Sixteenth Tears

719 12 0
                                    

Nagulat ako para bang nakakita ng multo. Namilog ang aking mga mata, tikom ang bibig, ang bilis ng tibok ang puso ko, mga ilan lang sa naramdaman ko. Sino ba ang hindi magugulat? Kung ang lalaking mahal mo ay bigla na lang sabihin na 'my wife'. Kahit kailan hindi ako tinuring ni Primo bilang asawa niya, palagi niyang pinapamukha sa akin na kapirasong papel lang ako para sa kaniya. Maid ang palagi niyang pagpapakilala sa akin kaya nakakapagtaka talaga. Matagal ko ng inaasam na kilalanin niya ako bilang asawa niya at nangyari nga ngayon. Hindi ko ba siya paniniwalaan o susundin ko kung ano ang sinasabi ng puso ko?

Napakurap ako at napatingin sa harap ng may sunod-sunod na nagbusina. Nag-go sign na pala hindi rin napansin ni Primo dahil sa akin nakatuon ang paningin niya. Pagkatapos ng pangyayaring iyon hindi na ako tumingin pa sa gawi niya, hindi sa nagpapakipot kung 'di pa rin napro-proseso ng utak ko ang nangyari. Ramdam kong panaka-naka siya nang tingin sa akin ngunit nagpatay malisya na lang ako. Hindi pa kaya ng sistema ko baka bigla ko siyang mahalikan. Kung kakausapin niya ako sasagutin ko naman pero tahimik lang ito habang nagmamaneho.

Nang hininto ni Primo ang sasakyan hindi ko na hinintay pa na pagbuksan niya baka sabihin ulit sa akin na paimportante. Agad kong tinanggal ang pagkasuot ng seatbelt saka binuksan ang pinto. Iniwan ko sa upuan ang jacket na nilagay niya sa hita ko. Hindi ko na rin nilingon si Primo kaya hindi ko alam kung ano reaksiyon nito. Habang hinihintay ko siyang makalabas ginala ko ang paningin sa lugar. Doon ko lang napuna ang hinintuan namin, sa isang Italian restaurant kung saan palagi naming kinakainan noong buhay pa si Lolo Acio. Ilang taon na rin bago ako nakabalik dito kaya nanibago ako marami na kasing nagbago. Dati-rati konti pa lang ang katabing establisyemento ngayon halos magkadikit-dikit na. Pati ayos ng restaurant ay binago na rin dati hindi ito glass wall ngayon puro salamin na. Sa tapat dati wala pa iyong grocery store ngayon mayroon nang nakatayo. Gano'n na katagal na hindi ako nakagawi rito sabagay teenager pa lang kami noon ni Primo.

Napalingon ako kay Primo nang binuksan nito ang pinto. Binigay niya sa valet ang susi saka naglakad patungo sa pwesto ko.

“Bakit hindi mo ako hinintay na pagbuksan ka ng pinto? At itong jacket, bakit basta mo na lang din iniwan? Hindi mo ba alam kung gaano kaiksi iyang suot mo, masisilipan ka sa ginagawa mo,” pagtalak niya hindi yata siya huminga sa pagsasalita.

Hindi naman gano'n kaiksi ang suot ko, spaghetti strap dress na above the knee at hindi naman malaswa tingnan sa akin. Hindi ko siya sinagot sobrang nababahala kasi si Primo sa suot ko, bakit iyong mga babae niya hindi siya nababahala? Kung tutuusin mas grabe pa sila manamit kaysa sa akin. Nagulat na lang ako nang binalabal ni Primo ang jacket nito sa baywang ko.

“Hindi mo naman na kailangan gawin ito,” mahina kong saad.

Tiningnan naman niya ako habang inaayos ang pagkakasuot sa baywang ko. “Kailangan, baka bastusin ka ng sino man. Ayaw mo naman sigurong makita ako sa kulungan,” mariin niyang sabi.

Napalunok ako sa sinabi nito, ramdam ko rin ang pagkainit ng pisngi ko. Ganito naman na ka-protective si Primo noon sa akin pero bakit iba ang pakiramdam ko. Ginagawa ba niya ito dahil sa kompanya o mahal na rin niya ako?

“Let's go,” aniya.

May naramdaman akong parang kuryente na dumaloy sa katawan ko nung hinawakan nito ang aking kamay. Nagpatianod na lang ako sa kaniya, ngayon ko lang nahawakan ang kamay nito ng matagal. Mainit at malambot ang kamay niya sa liit ng kamay ko sinakop niya ng buo.

“Good evening, Mr. Montero. This way please,” magalang na sabi ng babae. Siya ang restaurant manager nabasa ko sa suot nitong pin name.

Hawak pa rin ni Primo ang kamay ko sinundan namin ang babae, hindi ko alam kung ako ang tinitingnan ng mga tao dahil sa suot ko o si Primo na parang hollywood star ang datingan. Nang makarating kami sa aming mesa pinaghila niya ako ng upuan bago siya umupo kaharapan ko.

A Wife's Tears ( Completed )Where stories live. Discover now