Fifth Tears

748 15 0
                                    

Weekend walang pasok sa eskwelahan pero kailangan ko pa rin gumising ng maaga. May pasok si Primo sa kompanya kailangan ko siyang ipagluto ng agahan. Kagabi akala ko kaya niya ako pinuntahan sa kwarto para humingi ng sorry. Nagkamali ako dahil nakatanggap lang ako ng masakit na salita. Pagkatapos niyang sabihin tinalikuran niya ako agad. Napalakas pa ang pagsara nito ng pinto na halos magiba.

Masama ang pakiramdam ko siguro dahil wala akong sapat na tulog. Dumagdag pa ang masakit kong ulo dahil sa walang tigil na pag-iyak. Naglinis muna ako sa buong bahay saka nagluto ng agahan. Paglabas ko ng kusina saktong pagdating nito, hindi niya ako pinansin na parang wala ako ro'n. Hinila nito ang silya saka umupo, binuklat ang dyaryo at nagbasa. Nilapag ko na lang ang ibang pagkain sa mesa saka bumalik sa kusina, titimplahan ko pa kasi siya ng kape. Lumabas ako dala-dala ang kape nito, kumakain na siya nang maabutan ko. Nilapag ko ang kape nito saka umalis.

“Kung gusto mong kumain sa kusina hindi kita pipigilan dahil do'n ka naman nararapat,” sabi niya dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.

“Masusunod kung iyan ang gusto mo,” mariin kong sagot. Mas gugustuhin kong kumain sa kusina kaysa makatabi siya. “Achoo!” Patapos na akong kumain ng bigla na lang akong mabahing.

“Labhan mo lahat ng madumi kong damit,” utos niya.

“Okay,” tipid kong sagot. Umalis na siya at narinig ko na lang ang tunog ng sasakyan nito.

Pagkatapos kong mailigpit ang pinagkainan nagtungo ako sa kwarto nito para kunin lahat ng labahan. Pinaghiwalay ko ang puti sa de color. Inisa-isa ko itong nilagay sa washing machine pero natigilan ako dahil nakita kong may markang lipstick ang long sleeve nito. Hindi lang isa kung 'di lahat ng long sleeve nito may kiss mark. Sinuri ko ulit at napagtanto kong iisa lang ang kulay ng lipstick. Sumikip ang dibdib ko sa lantarang pambabae ni Primo, ang tinuturing ko noon na prince charming ay naglaho na. Nawala na rin ang mga pangarap ko na kasama siya, mahika kung saan from friends to lovers sana at pag-ibig na one sided love lang pala. Hindi ko alam kung mayroon pang tao na mamahalin ka ng tapat at wagas. Kaya ang fairy tales para lang sa mga taong may happy ending, ang ending ng buhay ko tatanda at mamamatay na mag-isa. Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ang door bell. Dahan-dahan kong pinunasan ang luhang kumawala sa mata ko.

“M-mommy,” sambit kong nauutal. Hindi ko inaasahan ang pagdalaw niya. “I miss you.” Napahigpit ang pagyakap ko.

“I miss you too anak,” tugon naman ni Mommy.

Naramdaman ko ang higpit din nitong pagyakap. Ito ang kailangan ko ngayon a mother's touch and love. Niyaya ko si Mommy na pumasok sa loob ng bahay. Pinaupo ko siya at nagtungo ako sa kusina para ipaghanda ng makakain. Naabutan ko siyang ginagala ang paningin sa buong bahay.

“Bea, bakit wala akong nakikita na larawan ninyong mag-asawa?” agad niyang tanong paglapag ko ng juice at cake.

“M-mommy, nandoon po sa kwarto namin,” pagsisinungaling ko. Kinakabahan ako baka malaman niya ang totoong pagsasama namin ni Primo.

“Gano'n ba? Samahan mo ako gusto ko rin naman makita ang kwarto niyo.” May gustong ipahiwatig ang bawat bigkas ng salita nito.

“Mommy! Magulo ang kwarto namin hindi pa kasi ako nakakapagligpit,” pagpigil ko sa kaniya nang paakyat na ito sa hagdan.

Bumalik siya sa kaniyang kinauupuan at pinatitigan ako. Hindi naman ako makatingin sa kaniya ng tuwid kaya yumuko ako.

“Kailan ka pa natutong magsinungaling sa amin, Bea?” mahinang tanong niya ngunit bakas sa boses nito ang pagkabigo.

“I'm sorry sa inyo ni Daddy, Mom,” nakayukong sagot ko. Nagsisimula na ring magbagsakan ang luha ko.

“Halika rito,” utos niya na agad ko namang sinunod. Inangat niya ang aking mukha kaya napansin niya ang namumula kong mata. “Alam ko na ang buong katotohanan, alam kong mahal na mahal mo si Primo kaya ginagawa mo ito.” Huminto siya sa pagsasalita at pinunasan ang aking luha. “Pero anak hindi ito tama. Isipin mo ang sarili mo, isipin mo rin kami ng Daddy mo. Hindi palaging si Primo na lang, hindi natin kailangan ang pera nila. Sumama ka na sa akin uuwi na tayo. Ibalik mo sa kanila ang share sa MonteCorp at makipag-hiwalay sa kaniya. Kapag nalaman ng Daddy mo ang buong katotohanan baka mas lalong sumama ang pakiramdam niya,” mahabang salaysay ni Mommy.

A Wife's Tears ( Completed )Where stories live. Discover now