Primo. Napangiti ako dahil ganito pala siya maligo. Makalipas ang ilang minuto nakarinig ako ng katok mula sa pinto. Hindi ko inalintana ang aking kasuotan mabilis kong tinungo ang pinto at agad binuksan.

“Sino po sila?” magalang kong tanong. Isang lalaki na hindi ko kilala ang nakatayo sa harapan ng pinto. Hindi siya sumagot bagkos nakatitig lang ito. “Sino po ang hinahanap nila?” tanong ko ulit.

“Eyes up kung ayaw mong mawalan ng trabaho,” singit ni Primo. Nagulat ako ng hinila niya ako papunta sa kaniyang likuran. Tumutulo pa ang tubig galing sa kaniyang buhok at tanging tuwalya ang saplot sa kaniyang ibaba. “Euston, nabili mo ba lahat?” maawtoridad na tanong niya sa lalaki.

A Wife's Tears ( Completed )Where stories live. Discover now