Twenty-ninth Tears

667 13 5
                                    

Ang kaninang patak-patak na luha ay mabilis nagbagsakan dahil lamang sa tanong ni Morris. Kung alam lang nila ang pinagdaanan ko dahil sa pagmamahal ko kay Primo kahit hindi na ako sumagot malalaman na nila ang kasagutan. Kahit mabuti o masama siya sa paningin ko hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa kaniya.

“Alright, sa reaksiyon mo pa lang alam ko na ang sagot.” Hinagud ni Morris ang likod ko upang patahanin. “Napaka-swerte ng tarantadong iyon ngunit Beatrice may hangganan din ang lahat. Huwag puro siya isipin mo rin ang sa'yo.” Napahagulgol ako kaya niyakap niya ako ng mahigpit.

Nang mahimasmasan na ako umuwi na rin si Morris. Nagpumilit siya na kunin ko ang binibigay niyang cellphone. Kakailanganin ko raw sa maraming bagay kaya sa huli tinanggap ko. Kapag nagkapera bibili naman ako at ibabalik sa kaniya.

Dating gawi umuwi si Primo na lasing at may kasamang babae. Dinala niya ito sa kaniyang kwarto at nag-chukchakan. Palagi na lang itong nangyayari pero hindi pa rin masanay ang puso ko na huwag masaktan. Ang naririnig kong ingay mula sa kabilang kwarto ay nagbibigay sa akin ng kapighatian kaya minabuti kong sa sofa matulog. Bago ko ipikit ang aking mga mata nakatanggap ako ng mensahe galing kay Morris.

Morris Fusco

Beatrice, be careful, hindi ka makikilala ng maling lalaki bilang isang mabuting babae at sasayangin niya ang oras mo. Kikilos siya na parang tama lang siya para makuha ang gusto niya mula sa iyo. Pagkatapos niyang maisakatuparan ang kaniyang layunin, babalik siya sa kaniyang mga dating gawi na iniiwan ka sa pisikal, emosyonal at, sa ilang mga kaso, finally drained.

Ibaba ko na sana nang tumunog, galing ulit sa kaniya.

Morris Fusco

Pero hindi ko hahayaan na mangyari iyon, hanggat nandito ako sagot kita.

Sa kabila ng pagkadurog ng aking puso may mga taong nagpapangiti sa akin at iyon ay mga tinuturing kong mahal sa buhay.

-----

Kumakain kami ng agahan ni Nanay Flor sa kusina nang tinawag ako ni Primo. Dali-dali akong nagtungo sa kaniya, tahimik na kumakain ang mga ito. Ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-irap sa akin ng kasama nitong babae.

“May kailangan ka?” mahina kong tanong.

“My gosh! Walang modo itong maid mo. Ang bastos hindi ka man lang ginalang,” pagsingit ng babae. Hindi ko siya pinansin at hinihintay ang sasabihin ni Primo.

“Timplahan mo ako ng kape at gatas naman para sa kaniya,” walang gana niyang sabi. Tinaasan naman ako ng kilay ng mukhang tingting na babae na iyon.

Agad akong umalis baka hindi ako makapagpigil at makalbo ko ang tingting na iyon. Pagdating ko sa kusina nagtimpla agad ako ng kape at pagkatapos gatas naman. Nginitian ko si Nanay Flor pinapahiwatig na kaya ko. Hinatid ko na sakanila ang kanilang inumin, dahan-dahan ko itong nilapag. Paalis na ako nang tinawag ako ng babaeng tingting.

“Bakit hindi mainit itong gatas ko? Palitan mo ito gusto ko iyong mainit!” mataray niyang utos. Dahil kanina pa ako nagtitipi at hindi ko na kaya pang magpigil hinarap ko siya.

“Kung gusto mo ikaw ang gumawa! Hindi ikaw ang amo ko para sundin ang utos mo!” sigaw ko sa kaniyang pagmumukha. Hindi ko napaghandaan at inaasahan ang pagtapon nito sa aking mukha.

“Ngayon, kilalanin mo kung sino ang sinisigawan mo.” Tumayo ito at tinapon ulit sa mukha ko ang natitirang gatas.

Umakyat ang dugo ko sa ulo kaya hinigit ko ang kaniyang buhok. Hinigpitan ko ang pagkakapit at hinila iyong tipong matatanggal na ang kaniyang anit. Hindi ko pinapansin si Primo na nasa gilid ko at pinapatigil kami.

A Wife's Tears ( Completed )Where stories live. Discover now