Thirty-third Tears

838 16 4
                                    

Naglakad ako papalapit sa dalawang traydor habang nakatutok ang baril. Agad tinaas ni Dylan ang dalawang kamay nang tinutok ko sa kaniyang ulo ang baril. Nanigas ang katawan nito sa takot habang panay atras ni Hana kahit nasa dulo na ito ng headrest ng kama.

“Ano ang sasabihin mo sa akin, Dylan?” Diniin ko ang pagkatutok ng baril sa ulo nito.

Pigil hiniga naman ito, nanginginig ang buong katawan partikular sa kamay pa rin niyang nakataas. “P-P're, relaks ka lang baka makalabit mo ang kantilyo,” maangas na sabi nito kahit nangangatog na ang tuhod sa takot.

Tumaas ang dugo ko sa ulo. Mayabang pa rin kahit nasa bigit na ng kamatayan. “Tangina mo! Huwag mo akong tawaging P're who you ka sa akin at huwag mo akong utusan baka magdilim ang paningin ko at basta ko na lang makalabit. Sagutin mo ang tinatanong ko?!”

“W-wala akong sasabihin sa'yo!” sigaw na sagot nito.

Dahil kanina ko pa gustong basagin ang pagmumukha nito binigyan ko ng isang sample. Inundangan ko siya ng isang malakas na suntok agad tumabingi ang mukha nito. Panay sigaw at iyak naman ni Hana kung saan nakakarindi sa pandinig ko.

“Bitch! Isarado mo iyang bunganga mo kung ayaw mong pasabungin ko!” banta ko kay Hana kung saan agad niyang tinakpan gamit ang kaniyang kamay.

Binalik ko ang tingin kay Dylan na nakahawak sa pumutok nitong labi. Napangisi ako pero nakukulangan pa ako, hindi pa sapat ang panlolokong ginawa nila. Hindi pa umabot sa kalingkingan ni Beatrice ang lahat ng pang-aalipusta na ginawa ko sa kaniya dahil sa pambibilog nila ng ulo ko.

“Umurong ba ang bayag mo? Hindi mo masabi dahil sa ibabaeng iyan?” Tinuro ko si Hana gamit ang hawak kong baril. Pumikit ng mariin ito kung saan tumawa ako ng mahina. “Nilalason ng babaeng iyan ang utak mo gaya ng ginawa niya sa akin. Alam mo bang pinagsawaan ko na ang katawan niya kumbaga gamit na gamit na. Pagkatapos pagdating sa'yo tira-tira na lang. Kung sabagay quits lang kami paniwala kasing mahal ko kahit ang totoo ginagamit ko lang. Kahit kinamumuhian ko si Beatrice siya naman ang totoo kong mahal. Pero tangina ng dahil sa inyong dalawa pinahirapan ko ang babaeng mahal ko! Kaya ngayon magsasalita ka ba o papatayin kita sa mismong harapan ng babaeng mahal mo?!”

“Tangina mo Primo! Hindi ako natatakot sa banta mo. Magsasalita lang ako kaharap ng abogado ko!” matapang niyang sagot.

Natawa ako ng pagak sobrang yabang ng hinayupak umurong naman ang bayag. Napapailing akong umupo sa harapan nito.

“Tingnan natin kung sa gagawin ko magawa mo pang magyabang,” pagngisi ko. Nilabas ko ang cellphone at tinawagan si Morris. Isang ring pa lang sinagot niya kaagad. “Pumunta ka rito may nahuli akong dalawang nakakalason na ahas.” Pagkababa ko matalim kong tiningnan ang dalawa, umurong ang mga dila at animo'y maamong tupa.

Makalipas ang ilang minuto dumating si Morris at apat nitong kasamahan. Naka-combat uniform ang mga ito na parang sasabak sa giyera.

“Wow porn!” gulat na sabi ng lalaking may dimples. Pinagtawanan siya nung tatlo.

“Mabuti pa nga sila hindi tigang 'di kagaya mo,” pang-aasar ng moreno ang balat.

“Nagsalita ang hindi,” pagsingit naman nung mestizo.

“Huwag na kayong magturuhan dahil pare-pareho lang kayong tatlo,” banat ng may pagkasingkit ang mata.

Napapailing na pumagitna sa kanila si Morris saka tiningnan ang mga ito ng seryoso. “Shut up motherfucker! Ang iingay niyong apat gusto niyo ba ng fifteen laps?”

“Sorry Captain!” sabay-sabay nilang sabi.

Pinapanood ko lang sila habang hindi inaalis ang tingin ko sa dalawang kanina pa nangangatog sa takot. Lumapit si Morris sa akin saka niya ako tinapik sa balikat. Napatingin siya kina Dylan at Hana habang napapailing na may kasamang nakakalokong ngiti.

A Wife's Tears ( Completed )Where stories live. Discover now