Forty-third Tears

701 14 0
                                    

Tinanggal ko ang pagkahawak ni Hana sa kamay ko. Matapang ko silang tiningnan na dalawa. “Ano na naman kasinungalingan ang pinagsasabi mo, Hana?” taas-kilay kong tanong. Sa dami ng ginawa niyang kasalanan at kasinungalingan mahirap ng magtiwala.

“Hindi ito kasinungalingan Beatrice, this time nagsasabi ako sa'yo ng totoo,” sagot niya.

“At paano ako maniniwala sa'yo? E, sinungaling kang tao,” diretsahan kong sabi.

“Iyong personal lawyer ng Lolo ni Primo alam niya ang tungkol do'n. Minsan nakita ko sila sa coffee shop namukhaan ko ang Lolo niya kaya palihim akong lumapit sa kinauupuan nila. Nakinig ako sa pinag-uusapan nilang dalawa, pinatago iyon ng Lolo niya kasi ayaw niyang malaman ni Primo,” paliwanag niya.

Napahilot ako sa aking sentido. Mabait si Lolo Acio at alam kong hindi ito gagawa ng isang bagay lalo na kung tungkol kay Primo.

“Alam mo Hana hindi ka lang sinungaling na tao, marites ka pa.” Agad ko silang tinalikuran.

“Beatrice!” tawag pa nito na hindi ko pinansin.

Kahit nasa taxi na ako hindi pa rin maalis sa isip ko ang nalaman ko. Aaminin kong nakaramdam ako ng pagkaawa kay Hana nung nakita ko siya. Hindi na siya ang sikat na modelo na tinitingala ng lahat. Ang magandang pangangatawan at mukha nito ay nawala na parang hindi siya ang nakita ko kanina. Sobra ang pinayat nito, nawala na ang makinis niyang kutis at napalitan ng ilang peklat. Gano'n din si Dylan para itong ermitanyo. Kahit sino maaawa kapag nakita ang kalagayan nila pero nung nalaman ko ang ginawa nilang kasalanan sa amin ni Primo napalitan iyon ng pagkasuklam.

Gusto kong ipahinga ang isip ko at lumayo sa lugar kung saan puro problema ang dala. Tutal weekend na bukas at naka-leave ako kaya napagdesisyunan kong umuwi sa Baguio. Magugulat si Mirielle dahil ang alam nito ay bukas pa ako makakauwi. Ngunit bago niyan may mahalaga muna akong dapat puntahan.

“Long time no see po Lolo, kumusta po?” pangungumusta ko. Kapansin-pansin na malinis ang puntod. May bulaklak na halatang bago at kandila na parang kakasindi lang. Nilapag ko ang dala kong bulaklak at sinindihan ang kandila. “Alam niyo marami akong nalaman sa araw na ito. Kaya pala gano'n na lang ang pagkamuhi sa akin ng apo niyo.” Huminto ako sa pagsasalita at natawang mag-isa. “May isa pa akong nalaman pero ayaw kong paniwalaan dahil sa inyo po ako naniniwala. Lolo ano po ang gagawin ko?” naguguluhan kong tanong.

Nagtagal pa ako ng ilang minuto hanggang sa naisipan kong umalis na. Mahaba pa kasi ang biyahe ko papuntang Baguio. Sa haba ng biyahe hindi man lang ako inantok, nakatanaw lang ako sa bintana habang lumilipad ang isip kung saan.

“Huwag ka munang mag-isip ng masyado Beatrice. Ang isipin mo ay makakasama mo na ulit ang anak mo iyon muna at wala ng iba. Naintindihan mo ba?” tanong ko sa aking sarili. Tinuon ko ulit sa labas ang aking atensiyon. Ilang oras na lang at makikita ko na si Mirielle, sabik ko ng yakapin at halikan ang anak ko.

“Mommy!” masayang tawag ni Mirielle. Pagbukas ko ng pinto sa halip na ako ang magsurpresa sa kaniya ako tuloy ang sinurpresa niya. Kaagad itong tumakbo papunta sa akin at inulanan ng halik sa pisngi. Sa mga oras na iyon nawaglit lahat ang mga iniisip ko. “I miss you, Mommy.” Mahigpit ang pagkayakap niya sa akin na para bang mababali na ang leeg ko.

“I miss you more my angel.” Niyakap ko rin siya ng mahigpit, binuhat at saka pinaikot-ikot. Tawang-tawa si Mirielle sa aking ginawa. Puno ng kasiyahan ang mukha nito, namalayan ko na lang ang aking sarili na sumasabay sa pagtawa niya. Ang ngiti niya ang gamot mo sa lahat ng problema na aking hinaharap. “Tama na baka mahilo ka na.” Hininto ko ang pag-ikot sa kaniya saka pinaulanan ko ng halik ang pisngi. Panay ang tili nito dahil nakikiliti siya.

Binaba ko siya at pinatitigan ang kaniyang mukha partikular ang magandang kulay ng mga mata nito. “I love you, Mommy.” Hinapit niya ang mukha ko saka hinalikan ang tungki ng aking ilong.

A Wife's Tears ( Completed )Where stories live. Discover now